"Lory! Bakit mo pinapasok ang lalaking yan?!" saway ko kay Lory. Pabagsak ko pang nabitawan ang dalawang malaking bag na sako na parang namamakyaw ng paninda sa tiangge. "Kaibigan mo raw, eh. Tsaka pogi, te!" paliwanag pa ng babaeng ito. Nagmartsa ako palapit kay Kris at saka hinila ang tainga niya. "Aray, aray! My ear!" sigaw ni kumag. Hinila ko siya palapit sa pintuan ng apartment. "At paano mo nalaman kung saan ako nakatira?!" sigaw ko sa kanya. "Let go of my ear! Ow!" Binitawan ko ang tainga niya na ngayon ay pulang-pula. Tiningnan ko si Lory. "Lory, huwag kang magpapapasok ng kahit sino sa apartment kahit sabihin pang kaibigan ko raw! Hindi yun totoo! Kinidnap ako ng lalaking 'to!" "Hey, I didn't kidnap you, Callie. I was just making sure na ikaw nga ang babae na yon," paliw

