Mula sa pagkakasandal sa kanyang sasakyan ay napatayo nang tuwid si Lucas nang makita niya ang pagdating ng sariling kotse ni Ariella. Huminto ito sa tabi ng mismong sasakyan niya. Nang lumabas mula sa may driver's seat ang kanyang kinakapatid ay agad na niya itong sinalubong. He held her on her left arm and guided few steps away from their cars. Hindi pa nakaligtas sa kanyang paningin ang mapanuring tingin na ginawa ni Ariella sa kanyang sasakyan kung saan naroon nakaupo sa may passenger's seat si Janel. "Lucas, what were you telling me last night? Ipaliwanag mo nga," naguguluhan nitong sabi sa kanya. Kagabi nga matapos ng pag-uusap nila ni Janel ay isa si Ariella sa mga tinawagan niya. Una niyang tinawagan si Chloe, isa sa mga empleyado din ng kanilang kompanya. Dito niya pinaasikaso