Umuwi ako na lutang at sabaw dahil sa engkwentro ko sa lalaking nagngangalang Kris kuno. Pasaldak akong umupo sa gamusang sofa namin na halos mamuti na dahil sa kalumaan. Hindi na rin ako nakapag-grocery pa gamit ang perang binigay ni Zander sa akin dahil natakot ako na baka may mangholdap sa akin. Hindi ko kayang mawalan ng ganitong kalaking pera. At saka, kung mawala ito, ano na lang ang sasabihin ko kay Zander? Salamat at naholdap ako? Hay. Naisipan ko na lang na kunin iyong maliit kong notebook na nakapatong sa itaas ng maliit na refrigirator. Listahan ko ito ng mga bills para hindi ko makaligtaan. Napabuntong-hininga ako nang masumahan ko lahat ng gastos. Umabot sa mahigit thirty-thousand ang bills ko ngayong buwan. Hindi kasi ako nakabayad nung dalawang nakaraang buwan ng renta d

