"S-Sir, hindi ko ho---" "Ssshhh..." Jake stopped her from talking. Mariin nitong inilapat ang tainga sa nakalapat na pinto saka nakinig sa kung ano ang nangyayari sa labas ng silid na kinaroroonan nilang dalawa. Maging siya man ay naulanigan ang yapak ng kung sino man na nasa labas. Hindi mahirap hulaan na si Eric iyon. She could almost guess that Eric felt her presence a while ago. Malamang na naramdam nito na may naninilip sa mga ito kanina. At dahil sa muntik na siyang mahuli ng binata ay hindi niya pa maiwasang makadama ng kaba. Hanggang sa maramdaman nila ang pag-alis na nito. Marahil ay bumalik na ang binata sa silid kung saan naroon si Krystal at kung ano man ang gagawin pa ng mga ito ay hindi na niya nais pang isipin. They are disgusting. Iyon lang ang nadarama niya para sa mga