Aryaniah's POV Dalawang linggo na akong nakatambay dito sa condo ni Reign wala pa din akong natatanggap na balita sa kaniya. Panay naman ang natatanggap kong text at tawag galing kay Ryzo. Araw-araw niyang sinasabi na mahal na mahal niya ako. Mahal ko din naman siya hindi ko lang matanggap na si Miya ang ipapakasal sa kaniya. Hindi ko din alam kung bakit kailangan siya pa. Bata palang kami ni Miya ay malapit na kami sa isa't-isa. Pero mula ng mamatay ang Ama niya na dating Hari umalis sila sa palasyo ay nanirahan sa Boston. Mula noon ay hindi na kami nagkita o nagkaroon man lang ng komunikasyon. Maliban kay Reign tanging si Kaizer lang ang lagi niyang nakakasama. Sa Boston nakatira si Kaizer bukod sa doon siya nag-aaral pinili din niya talaga doon para may kasama si Miya. Si Miya, Kaize