Dahil sa ngising namutawi mula sa mga labi ni Krystal ay agad na umahon ang kakaibang damdamin mula sa dibdib ni Lucas. Ang kaisipan na kilala nito ang kanyang kasintahan ay labis na nakapagtataka sa kanya. Gusto niya pang makadama ng kaba dahil sa makahulugang tingin na ngayon ay iginagawad ni Krystal sa kanya. "Tell me, why do you know Janel?" wika niya dito sa seryosong tinig. "Janel who?" nagtataka namang sambit ni Vincent habang pinaglilipat-lipat ang tingin sa kanya at kay Krystal. "I will tell you. Why don't you talk to me?" nang-uuyam na saad ni Krystal bago ito bumalik sa pagkakaupo sa mahabang bangko. Lucas gritted his teeth. Gusto niyang kabahan sa kung ano ang malalaman mula sa babae. Dapat niya bang ikatakot ang mga sasabihin nito tungkol kay Janel? "There is no need for