Chapter 3

3733 Words
RAN ADRIENNE ROSS __ "Are you nervous?" "No... I was just curious about your brother. I haven't seen any photos of him." "Because he hates photos. He's an introvert and yeah... mysterious. Hindi niya gusto ng maraming tao sa paligid niya lalo na ang media." He told me na kauuwi lang nito sa bansa at pupunta ito sa mansion. Nagpaluto siya ng maraming pagkain and I made lasagna. His brother could be our problem pero kung sa ibang bansa ito nakatira, hindi ko na kailangang mag-alala. "Sir, nakapasok na po ng main gate ang sasakyan ng kapatid n'yo," sambit ng security. "Let's welcome him, then." Hinayaan kong kuhanin ni Tyler ang kamay ko. Nagtungo kami palabas ng main door. Hinintay naming huminto ang limousine sa harap ng bahay. He was well-guarded. He was obviously not an ordinary man living abroad. Pinagbuksan ito ng pinto ng security. Una kong nakita ang pagbaba ng makintab na leather shoes nito sa sahig. He finally went out. Inangat ko ang tingin ko rito... and I was stunned when I met his eyes. He looked familiar. Naramdaman ko ang unti-unting pagkabog ng dibdib ko at ang pagtingin ni Port sa direksyon ko. I felt my throat slowly turning dry. Hindi pa rin ito nagtatanggal ng tingin sa akin hanggang sa makalapit. "Brother..." Sandali akong binitiwan ni Tyler para yakapin ito. Tinapik nila ang likod ng isa't-isa bago maghiwalay. "Long time no see. Anyway, meet my wife, Yerra." Hinapit nito ang baywang ko habang mawalak na nakangiti sa kapatid. That guy shifted his gaze at me. Hindi ito nagpakita ng emosyon, and I tried to do the same. "Babe, he's my brother, Tyxon Deveraux." Hindi ito naglahad ng kamay. Sa halip ay pinasok niya ang mga palad sa magkabilang bulsa. I didn't say anything. I didn't bother to greet him. Tiningnan niya pa ako sandali bago muling bumaling kay Tyler. "Let's talk." Prente itong humakbang papasok sa loob ng bahay. Sumunod naman agad sa kaniya ang mga kasama niyang tauhan. I could feel so much arrogance and entitlement in him. Tyler held my arm lightly. "I'll just talk to him, hmm?" Marahan akong tumango at sinundan siya ng tingin papasok sa loob ng bahay. Naramdaman ko naman ang simpleng paglapit sa akin ni Port. "Nalintikan na... may surprise pala ngayong gabi." Humugot ako ng malalim na hininga at dumiretso na rin papasok sa loob. Nauna na ako sa dining area. I kept drinking champagne and I couldn't deny that I was bothered. Matagal din bago pumasok ang mga ito sa dining area. Muling nagkasalubong ang mga mata namin nito at ako na mismo ang nag-iwas. Nakita ko sa gilid ng mata ko ang pag-upo niya sa katapat na silya. Umupo naman si Tyler sa tabi ko. "I'm sorry for making you wait," mahinang bulong nito sa akin. "It's okay..." "Vegetables?" he asked me. "Please." Kinuha niya ang bowl at siya mismo ang naglagay ng pagkain sa pinggan ko. "Brother, first time ni Yerra na makita ka. Don't scare her," pabirong sambit ni Tyler. Naramdaman ko ang buong atensyon ng lalaki sa harapan ko. "Am I scaring you?" Binaling ko ang tingin sa kaniya. Bahagyang nakaarko ang makapal na kilay nito na tila naghihintay ng sagot. "Nothing to be scared of," matipid na sagot ko. "She made lasagna for you. I'll try it first." Naglagay si Tyler sa pinggan niya bago iabot ang lalagyan sa kapatid niya. "Sasaluhan sana tayo ni Yaya Lorna kaya lang nahilo siya after cooking almost everything here. I let her rest." Kung alam ko lang na ito ang kapatid niya, I wouldn't have made that lasagna. "Saan mo siya nakilala?" tanong nito. Hindi ko nagawang simulan ang pagkain ko. Tyler chewed his food and complimented the lasagna that I made with a kiss on my cheek bago nito sagutin ang tanong ng kapatid. "Sa club." "A prostitute?" Diretso kong tiningnan ang lalaki sa harapan ko. I knew he was trying to get into my nerves. I just kept it calm. "She's different..." Tyler defended. "A different prostitute?" sarkastikong tanong nito at sinalubong ng tingin ang mga mata ko. Naramdaman ko ang paggapang ng kamay ni Tyler sa hita ko. He gently squeezed it. "It's not what you think. She's running a club now." "That you built for her?" Alam kong posibleng may hindi magandang mangyari nang magsimulang humigpit ang hawak ni Tyler sa hita ko. "Do you have a problem with that?" malamig na tanong nito. Dinala ko ang palad ko sa kamay niyang nandoon at hinaplos iyon. He could be so kind, and could be the deadliest in just a snap. Alam ko kapag nagbabago na ang awra niya at ang tono niya. "Do you want sea food?" malumanay na tanong ko pero hindi ito sumagot o lumingon sa akin. He was giving his brother a glare. "Unless you find something wrong with my questions." Nagpatuloy ako sa paghaplos ng kamay niya. Nakita ko sa gilid ng mata ko ang pagsubo nito ng lasagna. "Taste good. I think a decent restaurant suits her better than a nightclub." "I don't decide for my wife. She knows what's best for herself. Wala ka pa bang nobya?" "Women are just distractions." Mukhang nagawa niya ring kontrolin agad ang emosyon niya by the way he changed the topic. "That's why," sarkastikong sambit din nito, "and I beg to disagree." Hindi ako naging komportable. Ilang beses nagkasalubong ang mga mata namin nito, but he never mentioned that we had met. Nagpaalam sa akin si Tyler after the dinner na mag-uusap ulit sila ng kapatid niya sa mini club na nasa labas ng bahay. Ilang metro din ang layo niyon. Pinanuod ko lang sila sa glass door. Alam kong sinadya niyang hindi ako isama. "Ang guwapo rin..." ani Bridget nang tumayo sa tabi ko. "Mas malamig, mukhang mas malupit." "I told you not to talk to me here." "Sorry na po... nadala lang ng damdamin." Hinintay ko na lang si Tyler sa silid naming dalawa. Napansin ko agad ang sugat sa gilid ng labi nito nang makabalik. "What happened?" "Nothing. Hindi ko lang napansin 'yung pader." I knew he was lying. Maybe he wasn't able to control his anger again. "Nakakain ka ba nang maayos?" he asked. "I think... your brother doesn't like me." "Don't mind him. His opinion about us isn't necessary or important. I want to eat more of your lasagna. Should we go down or... just eat that here?" mapanuksong tanong nito. "You choose." He chuckled. "Okay, I will ask our maid to bring it here." He held my cheek with a broad smile and owned my lips. I shopped for jewelry the next day, mostly for him. Hindi niya naman talaga iyon kailangan. Port and I just really needed to go out and talk. "You can all leave now," utos ko sa ilang security na nakasunod sa amin. Tumango ang mga ito at pumasok na sa dalawang magkahiwalay na sasakyan. Naglakad-lakad kami ni Port malapit sa bay. Pinili kong maupo sa dulo. Humila naman ito ng silya sa tapat ko. "Why are we sitting here? Napaka-init." Kinuha nito ang menu. "And we're going to drink coffee?" Pinasadahan ko lang iyon ng tingin at inabot na iyon sa dumaang staff. "Red eye, scones, and veggie toast." "Cortado," anito. "Salamat po." Kinuha niya ang sunglasses sa loob ng coat niya at sinuot iyon. "Gusto mo lang din pala ng tan, sana inaya mo na lang ako mag-beach." Nakakapaso na ng balat ang araw pero mahangin doon. Nililipad ang may kahabaang buhok ko. Maganda rin ang view ng tubig sa baba at ng alon. "I don't like that guy." Umismid ito. "Ang angas, hindi ba? Itsura palang halata ng mayabang." "I want you to know everything about him. Danger only listed limited information." "Sagabal pa siya sa plano natin pero kung babalik din siya agad sa ibang bansa, we wouldn't have any problems." "Mag-utos kang mag-set up ng cameras sa office ni Tyler. I'll do my best to push him to work there." "Ako nang bahala. Nakatanim na lahat ng tao natin. All we need now is the clear plan and exit." "We have to know where the money is." "That's the real challenge... or we can have option B. Kill him and his brother. All his money will be ours." Hindi ako sumagot. Kinuha niya ang cellphone sa loob ng coat niya at tinawagan ang tao namin. He ordered information about Tyxon Deveraux. Sinimulan kong inumin ang iced coffee nang maibaba iyon sa mesa. Port was giving clear instructions. Tinapos niya ang tawag at diretsong tumingin sa mga mata ko. "Option C, slowly take his money. Mahigpit siya sa pera. He was even evading taxes, pero pagdating sa'yo, he wouldn't think twice. Manipulate him while you can." "He can change mood in an instant. It's not as easy as you thought." "Ipapakita ko sa'yo ang unang draft ng plano sa sasakyan. Baka may makakita sa atin dito." We stayed there for a while bago kami bumalik sa sasakyan. Kinuha ko ang pad na binigay niya sa akin. Nabigyan niya ng task ang bawat isa sa mga tauhan. The plan was focused on finding the money. If we fail, the second option was necessary... kill him. Kinuha ko ang stylus and I started making different instructions. We should slowly make sure everything was recorded. Hindi ko namalayan na nakarating na kami sa harap ng bahay. "Give me that." Inabot ko sa kaniya ang pad. Pinagbuksan ako ng pinto ng security, katulad ng lagi nilang ginagawa. Tinanggal ko ang suot kong sunglasses at dinala iyon sa loob ng coat ko. "Ms. Del Valle," tawag sa akin ni Port. Huminto ako at binigay sa kaniya ang atensyon ko. "Let's fix your hair. Baka isipin ng asawa mo pinagsamantalahan kita," mahinang sambit nito. Bago pa ako makagalaw ay hinawi niya na iyon at tinanggal ang mga buhol dahil sa hangin malapit sa bay kanina. Napatigil siya nang marinig namin ang malakas na pagbukas ng main door. Nakita ko ang paglabas ni Tyler doon at ang magkasalubong na nga kilay nito. I didn't even notice na nasa labas na ang sasakyan niya at bumalik pala siya. I thought he was planning to leave but I was quite surprised nang marahas niyang itulak ang dibdib ni Port. Bago pa ito makagawa ng ibang bagay, kinuha ko na ang braso niya at tumayo ako sa harapan niya. "What's wrong?" He looked so upset. Nagawa niya akong tingnan nang matalim. He chose not to say anything at bumalik sa loob ng bahay. Muli akong tumingin kay Port. Hindi na rin ito nagsalita pa at inayos lang ang coat niya. Nagsimula na rin akong humakbang papasok. "What's the problem?" tanong ko sa isa sa nga kasambahay na tauhan namin. "Ewan..." mahinang bulong nito. "Good mood naman siya noong umuwi rito." Nagpatuloy ako sa paghakbang papunta sa hagdan. "Kanina pa siya?" "Mga one hour na. Hinahanap ka nga. Nauna kasing umuwi 'yung mga kasama mong security. Baka akala nakipag-date ka." Pinuntahan ko ito sa paborito niyang silid kung saan siya madalas magpalipas ng oras kasama ang mga tauhan niya, kasosyo sa trabaho, at bisita habang umiinom ng alak. Makapal ang kurtina roon kaya kahit maliwanag pa sa labas ay madilim pa rin ang silid. Nakatayo ito sa harap ng counter habang may hawak na isang baso ng alak. I saw him drink it. Lumapit ako sa kaniya roon at malumanay ang tinig na nagtanong. "What's the problem?" Humugot ito ng malalim na hininga. "Saan ka galing?" I knew he was still upset sa lamig ng tinig niya. "I just... went shopping. I bought jewelry for you." Bumaling ito sa akin na may matalim na tingin. "The securities went back here without you." "I went to a coffee shop." "With that man?" Hindi ako nakasagot agad. Alam ko na kung saan papunta iyon at kung bakit hindi pa rin nawawala ang kulubot sa noo niya. "Well, he's my driver..." "I want to fire him," malamig na sambit nito. "He's my friend. You know that, right?" "I don't want anyone fixing your hair. I don't care if he's a f*****g friend." He could really be so petty at times. "He's like my brother. We've known each other for long–" "I shouldn't have come home," muling malamig na sambit nito. "My day is already ruined." Iniwan niya ang hawak na baso counter at nilagpasan ako. Hindi ko na ito sinundan pa. Mainit pa ang ulo niya so I better give him space and time. Nanatili ako roon sa ilang sandali bago ako lumabas. Papunta na ako sa silid naming dalawa nang makasalubong ko si Yaya Lorna. "Oh, bakit naiwan ka?" Puno ng pagtataka ang mukha nito. "Sabi ni Tyler manunuod daw kayo ng sine kaya umuwi siya ng maaga." I again was not able to say anything for a while. Nabuo rin sa ngiti ang mga labi ni Yaya Lorna. "Ah... tinopak na naman?" Tumatawag hinaplos nito ang braso ko. "Hayaan mo, mamaya lang ay maglalambing na rin iyon." Humugot ako ng malalim na hininga. That's what I was talking about. I still should be careful lalo na kapag hindi maganda ang mood niya. I just took some rest for a while and did not worry about him too much. Bumaba rin ako at hinanap si Yaya Lorna. Pinanuod ko itong magdilig ng halaman sa garden. I could use her to know more about everything in the house. Nilapitan ko ito roon. Sumenyas agad siya na patayin ang gripo. "Oh, bakit nandito ka? Baka mabasa ka, hija." "May gusto lang po akong itanong." "Ano iyon?" "What is Tyler's favorite food?" "Hmm, hindi mapili sa pagkain ang isang iyon pero sa tuwing pakbet o kare-kare ang niluto kong ulam noon, malakas siyang kumain. Mabuti siguro kung tatanungin mo rin siya." "I'm planning to cook dinner." "Gusto mo bang tulungan kita?" nakangiting tanong nito. "Kung hindi po nakakaabala sa inyo." "Ah, siyempre hindi." Naghuhas lang ito ng kamay at nagtungo na kami sa malawak na kusina. We had the chance to talk to each other. "Pagpasensyahan mo na si Tyxon. May pagkasuplado talaga iyon. Hindi basta-basta nagtitiwala sa mga tao lalo sa bago niya pa lang nakilala." "I understand... I'm also like that," sagot ko habang naghuhugas ng mga gulay. "Gaano po siya kadalas umuwi rito?" "Dito sa bahay? Siguro ay tatlong beses sa isang taon. Hindi rin naman siya nagtatagal. Siguro ay marami ring inaasikaso." "Alam n'yo po ba kung anong trabaho niya?" "Ang alam ko ay may negosyo siya. Hindi kasi makuwento iyon, hindi katulad ni Tyler na parating nagkukuwento sa akin. Wala akong masyadong alam tungkol sa ginagawa niya pero magkasundo rin kami kahit halos mommy at daddy niya ang kasama niya hanggang sa nagbinata siya." "What about Tyler?" "Ako naman ang halos nagpalaki sa batang iyon. Naku, huwag mo nang itanong ang kabataan niya. Napaka-tigas ng ulo. Akala ko nga ay siya na ang papatay sa akin." Ngumiti ito. "Pero alam mo ang gusto ko sa kaniya, malambing at mapanuyo. Kapag may kasalanan siya sa akin, alam niya na kung paano ako bobolahin." "Magkasundo ba silang dalawa?" "Oo, kahit magkaiba ang ugali nila." "I wonder... why you were the one who raised Tyler." "Kasi... panganay na anak si Tyxon. Siya ang tagapagmana ng mga negosyo kaya tutok sa kaniya ang mga magulang niya. Mas madali rin kasi siyang turuan. Si Tyler kasi ay madalas pulutin sa kangkungan." Muli itong tumawa. "But... he's the one running their businesses now." "Sa totoo niyan, wala na ang mga negosyong naipaman sa kanila noon... nalugi." "What happe–" "Ay sandali, kumukulo na pala ang tubig." Mabilis itong nagtungo sa harap ng stove. Hindi na ako nakapagtanong pa dahil ito naman ang nagtanong tungkol sa akin. I should spend more time with her. I got ready after cooking. Nagbihis ako at nagpunta sa building ng Devil. Yeah, that was the name of his company. Ibang driver ang nagmaneho sa akin. Ayokong painitin lalo ang ulo nito kung makikita niya si Port. Alam kong matagal niya na itong pinagseselosan. I was already on the third floor nang bumukas ang pinto ng lift. Hindi agad pumasok ang taong nasa labas. Nagkasalubong pa ang mga mata namin nito. Well, I wasn't expecting to see him again, at least not at that moment. Dumiretso rin ito sa loob at tiningnan ang buttons. He didn't press anything. Mukhang parehas lang kami ng floor na pupuntahan. Prente itong tumayo sa tabi ko. I couldn't smell his expensive musk scent. "How much have you gotten from my brother?" Tiningnan ko ito sa salamin ng elevator. "Why don't you ask him?" "My brother is smart, but he's too emotional. You're not good for him. You're distracting him." Tinanggal ko rin ang tingin sa kaniya. "I would only consider that as factual if it came from him. Until not, your opinion doesn't matter." Bumukas na ang lift. Nauna akong lumabas sa kaniya. Sinalubong siya ng mga security like he was a VIP. Yumuko din sa kaniya si Ivan bago ako batiin. "Kumusta po kayo? May magagawa po ba ako para sa inyo?" "I'm here for Tyler." "Nasa conference room po siya. Samahan ko po kayo." May mga couch sila and tables from almost every corner. I decide na hintayin na lang ito roon tutal ay natatanaw ko naman siya sa glass wall. Their building was too techy. Maliwanag ang mga ilaw at moderno ang desenyo. All materials looked expensive. May kausap itong mga tao roon. Mata niya niya lang ang nakikita ko dahil may nakaharang na malaking computer sa harapan. May kausap itong mga tao sa tabi niya. Nakita ko ang pagbulong sa kaniya ni Ivan. Tumingin siya sa direksyon ko. I didn't see anything in those eyes. Binalik niya rin ang atensyon sa paligid and decided to ignore me. Pinuntahan ako ni Ivan. "Busy po, ma'am. Hintayin n'yo na lang po." "It's okay. Thanks." Napansin ko naman ang pagbukas ng ilaw sa katabing conference room. Prenteng nakaupo ang kapatid niya sa isa sa mga swivel chair doon habang may hawak na remote na marahil ginamit niya para buksan ang ilaw, and he was alone there. Bumaling ito sa direksyon ko. Mabilis akong nag-iwas ng tingin. Maya-maya, napansin kong lumabas si Tyler. I was waiting na tumingin siya sa direksyon ko, but he didn't. Pinuntahan niya ang kapatid niya. He stood beside him. Nakatalikod siya sa akin kaya hindi ko mabasa ang bukas ng bibig nila. Ilang sandali pa, lumabas din si Tyler ng silid. Tumayo na ako nang mapansin kong papunta na ito sa direksyon ko. I couldn't still see emotions on his face. "I will call your driver. Go home now. I'm doing a lot of things." "I cooked dinner, and I can't sleep. Maybe I'll just wait for you." "I won't come home tonight," may lamig pa rin sa tinig na sambit nito. "I'm not hungry. Next time don't come here without telling me. You know I don't like distractions when I'm working." "I don't know. You've always been letting me distract you." "Then not tonight." He turned his back. Bago pa siya tuluyang makalayo, muli akong nagsalita. "I love you." Napahinto ito sa ilang sandali pero nagpatuloy din sa paghakbang. "I said I love you." Muli itong huminto at nakita ko ang pagkuyom ng palad niya. It took him a while bago siya tuluyang bumaling sa akin. Nakita ko ang nagtatangis na bagang nito habang pabalik sa direksyon ko. He held my arm tight at halos humampas ang katawan ko sa dibdib niya. I just didn't react because he was able to immediately claim my lips. Hindi na ako nagdalawang isip na sundan ang mga labi nito. Matagal din iyon bago niya ako tuluyang pakawalan. "Fine, I'll just get my stuff," he said softly. Port was right that I could easily manipulate him. I waited for him. Hindi ko alam kung bakit muli akong tumingin sa kabilang conference room. I saw his brother looking at me. Nakita ko rin ang paggalaw ng bagang niya. He could be our problem. Hindi agad sumunod sa akin si Tyler sa loob ng sasakyan. May kausap siyang tao sa kabilang linya at hindi ko naririnig ang pinag-uusapan nila. Umupo rin ito sa tabi ko nang matapos. Kinuha niya ang paper bag na dala ko. "This smells good. Thank you." "Yaya Lorna told me you went home early so we could watch in the cinema together." "I was thinking of surprising you, but you weren't home." "Sorry..." I said softly. "We can still watch." Lumapit ako sa kaniya para halikan ang pisngi niya. "Babawi ako sa'yo." Pinalupot naman nito ang braso sa baywang ko. "Sorry... if I said something bad." Bahagya akong ngumiti sa kaniya at marahang binigyan nang mabilis na halik ang mga labi niya. Madalang siyang sumama sa akin sa mall, but we headed there. I was expecting na maraming tao sa cinema pero pagpasok sa loob kaming dalawa lang ang nandoon. Hindi na ako nagtanong pa. He obviously rented the whole cinema just for us. We quietly watched a romance movie while holding each other's hands. "Do you think they'll end up with each other?" tanong nito nang nasa gitna na kami ng movie. "They shouldn't." He chuckled. Binitiwan niya ang kamay ko at pinagapang ang kamay niya sa hita ko. Tumataas iyon nang tumataas. "The popcorn isn't there." Ngumisi ito sa akin. "I'm not looking for popcorn." "There are security cameras here... someone may be watching." May kinuha itong isang bouquet ng bulaklak sa katabi niyang upuan at dinala sa ibabaw ng mga hita ko. "If we cover?" Muling bahagyang umangat ang mga labi ko habang nararamdaman ang muling paggapang at pagpisil nito sa hita ko. "You really like getting what you want, hmm?" "Hmm-mm," he agreed and kissed the tip of my nose. "Especially if this beautiful." "We should make rules when watching in the cinema next time." "What rules?" tanong nito sa pagitan nang marahang halik sa mga labi ko. "No making out..." He kissed my cheek. "Okay, let's start that next year." I finally felt his fingers inside my underwear. Kusang pumikit ang mga mata ko habang patuloy ito sa marahang paghalik malapit sa tainga ko. I leaned my chin on his shoulder and just gave him all the permissions. "I love you too..." mahinang bulong nito. I felt my heartbeat... changing rhythm again.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD