Ako ang first kiss ng isang Zander Almeda?
Nananaginip ba ako? Siya kasi iyong tipo ng lalaki na kung huhusgahan siya ay tila ba marami ng dumaan na babae sa kanya. Mayaman, napakagwapo, matikas, matangkad, ma-appeal, halos lahat ng magagandang katangian sa isang lalaki ay nasa sa kanya na.
Habang ako? Isang hamak na tagabigay ligaya sa mga kliyente sa club. Hindi nakapagtapos ng pag-aaral at tanging katawan at hitsura lamang ang kaya kong ipagmalaki na namana ko pa sa mama ko.
"Hindi mo dapat binigay sa akin ang first kiss mo, Zander," may lungkot sa tinig ng boses ko.
Nakapatong pa rin si Zander sa akin habang nakatitig siya sa mukha ko. Napaiwas naman ako ng tingin dahil sa paraan ng pagtitig niya. Para bang tinititigan niya ang kaluluwa ko.
"It's up to me who I'll give my first kiss to, Callie. I'm lucky enough to have yours," ani Zander.
"Zander, isa kang CEO. Isa lamang akong ordinaryong babae. Ano ka ba naman," sambit ko. Tinampal ko ng marahan ang kanyang dibdib. Natawa naman siya sa ginawa ko.
"Callie, do not say that. Yung halaga mo hindi yan binabase sa pagiging ordinaryong tao o sa yaman. I'd rather be with a woman who is real and authentic than a rich girl who pretends to be a good woman in front of everyone, but a cunning evil behind closed doors."
"Zander, ano ba talaga ang pakay mo dito? Bakit ka bumalik?" diretsa kong tanong.
"Because I have not met a genuine woman until I met you," ani Zander. Hindi pa rin nawawala ang titig niya sa mukha ko na para bang nadikit na ang mga mata niya sa akin.
"Naiintindihan ko naman yan. Pero isipin mo ang reputasyon mo, Zander. Hindi ka pwedeng magpabalik-balik dito. Napanood ko ang mga balita tungkol sayo. Masyado pang mainit ang pangalan mo sa publiko. Fresh CEO ka pa lang, hindi ba? Isipin mo ang katayuan mo," paliwanag ko.
"Gagawin ko ang gusto ko, Callie. I will come back here if I want to. Who cares about them?" aniya.
Napabuntong-hininga ako. "Zander, ano ka ba," saad ko. Bago pa ako makapagsalita ay hinalikan niya akong muli sa labi.
Hindi ko mapigilan ang sarili ko na halikan siya pabalik. Naaadik na ba ako agad? Ganito ba talaga ang epekto kapag nahahalikan ng katulad niya?
Napakalambot ng labi niya. Napakasarap ng hagod at bawat dampi. Napa-ungol ako ng mahinhin nang haplusin niya ang legs ko. Napayakap ako sa batok niya at mas lalo pang dumiin ang kanyang paghalik sa akin.
Bumaba ang labi ni Zander sa leeg ko. Napaliyad ako nang dilaan niya akong doon. Napakasarap ng sensasyon na pinapadama niya sa leeg ko. Lalong umiinit ang buong katawan ko. Napakasarap damhin ng bigat niya sa akin. Nakadikit ang aking mga dibdib sa matigas na dibdib ni Zander. Para bang ayokong lumayo ang katawan niya sa akin.
Dinig ko ang pagsupsop ni Zander sa leeg ko. Lumipat naman siya sa kabilang parte ng leeg ko at iyon naman ang sinupsop niya. Halos mabaliw ako at napapasabunot sa kanyang malambot na buhok.
Nananaginip ba ako? Tunay ba ang nangyayari? Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala. Hindi pa rin magsink in sa isip ko na ibinibigay ko ang katawan ko sa isang kliyente ko.
Pinangako ko sa sarili ko na walang makakahawak sa akin ni isa sa mga kliyente ko. Marumi man para sa iba ang trabaho ko ay alam ko sa sarili kong hindi ko ipinapagamit ang katawan ko kanino man.
Ngunit ngayon...
Naibigay ko kay Zander ang pinakauna kong halik. Ang mas malala pa, halos ibigay ko na ang sarili ko.
Tumigil si Zander sa paghalik niya sa akin. Napansin niya siguro na wala akong reaksyon. Bigla kasi akong tumahimik.
Sakto namang may kumatok sa pinto kaya naitulak ko si Zander.
"B-buksan mo iyong pinto!" pabulong na pasigaw kong utos kay Zander.
Napakamot si Zander sa kanyang ulo at ginawa naman ang sinabi ko. Nagtago ako sa likod ng pinto para madinig ko ang tao sa labas.
"Good evening, Sir. Pasensya na po sa istorbo. May bisita po ba kayong inaasahan?" tanong ng staff sa labas.
"I'm not expecting anyone. Who is it?" ani Zander.
"Si Mr. Kristof Martinez po, Sir."
"Tell him to f*ck off," wika ni Zander. "You can go." Hindi na hinayaan magsalita pa ni Zander iyong staff at saka niya sinara ang pinto.
"S-sino yung Kristoff?" tanong ko.
"My best friend," ani Zander.
"Anong ginagawa niya dito?" pagtataka ko.
"Maybe he found out about the news." Umupo si Zander sa edge ng kama at nagsalin ng alak sa kanyang wine glass.
"Baka hinahanap ka niya at nag-aalala sayo ang best friend mo," saad ko na may halong concern.
"Nope. He's going to try this club kung ayos ba. Mahilig siya sa mga ganito. He's a party goer and very active with girls."
Na-disappoint ako sa sinabi ni Zander. Ang akala ko pa naman ay parehas sila ng ugali.
"Don't think of him negatively. He's a great guy. But not great when it comes to women," dagdag pa ni Zander. "I will not consider him as my guy kung hindi ko siya tunay na kilala."
"I understand," sambit ko. "Bakit hindi mo na lang siya papasukin dito? Baka gusto ka niya makausap tungkol sa issue?"
"No, Callie. Men and women don't think alike," sagot ni Zander.
"Hanggang anong oras ka mamamalagi dito ngayong gabi?" pag-iiba ko.
Hinila ni Zander ang kamay ko. Napaupo ako sa legs niya at saka niya ibinaon ang kanyang mukha sa leeg ko.
"I want to be this close to you until the sun rises," sagot niya na para bang walang issue tungkol sa kanya. Tatayo sana ako para iwasan siya ngunit niyakap niya ako. "And I paid this night so I could hold you."
"Pero bakit? Bakit ako?"
"Because I feel at ease with you," wika ni Zander.
Di kaya niloloko ako nito para maka-tsansing sa akin?
"Zander, sinasabi ko sayo sasapakin kita kapag pinagsisinungalingan mo ako," banta ko.
Natawa si Zander sa sinabi ko. "That's why I will keep on seeing you here because you're being yourself."
"Ewan ko na lang sayo. Ang dami mong alam."
"Hug me too. I'm sleepy," ani Zander. Ayoko man gawin pero pinapahamak ako ng katawan ko. Niyakap ko siya gaya ng nais niya.
"That's better." Alam kong nakapikit siya ngayon at ninanamnam ang sandaling ito.
Maya-maya pa ay nakahiga na kaming parehas sa kama habang nakayakap siya sa akin na tila ba isa akong malaking unan. Nakasiksik ang mukha niya sa leeg ko habang nakapatong naman ang paa niya sa tiyan ko.
Natawa ako dahil para siyang bata na natutulog kayakap ang kanyang kama.
Alam kong ngayon lang kami nagkakilala ng taong ito. Kaya hindi ko maipaliwanag kung bakit ang gaan rin ng loob ko sa kanya.
Tama pa ba ito? Kliyente ko siya. Transaksyonal lamang ang ginagawa nami. Pagkatapos nito, maaaring hindi na siya bumalik. At hindi ko pa nasasabi sa kanya na hindi na ako magtatagal dito sa club...
Paano kung hanapin niya ako? Ang mas masaklap, paano kung hanap-hanapin ko siya? Paano kung hanap-hanapin ko itong ganito?