bc

Way To Your Heart

book_age16+
1.2K
FOLLOW
6.9K
READ
billionaire
possessive
second chance
pregnant
submissive
drama
twisted
bxg
office/work place
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

Nakilala ni Lucas si Janel sa panahong dumaraan sa malaking pagsubok ang kanyang pamilya. Naaksidente ang kanyang amang si Jake at hindi nila matagpuan ang katawan nito.

He fell in love with Janel and offered her marriage. Sa lahat ng problemang kinakaharap ay sa dalaga siya humuhugot ng lakas ng loob.

Hanggang sa matuklasan ni Lucas na ang babaeng kanyang tinatangi ay isa sa mga rason sa lahat ng problemang dumating sa kanila. Sa panahong kasama niya ito ay alam ng dalaga kung nasaan ang kanyang ama. Planado maging ang pagdating nito sa kanyang buhay.

Gusto niyang kamuhian ang dalaga dahil sa lahat ng ginawa nito. But instead, Lucas found himself still marrying her.

He's an Olvidares and he could never accept that someone made a fool out of him. He married her to have... his own revenge!

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
Masiglang lumabas si Lucas mula sa kanyang silid. He was wearing a green cotton shirt paired with a blue denim. Sa mga paa ay rubber shoes ang kanyang suot. Wala siyang ibang alahas sa kanyang katawan maliban sa relong nasa kaliwang bisig niya. Tuloy-tuloy siyang pumasok sa kanilang komedor at doon ay naabutan niyang nakaupo na sa may kabisera ng mahabang mesa ang kanyang ama na si Jake Olvidares. Sa kanang bahagi nito ay nakaupo naman ang kanyang ina na si Francheska. Kasalukuyan nitong sinasalinan ng kape mula sa percolator ang tasa sa harap ng kanyang ama. Sabay pang napalingon ang kanyang mga magulang nang lumapit na siya sa mesa. Naupo si Lucas sa upuang nasa harap ni Francheska. "Good morning, ma... pa," bati niya sa mga ito habang sa pagkaing nakahain sa mesa nakatutok ang kanyang mga mata. Kunot ang noong hinarap siya ng kanyang ama. "Bakit hindi ka pa nakabihis, Lucas?" puna nito. "Nakabihis na ako, pa," patay-malisya niyang tugon dito. Nagkunwari pa siyang hindi naintindihan ang mga sinabi ng kanyang ama. "I was referring to a business suit, Lucas," Jake said to him firmly. Lucas groaned silently. Alam niya na igigiit iyon ng ama sa kanya ngayon. "Pa, we talked about this last night, didn't we?" saad niya dito. Nakita niya nang ibaba ni Jake ang mga kubyertos na hawak nito bago siya tuluyang hinarap. "Lucas, nasa tamang edad ka na para pumasok sa OMC," tukoy nito sa kompanyang pag-aari ng kanilang pamilya. "Pa, I am only twenty-six and---" "Gael is two years younger than you pero hawak na niya ngayon ang kompanya ng kanyang ama," putol nito sa mga sinasabi niya. Jake was referring to his cousin, Gael Velasquez. Anak ito ng kanyang Auntie Beatrice, ang bunsong kapatid ng kanyang ama. His Autie Beatrice's husband, Paul Velasquez, owns Health Well Company, a pharmaceutical company just like Olvidares Manufacturing Company. Though, OMC is a much bigger company than the Health Well. Tulad ng sinabi ng kanyang ama, Gael is now managing his father's company. At iyon ang lagi na ay sinasabi sa kanya ng kanyang ama, na si Gael daw ay mas bata sa kanya ngunit hinarap na agad ang responsibilidad ng kanilang pamilya. Samantalang siya ay umiiwas pa rin sa pamamahala ng kanilang kompanya hanggang sa ngayon. Pasimpleng sinulyapan ni Lucas ang kanyang ina. Wari pa ay naghahanap siya ng kakampi dito. Francheska just smiled to him lovingly. Tasa naman niya ang sinalinan nito ng kape bago binalingan ang kanyang ama. "Jake, sweetheart," masuyo nitong wika sa asawa. "Why don't you give your son at least a month. Let him adjust first. Malaking responsibilidad ang ipapasa mo sa kanya." Pagkawika niyon ni Francheska ay lumingon ito sa kanya sabay kindat, which Lucas returned with a charismatic smile. "One month?" protesta ng kanyang ama. "I was even younger than him when I started managing OMC. Alam mong walang ibang susunod sa akin kundi ikaw, Lucas." "Come on, Pa. Why are you so in a hurry na ibigay sa akin ang posisyon mo? You are still young and as strong as a bull to retire." Sa kanilang magpipinsan ay sa kanya mapupunta ang posisyon bilang presidente ng Olvidares Manufacturing Corporation. Bilang panganay na lalaki ay siya ang hahawak ng kompanyang iyon. Gael will never have an interest on it. Lalo pa at responsibilidad na nito ngayon ang kompanya ng ama nito. Samantalang ang pinsan niyang si Aleya ay una nang nagpahayag ng hindi kagustuhang hawakan ang pag-aari nilang kompanya. Si Aleya ay mas nahihilig sa musika kaysa ang magtrabaho sa loob ng isang opisina. While his younger sister, Fiona, is always busy with her modelling career. Isa rin iyong walang pasensiya sa maraming gawain sa opisina. Katulad na lamang ngayon, wala ito sa kanilang bahay sapagkat nasa ibang bansa ito upang dumalo sa isang fashion show roon. Mayamaya ay muli siyang napalingon sa kanyang ama nang muli itong magsalita. "I am planning to retire after our twenty-fifth wedding anniversary of your mom. Ayokong magretiro kung kailan matanda na ako at hindi na namin magagawang magbiyahe man lang ng iyong ina." Pagkasabi niyon ay masuyo nitong tinitigan ang kanyang ina. Biglang lumambot ang ekspresyon ng mukha ni Lucas. He adores his parents so much. Saksi siya, maging ang kapatid niyang si Fiona, sa pagmamahalan ng mga ito. Their love is pure. At alam niya na walang sino man ang makasisira niyon. "And that is two months from now, Lucas," patuloy pa ni Jake sa mga sinasabi nito. Sa kanya na ito muling nakatitig. "At tamang-tama lamang iyon para ituro ko na sa iyo ang mga dapat mong matutunan bago ko ilipat sa iyo ang kompanya." He wanted to protest. Pero sa nakikita niya ay hindi papaawat ang kanyang ama. Besides, kung para mas makasama nito ang kanyang mama ang dahilan ng maaga nitong pagreretiro, sino siya para pigilan iyon? His father spent almost half of his life managing their company. Lumaki siyang lagi na ay abala ito para sa kanilang kompanya. At kung magreretiro ito nang maaga at manatili na lamang sa kanilang bahay ay madalas na itong magkakasama ng kanyang ina. They could spend more time for each other. At bilang anak ay masaya siyang malaman na ganoon nga ang mangyayari sa oras na magretiro na ito. "Okay... Okay. Fine," wika niya dito sa sumusukong tinig. "Just not now, pa. May kailangan akong puntahan." "And where are you going? Lucas---" "Come on, Jake," putol dito ng kanyang ina. Hinawakan pa ni Francheska ang kamay ni Jake na nakapatong sa ibabaw ng mesa. "Pagbigyan mo na ang anak mo. Just now." Napapabuntong-hiningang napatitig na lamang si Jake sa kanya. "So, you win. May magagawa pa ba ako? Just promise that after this ay seseryosohin mo na ang pagpasok sa OMC, Lucas." "Yes, pa." Lucas smiled triumphantly. Isang nagpapasalamat na tingin ang iginawad niya para sa kanyang ina na sinuklian naman nito ng isang matamis na ngiti. ***** "Finally, you came," wika ni Ariella nang makita si Lucas na bumababa mula sa kanyang sasakyan. "Akala ko ay hindi ka na darating." "Pwede ba namang hindi?" aniya sa dalaga na may ngiti sa kanyang mga labi. Lumapit siya sa may backseat ng kanyang kotse at binuksan iyon. Mula roon ay kinuha niya ang ilang canvass at inilabas. Ariella smiled at him. Masusing tiningnan nito ang mga dala niya. "Iyan na ba lahat?" tanong nito sa kanya. Nang tumango siya dito bilang tugon ay nag-aya na si Ariella na pumasok na sila sa loob ng gusali. Ito ang dahilan kung bakit hindi muna siya pumayag sa kagustuhan ng kanyang ama na pumasok na siya sa OMC ngayon. He has been waiting for this day to come. Kasalukuyan silang nasa isang hotel sa may Makati City ni Ariella. Ngayon gaganapin ang isang art exhibit na sinalihan nilang dalawa ng dalaga. Ariella is the youngest daughter of his Ninong Ronniel. Matalik na kaibigan ito ng kanyang ama at dahil sa malapit ang kanilang mga pamilya ay malapit din siya sa mga ito. Ariella is like a younger sister to him. Halos katulad lamang din ito ng kanyang kapatid na si Fiona. Naging mas malapit silang dalawa dahil sa pareho ang kanilang hilig--- ang pagpipinta. Sa katunayan ang kanyang Ninong Ronniel ay magaling din gumuhit. Alam niya na sa ama nito nagmana si Ariella. Samantalang siya naman ay nag-umpisang mahilig sa pagguguhit noong nasa sekondarya siya. Madalas ay naging pampalipas oras niya ito hanggang sa mas nahasa siya pagdating sa bagay na iyon. At ngayon ay napagpasyahan nga nila na sumali sa isang art exhibit kung saan iba't ibang artist ang maaaring maglagay ng mga gawa nila upang ibenta. Kung iisipin ay suntok sa buwan lamang ang pagsubok nilang ito sa isang art exhibit. Ni hindi nila alam kung may bibili ba ng kanilang mga gawa. The day went by. Unti-unti ay napuno ng mga tao ang fuction hall ng hotel kung saan ginanap ang naturang exhibit. And Lucas was surprised when a lot of people went to buy his paintings. Maging ang mga gawa ni Ariella ay halos paubos na rin. "My God, Lucas!" Ariella exclaimed. "I never expect that they would love our works." Isang ngiti ang namutawi mula sa mga labi ni Lucas dahil sa mga sinabi nito. Who would really have thought that they would love their paintings? Unang subok lamang nila ito pero marami na agad ang naibenta nila. And Lucas can't explain the happiness that he felt. And along with that happiness is contentment. Ito ang gusto niyang gawin. Ito ang gusto niyang maranasan. Yaong maraming tao ang pupunta kung sakali mang magkaroon siya ng sariling exhibit balang-araw. But he has to face the reality. After this day, he would start to face his responsibility as an Olvidares. Kailangan niyang isantabi muna ang kanyang hilig sa pagpipinta upang pagtuunan ng pansin ang pagiging presidente ng isang napakalaking kompanya. At dahil doon ay hindi niya alam kung dapat niya bang ikagalak na sa kanya mauuwi ang pamamahala ng OMC... Or would he hate being an Olvidares?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
85.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
77.4K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
133.1K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
175.1K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
26.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook