Kabanata 6

1252 Words
Hindi ko alam kung bakit ko nilagok ang kalahati ng alak na iniinom namin ni Zander matapos niyang sabihin na halikan ko siya. "S-sigurado ka?" nauutal ako sa sobrang kaba. Maya't maya pa ay naramdaman ko na uminit ang aking buong katawan dala ng alak. Lumapit pang muli si Zander sa akin. Halos magdikit na ang mga ilong namin at maduling ako sa kanyang mga matang nakatitig sa akin. Hindi ako makaatras dahil nakasandal ako sa headboard. Kung pwede lang akong tumagos dito sa pader ay ginawa ko na. Pader, lamunin mo na ako! Hinawakan ni Zander ang aking baba at inangat iyon. Amoy ko ang alak sa kanyang tila marshmallow na labi. Nakakahumaling tumitig ni Zander na para ba akong hinihigop at hinihila papunta sa labi niya. Wala pa akong nahahalikan na lalaki sa buong buhay ko. Ni wala akong naging boyfriend dahil mas pinili kong maging ulirang kapatid kay Ven. Hindi ko alam kung bakit napapikit ako. Hinihintay ko ba siyang halikan ako? O dala ng alak at ng sitwasyon? Ilang segundo na ang lumipas pero walang labi ang dumadampi sa labi ko. Nang bahagya kong buksan ang kaliwang mata ko ay napansin kong nakatitig lamang si Zander sa akin. "You're so innocent I cannot even do it," aniya. "H-ha? A-ako?" Para akong timang kung magtanong. Malamang ako! Nasaktan ako sa sinabi niya sa hindi malamang dahilan. Ganon ba ako ka-inosente sa paningin niya na kahit simpleng halik ay hindi niya magawa? Nakaramdam ako ng insecurity. Kahit papaano ay babae pa rin naman ako at nasasaktan din. "Oo na't wala pa akong first kiss! Pero hindi na ako inosente sa mga ganyang bagay." Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas ng loob na sabihin iyon. Marahil ay sa tulong ng alak? "I understand. Sa mga drama siguro na napapanood mo," natatawang saad ni Zander. Mas lalong nagsalubong ang mga kilay ko. Nawala ang hiya ko at bigla akong umibabaw kay Zander. Nahihilo man ako dahil sa alak ay mas mataas ang pagnanais ko na patunayan kay Zander na hindi ako batang inosente! Tila natutuwa si Zander sa nangyayari dahil nakangisi ito at kita ko sa kanyang mga mata ang pagkamangha. Mas lalo akong nainis! Bumaba ako at halos isang sentimetro na lamang ang layo ng aking mukha sa kanya. Kaunting galaw at magdadampi na ang aming mga labi. "What are you going to do about it, Callie?" Tila ba hinahamon ako ni Zander sa tono ng kanyang boses. Nagtatalo naman ang lohikal at emosyon ko kung hahalikan ko ba siya o hindi. Gusto kong patunayan na kaya kong humalik ngunit sinasabi naman ng utak ko na hindi ko ipamimigay ang una kong halik kung kani-kanino. "I'm waiting," saad pa ni Zander. Ilang segundo pa ay nakatitig lamang kami ni Zander sa isa't isa. Lalayo sana ako nang bigla niyang hawakan ang batok ko. "Where do you think you're going?" aniya pa na may halong pagnanasa. "I'm waiting, Callie." Hindi ako makaalis. Ramdam ko ang mainit na katawan ni Zander habang nakapatong sa kanya. Napahalinghing ako nang maramdaman ko ang isa niyang kamay na hinahaplos ang hita ko. "Ahh...Z-zander..h-huwag..." "But your body is aching for my touch, Callie. What should we do about it?" Napakasarap pakinggan ng boses ni Zander habang patuloy siya sa paghaplos sa hita ko. Lumipat ang kamay niya na iyon papunta sa tagiliran ko. Gustung-gusto kong idampi ang labi ko sa kanyang labing mapula dahil sa sensasyon na ginagawa ng kanyang kamay sa tagiliran ko. Bumaba ang isa niyang kamay sa isa kong hita. Halos mabaliw ako sa paraan ng paghaplos niya sa akin. Para bang ayaw ko siyang tumigil. "Ngayon mo lang ba ito naramdaman, Callie?" Ngayon ay taas-baba ang kanyang mga kamay sa aking magkabilang tagiliran. Mabagal at nakakabaliw sa sarap ng sensasyon. "Tell me you don't want to kiss me," ani Zander na may halong pagnanasa at paghamon. "Ahh..." tanging halinghing lamang ang lumalabas sa bibig ko habang nakatitig ng mapungay kay Zander. Sa isang mabilis na galaw ni Zander ay siya na ang nasa ibabaw ko. Nanlaki ang mata ko nang maramdaman ko ang matigas niyang armas sa puson ko. "Z-zander..." sambit ko sa kanyang boses. Nanghihina ang aking buong katawan. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang kasabikan at kapusukan na nararamdaman ko. Epekto pa rin ba ito ng alak o pagnanasa ko na? "Tell me to stop and I will, Callie," ani Zander. Gusto ko nga ba siyang tumigil? Sumisigaw ang katawan ko na gusto kong gawin. Pero gusto kong gawin ang ganito sa lalaking mamahalin ko. Bumaba ang mukha ni Zander sa leeg ko. Napasinghap ako nang dumampi ang ilong niya sa balat ko. "I wanna kiss you so bad right now, Callie. Tell me to stop if you don't like it..." naninindig ang mga balahibo ko sa pagromansa sa akin ni Zander. "P-please..." sambit ko. "Please what, baby?" malambing na sambi ni Zander. Para bang isa siyang predator na hinihintay lapain ang kanyang prey. Umaaligid, naghihintay ng hudyat. "G-gusto ko.." nahihirapan kong wika dahil sa patuloy na pagdampi ng tip ng ilong ni Zander sa leeg ko. "H-halikan mo ako..." Naramdaman ko ang ngiti ni Zander sa leeg ko. Wala na siyang hinintay na sandali. Idinampi ni Zander ang kanyang labi sa labi ko. Malalim, mapusok, puno ng pagnanasa at init. Inaangkin niya ang labi ko na para bang gutom na gutom siya sa akin. Napapasunod ang labi ko sa bawat hagod ng kanyang labi. Dinig sa bawat sulok ng kwarto ang tunog ng aming halik na sobrang sarap. Ganito pala ang pakiramdam ng nahahalikan... ni Zander. Napakagaling niyang humalik. Nakakabaliw at nakakapanabik. Halos maubusan ako ng hininga sa mapupusok at mainit na galaw ng labi niya. Nai-imagine ko ang sarili ko ngayon na kahalikan si Zander. Suot ang bunny girl costume ko at pulang stilletos na nakaangat sa ere habang nakapatong ang isang Alexander Almeda sa akin dama ang kanyang matigas na armas sa pagitan ng mga hita ko. Hinahalikan ako ng malalim at napakasarap. Para bang nasa langit ako. "You're so f*cking hot in that costume, baby. I wanna tear it and f*ck the hell out of you," ani Zander sa pagitan ng mainit naming mga halik. Napakapit ang mga kamay ko kanyang batok nang ikiskis niya ang kanyang napakatigas na armas sa hiyas ko. Bigla ko siyang naitulak ng marahan kaya napahinto siya. Kay bilis niyang maintindihan ang ginawa ko. He gave me a reassuring smile. "I'm sorry. I forgot you're still a virgin." Hinalikan ni Zander ang noo ko. Hindi ko alam kung mahihiya ba ako sa ginawa ko ngayong gabi. Hinayaan kong halikan ako ng kliyente ko. At hinayaan ko ang sarili ko na halikan siya pabalik. "Callie," tawag ni Zander sa akin. Hinawakan niya ang baba ko at ibinalik ang tingin ko sa kanya. "You're a grown up. I'd rather be the one to steal your first kiss than being kissed by some motherf*ckers here in this club." "P-pero kliyente ka rin kagaya nila..." sambit ko. Kinurot ng marahan ni Zander ang pisngi ko. "What if I tell you you're my first kiss too?" Nanlaki ang mga mata ko sa kanyang sinabi. "Weh?!" Natawa si Zander sa reaksyon ko. "Yes. I haven't kissed anyone. Just you, Callie." "Ha? Pero may fiancée ka, eh." "I haven't touched anyone. She's an ex-fiancée. I rarely see her. Kung magkikita man kami, sa formal gatherings lang." Hinaplos ni Zander ang mukha ko at ngumiti sa akin. "You're the lucky girl who stole my first kiss."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD