Aryaniah's POV Nang bisitahin ulit ako ni Kaizer sa condo ni Reign. Sinabi niya sa'kin ang napag-usapan nila ni Miya. Hindi rin daw ito makapaniwala na may girlfriend na pala si Ryzo bago nangyari ang engagement ay akala ni Miya single si Ryzo. Hindi rin sinabi ni Kaizer na ako ang girlfriend ni Ryzo na fianće ni Miya. Ayoko din ipaalam kay Miya na nasa bansa ako. Mas gugustuhin kong umiwas nalang. Natatakot din akong baka makarating kay Ama ang nangyari mas lalo lang lalala ang setwasyon. Pero inaalam pa din ni Kaizer ang lahat. Hanggang ngayon ay wala pa siyang nalalaman kung bakit ipapakasal sa Miya kay Ryzo. Walang dugong maharlika sina Ryzo. Hindi rin sinabi lahat ni Miya kay Kaizer lahat. Iniisip ko tuloy may binabalak si Miya. Pero ayokong mag-isip ng masama tungkol sa kaniya.