Kabanata 8

1365 Words
"Kumusta naman ang trabaho mo bilang CEO?" tanong ko kay Zander habang yakap niya pa rin ako sa kama. "Well, it is not something I'm afraid to do. There are some people in there who doesn't trust my skills." Hinaplos ko ang braso ni Zander. "Siguro dahil bago ka lang kaya ganoon. Lagi naman ganoon ang sitwasyon kapag may bago, eh. Hindi ka pa kasi nila nasubukan ang galing mo sa trabaho." Naramdaman ko ang ngiti ni Zander sa leeg ko. "You're right about that. Hindi ko naman sila masisisi." "So, paano mo yun nasosolusyonan?" kunot-noong tanong ko. "By coming here to see you." Napaawang ang bibig ko. Para makita niya ako? "Seryoso ang tanong ko, Zander. Huwag kang ano diyan." Tinampal ko ang braso niya. Natawa siya sa ginawa ko. "I'm being serious." "Hay, ewan ko sayo." Hinalik-halikan ni Zander ang leeg ko. "Kaya gusto kong pinupuntahan kita dahil sa ganyan ka. You're a breath of fresh air to me." "Hangin na pala ako ngayon," saad ko naman. "Air that I wanna breathe every day. I keep looking for it simula noong unang gabi ko rito," ani Zander. "So, ako na ngayon ang stress reliever mo?" "Something like that." Tumulala ako sa smart TV na naka open pa rin. Akala siguro ni Zander ay nanonood ako pero ang totoo ay tinatago ko ang kakaibang lungkot na di ko mawari bakit ko nararamdaman. Ayoko kasing sabihin kay Zander na hanggang sa katapusan na lang ako ng buwan magta-trabaho rito. Ayokong mag-expect siya sa akin. Sigurado ako na kapag umalis ako rito, may ipapalit si Miss Joyce sa akin. Kung sakali man na bumalik-balik si Zander dito, makakalimutan niya rin naman ako. Lalo na't lalaki siya at kapag nakatikim siya ng ibang labi ng babae, tiyak na makakalimutan niya rin ako. "What's wrong?" May halong pag-aalala sa boses ni Zander. "Did I say something wrong?" "Wala. Guni-guni mo lang yon. Nanonood lang ako, eh." Sana maniwala siya kahit nagsisinungaling ako. "Am I making you uncomfortable?" Humiwalay si Zander mula sa pagkakayakap niya sa akin na para bang nasu-suffocate niya ako sa yakap niya. "Nako, ano ka ba. Hindi naman. I mean, wala namang mali sa sinabi mo. Pagod lang din siguro ako." Nakatitig lamang si Zander sa akin na para bang inuukit niya ang mukha ko sa kanyang memorya. Na-conscious tuloy ako. Napaiwas ako ng tingin sa kanya. "Then, let's sleep. I won't touch you kung hindi ka komportable. Let's just lay beside each other," suhestiyon ni Zander. "O-okay," tipid ko namang sagot. Ilang minuto lang ang nakalipas nang makatulog kaagad si Zander. Ako naman ay hindi nakatulog. Minarapat ko na lamang na pagmasdam siya habang natutulog ng mahimbing. Napakagwapo niya talaga. Kahit anong anggulo ay walang kapintasan na makikita sa kanya. Napaisip tuloy ako. Paano kung malaman ng mga tao na ako ang nasa paparazzi photo? Paano pag nalaman nilang isa akong stripper? Mainit na ang mga mata kay Zander lalo na't baguhan lang siya sa kanyang pagiging CEO. Tapos malalaman ng madla na isang stripper ang kasama niya doon sa paparazzi photo, ano na lang ang sasabihin sa kanya? Baka isipin ng mga tao sa kanya na siya ay incompetent. Hindi ko mapigilang malungkot ng tuluyan. Nilagay ko sa hukay ang mga paa ni Zander dahil sa kapabayaan ko. Hindi ko na lang sana siya sinamahan sa parking area. Hindi sana siya mafo-front page at maho-hot issue sa bansa. Hinaplos ko ang makinis at gwapong mukha ni Zander. Kung kaya lamang burahin ng haplos ko ang mga nangyari, hindi sana madadagdagan ang problemanf kinakaharap ni Zander ngayon. Hindi bale sana kung mayaman din ako. Kahit ipakita pa nila ang mukha ko ay okay lang. At least, kahit walang namamagitan sa amin ni Zander ay malakas ang loob kong makita ako ng publiko dahil may kaya ako sa buhay gaya ni Zander. Hindi sana siya mapapahiya. Pero heto ako, eh. Ito yung totoong ako. Mahirap. Isang hostess. Hindi nakapagtapos ng pag-aaral. May pangarap ako. Malaki. Pero hindi ko pa kaya lalo na't may pinapaaral pa ako. Si Ven. May gamutan rin siya na regular kong binibili para sa kanya dahil wala pa kaming pampa-opera. Hindi kaya ng budget ko. Wala na rin akong panahon para makipagrelasyon. Napangiti ako ng malungkot. "Kailangan ko na rin talagang i-give up ang pakikipagrelasyon dahil alam kong walang tatanggap sa akin. Lalo na rin sa panahon ngayon." Hinalikan ko ng marahan ang labi ni Zander. Maswerte na rin ako. Isang gwapo at mabait na lalaki ang nakakuha ng una kong halik. Ito na rin siguro ang una at huli. Si Zander lang ang nakapalagayan ko ng loob. Kaya masaya na rin ako. Lalo na't ako rin ang first kiss niya. Napangiti tuloy ako dahil unfair sa part niya. Isang hostess ang nakakuha ng una niyang halik. Humiga ako ng maayos at niyakap si Zander. Awtomatiko naman niya akong niyakap na parang unan. Ngayon lamang ako nakaramdam ng ganitong kapayapaan. Para bang nare-relax ang katawan ko sa yakap ni Zander sa akin. Hindi ko namalayang nakatulog na rin pala ako. Nagising na lang ako na wala na si Zander sa tabi ko. Napaupo ako at kinusot-kusot ang mata ko. Hinagilap ng mata ko ang kabuuan ng kwarto pero wala akong makitang Zander. Nahagip ng mata ko ang isang puting tissue na nakapatong sa bedside table. At may nakasulat doon. Kinuha ko iyong tissue at binasa ang nakasulat. 'My bunny girl, I had to leave early. Something important came up. I left some money in the drawer. Eat something nice today and buy yourself something you want.' -Zander Binuksan ko ang drawer ng bedside table at nakita ang isang check. Napaawang ang bibig ko nang basahin kung magkano iyon. "Fifty-thousand pesos only..." namamanghang saad ko. Hindi pa ako nakahawak ng ganitong kalaking pera sa buong buhay ko. Ganoon pala talaga kayaman ang mga Almeda. Hindi na dapat ako magulat dahil pamilya sila ng mga bilyonaryo. Pero masyado naman yata itong malaki para sa isang gabi na magkasama kami ni Zander. Ayokong isipin niya na ginagamit ko siya para pagkaperahan. Naguguluhan tuloy ako kung gagastusin ko. Higit pa ito sa sinasahod ko rito, eh. Pambayad na ito ng bills ar renta. Sobra pa. Gusto ko sanang itabi na lang iyong natira kung sakali. Para sa installment na tuition ni Ven. Puro promissory note na lang kami. Natapos ang shift ko ngayong araw. Pinapalit ko sa bangko iyong check na binigay ni Zander sa akin. Nawindang ako dahil totoong pera iyong check. Maigi kong itinago ang pera sa bag ko dahil baka manakawan ako. Luminga-linga pa ako palabas ng bangko dahil baka may masamang tao na humarang sa akin. Nang makalabas ako sa gate ng bangko ay may humila sa braso ko. Sisigaw sana ako nang takpan niya ang bibig ko. Madali niya akong naipasok sa itim na kotse at sinarado ang pinto. Nang tanggalin niya ang kamay niyang nakatakip sa bibig ko ay doon ako sumigaw. "Ahh!!! Tulong! Tulungan ninyo ako! Kinidap ako! Ahh!!!" "Shout all you want, Calista Buenaventura. Walang makakarinig sayo," wika ng lalaking kumidnap sa akin. Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob ko na tanggalin ang sunglasses ng lalaki at pati na rin ang hood niya. Hindi siya mukhang kidnapper. Mukha siyang celebrity na napakaraming proyekto. "Sino ka?!" sigaw ko sa pagmumukha niya. "Me? Call me Kris." "Bakit mo ako kinidnap?! Wala akong pera!" "Says the one who just came out from the bank," aniya at napangisi pa habang umiiling. "Anong pakay mo sa akin?! Sino ka!" Kinilatis ako ng bwisit na Kris na ito bago sumagot na akala mo ay isa akong karne na ibebenta niya sa palengke. "Pwede na. He really has a taste. I can't deny that." "Ha? Sino? Anong pinagsasabi mo?" naguguluhan kong sambit. Binuksan niya ang pinto at saka niya ako pinalabas. Yakap ang bag ko ay napatitig ako sa kanya bago niya isara ang pinto ng kotse. "Take care, Calista. See you around. And see you again," aniya pa bago paharurutin ang sasakyan. Napatanga na lang ako sa kinatatayuan ko hanggang sa mawala na sa paningin ko ang sasakyan. May sayad yata ang taong yon! Pero sino ba siya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD