Chapter 5

2837 Words
RAN ADRIENNE ROSS __ Inaantok pa akong nagmulat ng mga mata. Hindi ko na naramdaman at nakita si Tyler sa tabi ko. Bumangon ako para magsipilyo at maghilamos ng mukha. I just gently dried my face with a towel at lumabas na rin ako ng silid. Binati ako ng mga kasambahay na nakasalubong ko. "Umalis na si Tyler?" tanong ko kay Bridget nang makasalubong ko ito. "Clingy mo naman." Tinaas ko siya ng isang kilay. Makahulugan itong ngumiti. "Nakita kong lumabas ng kuwarto n'yo kanina. Hindi naman nakabihis. Baka nandiyan lang." Bumaba ako ng hagdan. Abala pa sa paglilinis ng bahay ang ilang kasambahay. Iniwasan kong daanan ang basang sahig. Nakarinig ako ng tunog ng kasangkapan sa kusina. Nang makapasok ako, nakita ko ito sa harap ng stove na abala sa pagluluto. He was always busy so I rarely see him do that. Lumapit ako sa kaniya at marahang yumakap mula sa likuran niya. "Good morning..." I whispered. Hindi ito kumilos sa ilang sandali. Naramdaman kong nagbaba siya ng tingin sa akin at nag-angat naman ako ng tingin para salubungin ang mga mata niya pero bahagyang namilog ang mga mata ko nang hindi ito ang nakita ko. Mabilis akong humiwalay sa pagkakayakap rito. Naramdaman ko at naririnig ko ang malakas na kalabog sa dibdib ko. I was... surprised. Wala pa rin akong nakitang emosyon sa mga mata nito pero nanatili itong nakatingin sa akin. "Good morning," he greeted back. I didn't know how to react for a while. Nakarinig ako ng yabag papasok sa kusina. I immediately looked away. Nakita ko ang maaliwalas na mukha ni Tyler na kapapasok lang sa loob. Wala itong saplot pang-itaas. Nakasukbit ang maliit na tuwalya sa balikat at basa ng pawis ang buhok, mukha, at katawan niya. Lumapit ito sa akin nang may ngiti sa mga labi. "Good morning, babe." Dumukwang din ito para abutin ang mga labi ko. "Okay ka lang?" I gulped. "I was looking for you..." "I just did my exercise routine." Nakita kong binaba nito ang tingin sa suot kong night dress. Sandali siyang tumingin sa kapatid niya bago higitin ang balikat ko. "Come with me. Change your clothes." Sumandig ako sa kaniya kahit pa basa pa siya ng pawis. I just tried to forget the stupid thing that I did. Sumama ako sa kaniya sa loob ng bathroom and it was him who took off my clothes while kissing me and pulling me under the shower. I could always feel his thirst... his hunger to feel me and make me acknowledge his presence. I could feel his lust every time, but the emotions he was trying to show me were more than that. I never felt uncomfortable with him. I never felt the urge to hide any parts of me. Kinuha ko ang sabon at marahang pinahid sa dibdib niya. He was just looking at me while holding my waist. "This is one of my favorites..." he said. "Showering with me?" "Having quality time with you. I can just relax and... be so in love." "Aalis ka ba ulit?" "I have to. I promise babawi ako sa'yo kapag maluwag na ang trabaho." I just nodded. Nagtagal kami sa shower bago kami natapos. Sabay na rin kaming bumaba nang makapagbihis kaming dalawa. Nasa kusina si Yaya Lorna na nag-aayos na ng pagkain sa mesa. Malapad itong ngumiti. "Mukhang maganda ang gising ninyong dalawa. Parehas maaliwalas ang mukha ninyo." "Laging maganda ang gising ko," Tyler said and pulled a chair for me. "Siyempre, kung ganiyan kaganda ang asawa mo siguradong maganda ang gising mo. Pinagluto ko na kayo ng almusal." "Si Tyxon?" "Umalis na. Kumain lang ng almusal na niluto niya para sa sarili niya." Nakaramdam na naman ako ng bara sa lalamunan ko, thinking of what I did. I should be thankful enough na walang nakakita sa aming dalawa.It was an honest mistake. Magkasingtakad sila ni Tyler at halos parehas lang sila ng katawan, so I thought it was him. Isa pa, nakalimutan kong doon ito natulog. Hindi naman ako sana na may ibang tao sa bahay sa ganoong oras. "Sumabay ka na po sa amin, Yaya Lorna," I said. "Hindi na. Ipagtitimpla ko lang kayo ng kape at kumain lang kayong dalawa riyan. Hindi kayo laging nagkikita. Sulitin n'yo lang iyang oras na magkasama kayo kahit sa almusal." "No, let me do it," anito nang akmang lalagyan ko ng pagkain ang pinggan niya. Inuna niyang lagyan ang pinggan ko bago ang sa kaniya. I asked about his work while we were having breakfast. Sinabi niya lang ang ilang detalye sa ginagawa nila, but as usual, hindi lahat. Nilagyan niya ng gamot at ng benda ang sugat ko sa kamay pagkatapos naming mag-almusal at bago siya magpaalam na papasok na sa opisna. Sumama ako sa kaniya hanggang sa labas kung saan naghihintay ang sasakyan. "I'll see you tonight. May pupuntahan tayo." Hindi ko na tinanong pa kung saan, tumango na lang ako. "Want me to cook lunch for you?" Ngumiti ito at marahang hinawi ang ilang hibla ng buhok ko. "Hindi na, just rest. Maybe you get tired earlier. Kapag gusto mong mag-shopping just make sure na may kasama ka kahit isang bodyguard, so someone can at least help you with the shopping bags." Muli nitong inabot ang mga labi ko. Kumaway ako sa kaniya nang tuluyang umalis ang sasakyan. "Lambing naman..." Bumaling ako sa direksyon ni Port. Mapanukso itong nakangisi sa akin. "Hindi ba tayo aalis?" Tumalikod na rin ako sa kaniya. "I'm tired." "Napalaban ba?" Hindi ko na ito sinagot pa at dumiretso ako pabalik sa bahay. Bumalik ako sa kusina para hugasan ang mga pinagkainan naming dalawa pero nandoon na ang mga kasambahay at hindi na nila ako hinayaang makialam pa. Sinadya kong puntahan si Yaya Lorna sa garden. Nag-angat agad ito ng tingin sa akin nang makita ako. "Oh, Yerra, may kailangan ka ba?" Umiling ako. "Gusto ko lang po kayong tulungan." "Sigurado ka ba? Marunong ka bang magtanim ng halaman?" Umiling ako. Mahina naman itong tumawa and offered to teach me. Naupo ako sa tabi niya at nagsuot din ng gloves. Sinundan ko lang ang tinuturo niya sa akin kung paano ang tamang pagputol ng maliliit na sanga. "Alam mo, akala ko noon suplada ka. Wala ka kasing pinapansin sa buong bahay bukod sa driver mo at kay Tyler." "Pasensya na po... nangangapa pa ho kasi ako. Kailan ko lang din ho nalaman kay Tyler na kayo ang nagpalaki sa kaniya. I think... he considers you more as his mother." Muli itong mahinang tumawa. "Mukha namang nangangapa pa rin siya sa iyo at hindi pa pala gaanong nagkukuwento." "I'm not rushing him... I understand na kakasal lang ho naming dalawa and there are some things he's not comfortable telling me." "Hindi niya gustong binabalikan ang nakaraan kaya siguradong wala rin siyang gaanong maikukwento sa iyo ngunit pagdating sa trabaho ay baka sakaling magkuwento pa." I didn't ask too much because I didn't want to be too obvious na sinadya kong lumapit para lang umalam ng ibang bagay tungkol sa mga ito. I wanted to take it slow hanggang sa makuha ko rin ang tiwala nito. "Nga pala, death anniversary ni Mildred ngayon. Mommy nila ni Tyxon." Naisip ko agad na baka ito ang pupuntahan namin mamayang gabi. "Wala ho ba kayong pamilya?" "May anak ako pero nasa ibang bansa. Chemist siya roon." "I think she's earning enough... bakit ho nandito pa rin kayo at nagtatrabaho?" Sinimulan ko nang ilagay ang halaman sa lupa. "Sino bang nagsabi sa iyong nagtatrabaho ako?" She again chuckled. "Inaalalagaan ko lang ang anak ko, si Tyler. Itong mga ginagawa ko ay libangan ko na lang at hindi ako sanay nang walang ginagawa." Tumigil ako sandali sa ginagawa ko at tumingin sa kaniya. She looked happy with what she was doing and she looked so willing na alagaan lang si Tyler. "Alam mo ba... napaka-ganda rin ng anak ko." Bumaling ito sa akin nang may ngiti sa mga labi. "Sa totoo nga niyan, niligawan siya ni Tyler pero... si Tyxon ang pinili." Natatawang bumaling rin ito sa ginagawa. Hindi naman ako nakapagsalita agad. I just remained looking at her because that was not what I expected. "Pero bata pa naman sila noon. Halos kaga-graduate lang sa kolehiyo. Magkasundo pa rin naman silang tatlo kahit noong maghiwalay na sila ni Tyxon. Hindi rin naman kasi siya matiis ni Tyler. Matalik silang magkaibigan simula pa noon." I was caught off guard nang muli itong bumaling sa akin. "Huwag mo sanang masamain. Sigurado ako wala na iyon sa kanila ngayon. Huwag kang mag-alala at alam kong sa iyo na lang umiikot ang mundo ni Tyler ngayon." I absorbed everything that she said. Hindi ko na tinanong pa ang pangalan ng anak niya o ng ibang detalye tungkol rito. I also helped her think and prepare the things she needed for dinner. Nakasanayan na raw kasi nilang maghanda ng pagkain sa tuwing death anniversary ng mommy nila. Hinintay kong makauwi si Tyler. I could feel the electricity rushing all over me when I saw him. He was poker-faced, but he looked so handsome. Lumapit ako sa kaniya, and he held my shoulders. "Are you ready?" I nodded. "I've been waiting." Si Port ang nag-drive ng sasakyan. Simpleng trousers at itim na blouse lang ang sinuot ko dahil alam kong hindi naman iyon date. Yaya Lorna was right, nagpunta kami sa simenteryo kung saan nakalibing ang mga magulang niya. Papalapit pa lang kami, napansin ko na ang pamilyar na pigura ng kapatid niya sa harap ng nitso. It was my first time there. Binitiwan niya ang kamay ko para lumapit sa lapida ng mommy niya at nagtulos ng kandila. He was just silently looking at her mother's name. Nanatili namang nakatayo ang kapatid niya sa gilid niya habang nakapamulsa. "Kailan ka huling bumisita?" narinig kong tanong nito. "Bago ako ikasal." "Did you introduce her?" "Hindi. Alam kong hindi sila interesado." "Then why is she here?" "Because it's her death anniversary." Malinaw ang usapan nila pero hindi ko alam kung anong nasa likod ng mga tanong at sagot nila sa isa't-isa. I felt like Tyler answered him with sarcasm. Binigyan ko sila ng oras bago ako tumabi kay Tyler. Binaba ko ang inayos kong bulaklak kanina sa harap ng nitso nito. He became so quiet after hours of staying there. Nakatingin lang siya sa labas ng bintana habang tila malalim ang iniisip. Nagpatuloy ako sa paghaplos sa kamay niya na tila hindi niya na rin nararamdaman. "Are you okay?" hindi ko napigilang itanong. Nakuha ko rin ang atensyon nito. Inangat niya ang kamay kong nakahawak sa kamay niya at dinala iyon sa mga labi niya. "Were you saying something?" I shook my head. "I was just watching you. You were occupied." "Did you go shopping earlier?" pag-iiba nito sa usapan. Muli akong umiling. "Tinulugnan ko si Yaya Lorna na magtanim ng halaman. I also helped her prepare all she needed for dinner." Ngumiti ito nang bahagya. "You must check your plants every day and water them." "Nagdala ako ng isa sa kuwarto nating dalawa." Inangat nito ang braso para higitin ang mga balikat ko palapit sa kaniya. Siniksik ko naman agad ang ulo ko sa mabangong dibdib niya. He repeatedly kissed the top of my head. I could sense that something was off. Something was bothering him. Nakasunod lang ang sasakyan ng kapatid niya sa likod at bumaba ito nang makarating kami sa bahay. Nakahanda na ang mga pagkain sa mesa. "Nagdasal na ako," ani Yaya Lorna. Tahimik ang buong hapag at wala akong naririnig kung hindi ang tunog ng mga kubyertos. I just thought na baka nalulungkot silang dalawa. Wala sa loob na tiningnan ko ang lalaki sa tapat. Tahimik nitong ginagalaw ang mga kubyertos sa pinggan niya. He looked so proper and calculative...unlike Tyler who could be so vulnerable lalo na kapag may mga bagay na nagti-trigger ng galit niya. People like him– or should I say like us... definitely cannot be trusted. I never trusted silence. Bumaling din ako kay Tyler na tila pinaglalaruan na lang ang pagkain sa pinggan niya. "Hindi mo gusto ang pagkain? Do you want me to cook for you?" "Don't mind me. I'm just a little bit full." "Try this chocolate marquise that Yaya and I prepared earlier." Kumuha ako ng malaking slice sa tinidor at dinala malapit sa bibig niya. He didn't hesitate to open his mouth. "Taste good..." "You want more?" Kumuha pa ako sa tinidor at muling dinala sa bibig niya. I also offered him some food na ginawa ni Yaya Lorna. Ako na ang nagdala sa bibig niya dahil alam kong hindi niya tatanggihan. After our dinner, nag-usap silang magkapatid. Tinulungan ko naman ang mga kasambahay sa pagliligpit ng mga pinagkainan. "Ms. Yerra, ang suwerte ho talaga ni Mr. Deveraux sa inyo. Maganda na, masipag pa." "I don't think so. I'm the lucky one." Nilapag ko ang ilang pinggan sa sink. "Ah, siyempre naman po. Mayaman, matangkad, masarap." "Lolita, ikaw talaga. Maghugas ka na lang ng pinggan," suway ni Yaya Lorna rito. "Guwapo rin at mabait kahit may kaunting topak. Suwerte nga ho kayo. Sana lahat maganda." "Kay sir Tyxon ka na lang," one of them butted in. "Hmm, ayoko ro'n," agad itong sumimangot. "Nasobrahan sa pagiging suplado. Buti na lang hindi siya ang amo ko at buti na lang pogi rin siya." Iniwan ko na ang mga ito roon. Nakita ko si Yaya Lorna na may dalang mga bulaklak. I helped her carry some of it. "Ilalagay ko sa buong bahay itong mga bulaklak. Paborito ni Mildred." "Tutulungan ko na ho kayo." "Hindi ka pa ba magpapahinga?" "Hihintayin ko pa ho si Tyler." "Siya, marami pa akong kailangang kuhanin doon sa labas." Maluwag ang bahay at maraming iba't-ibang sulok kaya naman nagtagal kami ni Yaya Lorna na ilagay ang mga bulaklak. Those were orchids. Kabababa ko lang ng isang maliit na paso sa ibabaw ng center table sa den nang makarinig ako nang malakas na pagbagsak ng kung anong bagay. "Ang yabang mo masyado!" narinig kong tinig ni Tyler. Lumabas ako agad ng den. Naksalubong ko rin agad si Yaya Lorna na tila nag-aalala ring pinuntahan ang mga ito. Sumunod lang ako. I saw Tyler near the billiard table. Mukhang ang cue stick ang narinig kong kumalabog kanina. Magkasalubong na naman ang mga kilay nito habang nakatingin sa kapatid niya at tila wala naman itong pakialam. "Oh, ano na naman bang pinag-aawayan n'yong dalawa?" "He just got offended that I won." "Tyler, anak..." malumanay na sambit ni Yaya Lorna. "You know that is not just the reason." "You always feel attacked whenever you're losing. Gusto mo sa susunod pagbigyan kita?" "There, did you hear him, Yaya?" "Tyler, anak... kumalma ka na. Laro lang iyan. Huwag mo nang masyadong seryosohin–" "f**k," mura nito at marahas na binawi ang braso niya mula kay Yaya Lorna. "Kampihan mo rin siya." Humakbang ito palabas ng play room. Napahugot na lang ng malalim na hininga si Yaya Lorna bago bumaling kay Tyxon. "Anak... huwag mo nang masyadong asarin ang kapatid mo." "Stop spoiling him. Instead of telling me to stop, why don't you tell him to manage his emotions? He's too petty." "I don't see anything wrong with the way he shows his emotions," I butted in. Napatingin sila sa aking dalawa. "Don't teach the person who taught him to freely express his feelings if you were raised by someone who taught you to suppress yours. Yaya Lorna just did the right thing. Also, I don't think he's petty, you're just insensitive." Lumabas na rin ako ng silid na iyon at sinundan ko si Tyler. Mainit pa rin ang ulo nito nang makapasok ako sa loob. Tumayo ako sa harapan niya. "Sometimes you have to accept that you lose." Nagtangis ang bagang nito. "Fine, take his side. Mali na naman ako. f**k, just leave me alone." Humugot ako ng malalim na hininga at hinaplos ang braso niya. "I didn't say that." "I can accept it but he doesn't need to shove it in my face. Pinamukha niya sa aking mahina ako. You didn't hear him." "You know it wasn't true, right? Maybe... just avoid playing with him next time?" "Hindi," malamig na sagot nito. "Tatalunin ko siya sa susunod." Bahagya akong ngumiti at dinala ang palad ko sa pisngi niya para haplusin iyon. "Why are you smiling?" inis na tanong nito. "Because you look adorable. I'm proud of you because you can express yourself. Not everyone can do that. I want you to continuously be like that because I know you feel better whenever you can release your anger but... remember that not all situations deserve your energy." Humugot ito ng malalim na hininga. "You are the only one who can calm me down... instantly." "You have to teach yourself. Paano kung wala ako?" Muling nagtangis ang bagang nito at kinuha ang braso ko para higitin ako sa mga bisig niya. "Hindi puwedeng wala ka sa akin. Magiging magulo ang buong buhay ko."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD