Chapter 4

2847 Words
RAN ADRIENNE ROSS __ "Magtatagal ka ba?" tanong sa akin ni Port nang bumaba ako ng sasakyan. "Come with me." Dumiretso ako papunta sa entrance ng club. "Magandang gabi po, Ms. Yerra," bati sa akin ng bouncers na nakabantay doon. Narinig ko agad ang malakas na tugtog nang tuluyan kaming makapasok. May kadiliman sa loob at tanging ang party lights lang ang nakasindi. May karamihan din ang tao, as usual. Napatingin ako sa direksyon ni Ezra. He was the club's manager. Nakangiti itong lumapit sa akin. "Ms. Yerra, magandang gabi po. Hi, pogi," bati rin nito kay Port at kinagat ang ibabang labi niya. Humakbang ako papunta sa counter. Sinadya kong pumasok sa loob. Binati naman ako agad ng dalawang bartender na naka-duty. Nagpunta ako sa liquor rack at pumili ng alak. Kumuha rin ako ng baso bago ko dalhin ang mga iyon sa counter. "Pag-mix mo naman ako," Port requested. "Ah, ako na lang! Ano bang gusto mo?" agad offer ni Ezra. "Ayoko... pangit ng lasa nu'ng ginawa mo noong nakaraan." Madalang akong mapunta roon dahil lagi kong inaantabayanan ang pag-uwi ni Tyler. Magulo ang schedule niya, but he was always trying to make time for me. It was important not to lose the connection I built with him. Dinala ko rin ang baso sa bibig ko pagkatapos kong malagyan ng lime juice ang vodka. Ezra was still trying to flirt with Port, and Port just being the usual him, a bully. Tumigil ako sa paglagok ng alak nang mapatingin ako sa isang direksyon. I saw a familiar face. May kalayuan ang puwesto nito pero sigurado akong it was that guy– Tyxon. Prente itong nakaupo sa couch at sumimsim ng alak sa hawak na baso. I was starting to wonder kung sinadya nitong pumunta roon. Bumaling ito sa direksyon ko at nag-iwas ako agad ng tingin. Sinundan ni Port ang tinitingnan ko kanina. "Oh... nandito pala 'yung best friend mo." "Best friend?" tanong ni Ezra at bumaling din sa direksyon nito. "Nakalimutan kong sabihin na nandito si Mr. Tyxon Deveraux." Muling bumaling sa akin si Ezra. "Best friend kayo?" Mahinang tumawa si Port. "Best friends s***h enemies. Nagkita sila sa mall bago pa siya ipakilala ni Tyler. Nag-agawan sa iisang stock ng sapatos." "Talaga?" natatawang sambit nito. "Madalang siyang umuwi dito. Nagulat nga ako nandito siya." Muli akong tumingin sa direksyon nito and he was still looking at me. Alam kong nagmamasid ito. It was too obvious na pinag-iisipan niya ako ng masama. Whatever business he was running, I could sense that it was something illegal. Criminals are always the skeptic ones... always doubting other people's actions and intentions. Binaba nito ang hawak na baso sa mesa at tumayo. "Oh my god!" agad mahinang sambit ni Ezra. "Papunta siya rito! Ang guwapo niya no?" He was just a typical guy to me. The usual guy with an arrogant and cold aura. I already heard him speak at alam ko kung gaano katas ang level ng self-entitlement niya. "And he's so hot..." muling sambit nito. "Ah... sana wala pa siyang girlfriend." Huminto ito mismo sa harapan ko. I saw those brown and cold eyes more clearly. "Nice club," walang emosyong sambit nito. "My brother must be so head over heels with you." He could shift from being emotionless to being bluntly bitter. Ezra cleared his throat. "Hi, Mr. Tyxon, welcome back to the country. Titingnan ko lang ho ang mga tao ko. Just call me if you need anything." Narinig ko rin si Port na nanghingi ng alak sa bartender. Nagpaalam din ito sa akin agad na sa tabi-tabi lang siya. "Do you have a problem with that?" "How did you do that?" "It's not my thing to narrate my love story to someone I just met. If you're interested, you can ask my husband about it." Sandali pa akong nakipagsukatan ng tingin sa kaniya bago ko tuluyang ibinaba ang hawak kong baso ng alak sa counter at lumabas na mula roon. Papunta ako sa opisina ko at nasa hallway pa lang ako nang maramdaman kong hablutin nito ang braso ko. It was so strong that my body hit him. Eveything also happened too fast na nakuha niya ang magkabilang balikat ko at naisandal ako sa pader. He intentionally pinned me on the wall. Ramdam ko pa ang bilis ng paghinga ko at ang kabog sa dibdib ko, but I tried to remain composed. My discomfort was not meant for him to enjoy. "I hate people turning their backs on me." "Why are you so pressed about me being your brother's wife? Is this still about the shoes you were not able to get?" "This is about you, digging your gold." "I don't feel the need to explain to you. Whatever's between me and Tyler, it's out of your business. I won't control what you think of me. You have the freedom to wallow in your own conclusion." Muli kong nakita ang paggalaw ng panga nito habang nakatingin sa mga labi ko. He was watching my lips move while saying it. Muli itong nag-angat ng tingin sa mga mata ko. He no longer said anything, but he also didn't move away. Naamoy ko pa rin ang alak na ininom niya at ang perfume niya. It was too strong that I couldn't certainly distinguish kung ano iyon, but it had a spicy... aromatic scent. He smelled so manly. Rinig ko pa rin ang tugtog sa labas pero mas narinig ko ang sigaw ng lalaki malapit sa amin. Nagkaroon ako ng dahilan para itulak na ito palayo. Sandali pang nagtugon ang mga mata namin nito bago ako humakbang pabalik sa loob. "Sinabi nang sumama ka sa akin!" narinig kong muling sigaw ng lalaki. "Sir... hind nga po puwede..." Nakita ko ang waitress na hawak ng lalaki sa braso. Tila pinipilit niya itong sumama sa kaniya. No one was helping her dahil nasa tagong lugar ang mga ito at may kadiliman pa sa parte nila. "Ayaw mong sumama, huh?" pinagbantaan siya nito at umambang ihahampas sa kaniya ang bote. Bago iyon tumama sa waitress, sinangga ko ang kamao ko sa bote. Nabasag iyon doon. Naramdaman ko ang pagkubli ng waitress sa likuran ko. "Ms. Yerra... p-pinipilit niya akong sumama sa kaniya..." "Go back to work now," utos ko. Nagmamadali itong humakbang palayo. "Ano bang problema mo, miss? Hindi mo ba nakikita? Customer ako!" Binagsak nito sa sahig ang ulo nang nabasag na bote sa kamay niya. "Marami akong pera!" "This is not a brothel nor a strip club. I think you're in the wrong place," malamig na sambit ko. Namumula na ang buong mukha nito sa kalasingan at bagsak na rin ang mga balikat niya. I guess he was already in his 40s. He was also wearing a business suit. Mukhang afford niya ang magbayad ng babae, but he shouldn't be here. Tiningnan ako nito mula ulo hanggang paa. "Gusto mo ikaw na lang, hmm?" Hinigit nito ang braso ko pero hindi niya pa ako nahihila nang may kamaong malakas na lumapat sa pisngi niya. Binalanse nito ang katawan pero tumumba pa rin ito sa sahig. Tyxon again grabbed his collar and punched him until he became unconscious. Tumayo ito at bumaling sa akin. Bahagyang nagusot ang buhok nito na kanina ay ayos na ayos. "Yerra!" narinig kong tawag sa akin ni Port. Nanatili pa ring magkatugon ang mga mata naming dalawa. He was bothering me. There was something in him... something that I needed to know. Naramdaman ko ang pagkuha ni Port sa kamay ko. "May sugat ka..." Noon ko lang din napansin na puno na pala iyon ng dugo. Mabilis niyang kinuha ang panyo niya at binalot iyon doon. Nabitbit na ng mga bouncer ang lalaki. "Ihahatid na kita." Muli akong bumaling rito. He looked so calm na para bang walang ginulpi. "Hihintayin kita sa labas," he added. "Hindi na kailangan. Ako nang maghahatid–" Hindi natapos ni Port ang sasabihin niya nang tumalikod na ito at humakbang palayo. "Angas talaga ng gago. Ayos ka lang? Masakit ba?" nag-aalalang tanong nito. "I can't feel it." "Nag-text si Bridget. Nakauwi na raw si Mr. Deveraux, mukhang nagkasalungat lang kayong dalawa." Lumabas na rin ako ng club kasabay ito. Nakita ko ang pamilyar na kulay itim na sasakyan ng lalaking iyon katabi ng SUV na sinakyan namin ni Port. Prente itong nakatayo sa gilid ng sasakyan niya. Port opened the backseat door for me pero huminto ito nang mapatingin sa gulong. "Fuck... flat." Narinig ko ang pagbukas ng pinto sa kabilang sasakyan. Napatingin kami ni Port sa kaniya. Tila hinihintay ako nitong pumasok sa passenger seat. "Sinadya mo bang butasin 'to?" inis na tanong ni Port. Hindi siya sinagot nito at hindi nag-abalang tingnan siya. Humugot ako ng malalim na hininga. "Just use my card. Ipagawa mo ang sasakyan." "Sasama ka sa kaniya?" I just looked at him. Matagal na naming kilala ang isa't-isa kaya naman nagkaintindihan na rin kami sa tingin. Mas lalo kong naamoy ang pabango nito kanina nang makapasok ako sa loob ng sasakyan. I fastened my seatbelt and just watched him sit in the driver's area. Naging tahimik sa ilang sandali ang biyahe bago ako nagsalita. "Did that boost your ego?" "A simple thank you will do." "You don't demand exchange for the things you voluntarily do. That's manipulation." "Did I hurt your ego by not giving you a chance to show off your ability to defend yourself?" "I was more offended that you're Tyler's brother." We no longer talked after that, but he intentionally sped up. I knew I couldn't avoid him, and the best way to deal with him was to interact with him. I needed to think of ways how I could possibly get him out of the way. I had to know more about him, including the way he thinks. Bumaba rin ako agad ng sasakyan nito at hindi ko na hinintay na pagbuksan niya ng pinto nang makarating kami sa harap ng bahay. Hindi ko pa naigagalaw ang mga paa ko nang mapansin ko ang taong nakatayo sa balcony, nakatingin sa direksyon ko habang umiinom ng alak. Pumasok ako agad sa loob at pinuntahan ko ito sa direksyon niya. Alam kong narinig niya na ang tunog ng takong ng sapatos ko pero hindi pa rin ito lumingon sa akin. Narinig ko lang ang malamig na tinig niya. "Saan ka galing?" Tiningnan ko sandali ang likuran niya bago ako tuluyang lumapit. I looked at his face, and I wasn't pleased. Hindi na naman maganda ang mood niya. "Sa club." "You didn't tell me," muling malamig na sambit nito na hindi pa rin ako tinitingnan pagkatapos ay sumimsim ng alak. "I thought you knew already. You always have people telling you where I am." Bumaling ito sa akin nang may matalim na tingin. "You didn't tell me," ulit nito. I understood that I had to apologize because he wanted me to directly do that. Hindi naman talaga siya ganoon. There were just really times that he was trying to find faults when he was upset. "I'm sorry... I'll tell you next time." "Anong ginagawa mo sa loob ng sasakyan niya?" nagtatangis ang bagang na tanong nito at alam kong isang maling sagot ko ay makikita ko kung anong kaya niyang gawin. "Nasira 'yung gulong ng sasakyan. He was there–" "I thought of staying here tonight so I gave her a ride." Bumaling kami ni Tyler sa direksyon nito. Nakalagay ang isang palad nito sa isang bulsa. He acted innocent as if he didn't intentionally damage the car's tire. "I looked at the club she's managing. It looks decent." Hindi na ito pinansin pa ni Tyler. Humakbang ito palayo. I just looked at him. He also intentionally did that, butt in. I guess he was good at making everything worse. Nilagpasan ko rin siya at sinundan si Tyler sa kusina. Nandoon si Yaya Lorna na naghahalo ng kape. "Oh, Tyler, ito ng kape mo." Binaba niya iyon sa mesa at tumingin sa akin. "Yerra, nandiyan ka na pala. Gusto mo rin ng kape?" "Salamat po." "Siya, sandali lang." Kinuha ni Tyler ang kutsara sa tasa at pabasak iyong binaba sa mesa na pati si Yaya Lorna ay napatigil. "May... problema ba kayong dalawa?" I didn't answer. I just looked at him sipping his coffee. I knew I didn't have to say anything. Nasabi ko na ang dapat kong sabihin, and even I add anything to it, it would not suffice to cease his annoyance. Inabot sa akin ni Yaya Lorna ang kape nang matapos niya iyon. "Dahan-dahan, mainit. Teka... anong nangyari riyan sa kamay mo? Sugat ba 'yan? Mukhang dumudugo." Maingat ko pa ring kinuha sa kaniya ang tasa. Hindi ko na sinagot ang taong nito at hindi ko pa naiinom ang kape nang marinig ko ang tinig ni Tyler. "Come here. Let me see that." Nababakas ko pa rin ang lamig sa tinig nito pero mukhang mas kalmado na siya. Binaba ko ang tasa at lumapit ako sa kaniya. Hinigit niya agad ang kamay ko at tinanggal ang nakabalot na panyo. "What the f**k happened?" "There was a drunk guy who tried to harass my waitress... I just protected her." "Naku, mukhang malalim ang sugat. Sandali at kukuhanin ko ang gamot," ani Yaya Lorna at lumabas agad ng kusina. Tumingin ito sa akin na nagbabaga ang mga mata. "Do you know him?" I shook my head. "No... it has been settled. Things like that are normal in clubs." "What else did he do? Do you have any other wounds?" I felt my heart jolted the way his tone totally shifted to calm and gentle. Hindi na ako sumagot, sa halip ay bahagya akong tumingkayad para abutin ang mga labi niya. "I'm sorry..." I whispered. "Should have told you." Hinapit nito ang baywang ko at hinawi ng ilang hibla ng buhok ko. "I'm sorry... for being upset." I liked that he could easily apologize to me without thinking of his ego. "How was your day?" malumanay na tanong ko. He answered me with a sigh. I knew then that it was bad. Made sense kung bakit uminit lalo ang ulo niya. We were kissing each other nang pumasok si Yaya sa kusina. Tumigil din kami agad. Hawak ni Tyler ang kamay ko at parehas nilang dinadampian ng gamot ang sugat ko roon. "I don't want to see you getting off his car again," muling malamig na sambit nito. "Hmm, ikaw talaga, kapatid mo naman si Tyxon," suway ni Yaya sa kaniya. "Kailan lang si Port ang pinagseselosan mo ngayon naman ay kapatid mo. Ilang bodyguard na ba ang tinanggal mo sa selos na iyan?" Bahagyang umangat ang mga labi ko. He always looked so strict when he was jealous. Namumula ang mga mata niya. "Hindi ako nagseselos," he defended. "Sus!" natatawang sambit ni Yaya. Bahagya rin akong napangiti. "If that so... bawasan mo na 'yang kunot sa noo mo." "Walang nakakunot," masungit pa ring sambit nito. Tinapos ko lang ang kape ko sa kusina nang matapos sila sa sugat ko. He was talking to someone on the phone nang yumakap ako sa likuran niya. Pinagsalop agad nito ang mga daliri naming dalawa. "Are you going to stay here tonight?" I asked when he was done. "With you." Nanatli akong nakayakap sa kaniya. He slowly walked toward the stairs without letting go of me. I never imagined I could act that well, and somehow enjoying my role as a clingy wife. Nakasalubong namin ang kapatid niya. Tumingin ito sa amin pababa ng hagdan at nagtapo pa ang mga mata namin. Tyler and I didn't say anything. Nagpatuloy lang kami sa pag-akyat ng hagdan. Nakasalubong rin namin si Bridget na may hawak na mga tinuping bed sheet. "Sweet n'yo po. Para kayong bibe na magkayakap papunta sa tubig para magtampisaw," nakangiting anito. Hinigit niya lang ang braso ko paharap sa kaniya nang makapasok kami sa silid naming dalawa. Nilagay niya ang mga iyon sa batok niya at muling hinapit ang baywang ko para idikit ang katawan ko sa kaniya. "Just tell me kung kailangan mo ng sasakyan. Ako ang susundo sa'yo at maghahatid sa bahay na 'to, not any other man." "I got it..." nakangiting sambit ko. "I missed you. I always wanna see you here when I'm coming home. It always upsets me whenever there is no shadow of you." "I don't know if you really want me to work." "I want you to do what you love. Ayokong masakal ka sa bahay na 'to. But yeah... it's stupid to want you to be always here. You can always do what you want. I can't stand not talking to you anyway. It's devastating... I'm like a plant slowly withering." He slowly swayed me to dance. Hindi ko alam kung dibdib ko ba ang kumakabog nang malakas o sa kaniya iyon. "People always try to take something from me and they always win... you're the best that ever happened to me, and this time I won't let anyone win against me." Narinig kong bumulong ito sa tainga ko. "I love you, Yerra..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD