Kabanata 5

1204 Words
"Ha?!" Halos hablutin ko na iyong tablet ni Miss Joyce. Gusto ko talagang makumpirma kung si Zander nga ang tinutukoy niya. Nanlalaki pa ang mga mata ko habang binabasa ang request under his name. Napaupo ako sa pulang sofa ni Miss Joyce. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Paano kung maraming paparazzi ang sumunod sa kanya? Paano kung dumugin ako kapag nag-out na ako mamaya? Ayokong maging front page ng mga balita! Natataranta kong hinawakan ang magkabilang balikat ni Miss Joyce. "Miss Joyce, ano nang gagawin ko? Wala ba akong body guard? Kailangan ko ng proteksyon mamaya kapag lumabas ako dito sa club. Baka ma-front page ako sa balita. Baka makilala ako ng mga tao. Baka i-bash ako sa social media! Baka—" Binitawan ni Miss Joyce ang tablet niya sa table at pinaupo ako sa sofa habang hawak-hawak ako sa magkabilang braso. "Callie, kumalma ka nga muna," aniya. "Yung kapatid ko, Miss Joyce... hindi niya alam na sa club ako nagta-trabaho..." "Callie, walang nakakaalam sa club ang tungkol sa rumors sa inyo ni Mister Almeda. Sinabi ko sa management na wala ni isa sa mga strippers ang siyang babae doon sa picture ng paparazzi. Mabuti na lang naniwala sila. Safe ka." "Miss Joyce, ayoko pong mawalan ng trabaho..." Niyakap ako ni Miss Joyce. "Masyado kang nag-iisip, Callie. Alam mong hindi kita pababayaan." "Maraming salamat po. Hindi ko alam kung paano ko masusuklian ang kabutihan mo sa akin, Miss Joyce." "Abutin mo ang pangarap mong makatapos ng pag-aaral. Gusto ko mag-ipon ka pa ng mag-ipon habang naririto ka pa. At kapag kaya mo na, umalis ka na sa trabahong 'to at ayaw ko nang bumalik ka pa rito. Hindi ito ang trabahong nababagay sayo, Callie. May magandang buhay ang naghihintay sayo." Napangiti ako sa mga encouragement ni Miss Joyce. Napakagaan sa kalooban ko dahil siya ang tumatayong ina sa akin. Iniwan ko si Miss Joyce sa kanyang opisina. Pagkalabas ko ay napansin kong na parang may tao sa gilid ng halaman malapit sa elevator. Nang puntahan ko ay wala namang tao. Sumapit ang gabi. Inihanda ko ang sarili ko. Ngayon, bunny girl ang costume na pinili ko. One piece na swimsuit na kulay itim. May puting bilog na buntot ito sa bantang pw*tan. Nakalugay ang aking mahabang buhok habang suot ang headband na mayroong tainga ng rabbit. Nagsuot rin ako ng itim na see-through na stockings. At panghuli ay pulang stilletos ang isinuot kong sapatos. Dumiretso ako sa Wild Nights room 106. Kumakabog na naman ang puso ko sa dibdib ko. Hindi ko naman dapat maramdaman ito pero hindi ko maiwasan. Dahil ba nandito ang gwapong si Zander? Umiling ako ng mabilis na halos mahilo ako. Dapat ay isipin ko ngayon na trabaho lang ito. Pinihit ko ang pinto at ipinasok ang drink trolley. "Good evening, Sir Zander," bati ko matapos kong itabi sa gilid ang trolley. "I prefer Zander. Masyadong masagwa ang Sir Zander." Lumabas si Zander mula sa banyo hawak ang sunglasses at wig na blonde. "Bakit may dala kang ganyan?" kunot-noo kong tanong na akala mo matagal na kaming magkakilala. "I had to use these para mag-disguise," sagot naman niya. "I guess, nakita mo na ang balita." Napakamot siya sa kanyang batok. Napamura ako sa isip ko. Bawat galaw niya ay napakagwapo. O hindi lang siguro ako sanay na may gwapong katulad niya na bata pa na naparito sa club? "Nakita ko na nga, Sir. I mean, Zander." "I'm sorry," malambing niyang sambit. Tumibok ng napakalakas ng puso ko. Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatitig sa kanya. Ang alam ko hindi naman ako nakainom. Hindi ako lasing. Pero bakit nagkakaganito ako sa harapan ng greek god na ito? "I know I awe you an explanation. I went back here to apologize to you personally." Ganoon ba kahaba ang buhok ko para balikan ako ng very VIP na taong 'to para lang humingi ng tawad? Ganoon ba ako kaganda? Nilaro ko na lang ang mga daliri ko dahil hindi ko alam ang sasabihin. "Hindi ko naman din pwedeng sabihin na ayos lang yun kasi hindi..." sambit ko. "Pero salamat kasi bumalik ka rito para humingi ng tawad sa nangyari..." "The truth is, I succeeded my position sa company ng father ko last month. My name is hot topic recently. Kaya may mga paparazzi na umaaligid sa akin lately. I'm sorry if I dragged you into this mess." "Kasalanan ko rin naman, eh. Prohibited sa amin ang ihatid ang client sa parking area dahil pribadong tao ang mga pumupunta rito. Parang ikaw. Kaya sorry din, Zander." Napayuko ako. Halos sumabog ang mukha ko sa sobrang init nang ngitian ako ni Zander. Napakaganda ng ngiti niya. Nakakabighani. Mabuti na lang may suot akong mask, hindi niya mahahalata na nababaliw na ako rito. "It's all my fault, Callie," aniya naman. Naramdaman ko ang presensya ni Zander sa harapan ko. Nang iangat ko ang mukha ko ay halos isang metro na lang ang layo namin sa isa't isa. Napatingala ako dahil sa tangkad niya. "You look good in that costume," ani Zander. Naamoy ko kaagad ang alak sa kanyang hininga. "K-kanina ka pa ba?" Bakit nauutal ako? "One hour early," sagot naman niya. "Tipsy na." "P-pansin ko nga." Inihilig niya ang kanyang ulo ng bahagya na para bang kinikilatis niya ang mukha ko. "Clients can request things to you, right?" aniya na parang trivial ang kanyang katanungan. "Uhm... oo," sagot ko naman. "Can I see your face?" "Ahh...uhm, okay." Ngayon lang ako nagkaganito sa lahat ng mga kliyente ko. Para bang nako-conscious ako sa bawat galaw ko kapag kaharap ko si Zander. Tatanggalin ko na sana ang maskara ko ngunit nagsalitang muli si Zander. "No, I'll do it," aniya. "Uhm, okay," sambit ko. Lumapit pa si Zander sa akin. Bumibilis ang t***k ng puso ko habang inaangat niya ang kanyang mga kamay papalapit sa mukha ko. Nang matanggal niya ang maskara ay napaawang ang kanyang bibig. Napatitig siya sa mukha ko at unti-unti akong nalulunod sa mga mata niya. "Callie," sambit niya sa pangalan ko. "Y-yes, Zander?" "Do I look drunk?" "Medyo. Mukhang naparami ka na ng inom," sagot ko habang nagtititigan kaming dalawa. "I think I need some more. I want us to get drunk tonight, Callie," aniya pa. Lagot. Hindi ako umiinom ng marami kapag kasama ko ang mga kliyente ko dahil sila ang nilalasing ko at maglalagay ng pampatulog. Pero si Zander naman ito. Alam kong safe ako kahit mapainom ako ngayong gabi. Sakto at kailangan ko rin uminom dahil sa stress. Nang makatulog ako ng mahimbing. Kinuha ko ang alak sa trolley at naglagay sa dalawang baso. Nagsimula kaming uminom ni Zander at nagkwentuhan sa kama. Nakasandal kaming parehas sa headboard habang nakabukas ang malaking smart tv. Nanonood kami ng movie. Para tuloy kaming mag-jowa na nag-check in sa mamahaling hotel. "Zander, totoo ba yung nasa showbiz balita?" tanong ko. "Which one?" "Yung ex-fiancée mo." Tahimik lang si Zander. Nang tingnan ko siya ay nakatitig pala siya sa akin. Namumungay ang mga mata niya. "Do you know how beautiful you are, Callie?" biglang tanong niya sa akin. "H-ha?" Lumapit si Zander sa akin na halos mahalikan niya ako. "Is it okay to request something?" "A-ano yun?" "Kiss me, Callie."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD