Kabanata 3

1311 Words
Calix's PoV BUMABA ako ng hagdan at tumingin sa buong paligid ng first floor. Walang mga palamuti sa paligid, may malaking portrait pero hindi naman family picture o picture ni Kuya Axel kun'di isang malaking painting ng isang mabangis na tigre. Kinuha ko ang maleta ko at bagpack sa sala. Muli kong pinagmasdan ang paligid. Maraming mga bantay na bodyguards. Kunsabagay, isang masamang tao na ngayon si Kuya Axel. Nagbebenta ito ng mga babae sa bar. Napabuga ako nang malalim. Hindi ko alam na mapapasok ni Kuya Axel ang ganoong klase ng hanapbuhay. Hindi naman kasi ito ganoong klase ng tao. Mabait si Kuya Axel, halos buong buhay ko kasama ko na ito. Sobrang close namin sa isa't isa at hindi na nga kami noon mapaghiwalay. Isang retired policeman ang aming papa, at si mama naman may isang mini grocery. Noong ma-diagnosed si papa na may stage 2 bone cancer doon na nagsimulang magbago ang buhay naming magkakapatid. Nag-aaral ako noon ng grade 4 sa elementary at sina Kuya Axel at Kuya Vrex parehong graduating student sa highschool. Kahit na mahirap na ang buhay naming magkakapatid noon ay ni minsan hindi kami nagkaroon ng malaking problema. Ngunit nang nagdiwang ng eighteen birthday si Kuya Vrex doon na nagsimulang magbago ang lahat sa aming pamilya. Fourteen years old lang ako noon at akala ko simpleng pagtatalo lang ang nangyari sa pagitan ng mga kapatid ko. Ang hindi ko alam may dumanak na palang dugo. Nang makulong si Kuya Axel, namatay naman si Papa. Isang taon ang lumipas sumunod naman si Mama. Kinuha ako ni Tito Cedric pero hindi rin nila ako pinag-aral. Naging katulong lang nila ako sa karinderya nila sa loob ng isang taon. Nang umalis ako sa poder ng aking tiyuhin doon ako nagsimulang magtrabaho upang mapag-aral ang sarili ko. Kumuha ako ng kursong Business Management... at hanggang third year college lang ang natapos ko. Hindi ako nakapag-graduate katulad nang inaakala ni Kuya Axel. Mahirap ang buhay mag-isa lalo na kung may kapatid pa akong @ddict. Minsan na ring binalak ni Kuya Vrex na ibent@ ako. Mabuti na lang marami akong kaibigan na GRØ. Marami rin akong kaibigan na tambay sa kanto. Doon ko nakilala si Don Pends, nakautang ako sa kanya ng one hundred thousand pesos para sa placement fee ko. Hindi ko naman alam na mai-scam ako. Iyong inutang ko sa kanya naging four hundred thousand sa loob lang ng dalawang taon. Nasapo ko ang aking ulo at nagtungo sa may maid's quarter. Four hundred thousand pesos ang binayaran ni Kuya Axel. Ilang taon ko naman kaya iyong pagtratrabahuan para makabayad ako sa kapatid ko? Iniisip ko pa lang nai-stress na ako. Pumasok ako sa maid's quarter at nagpalit na rin ako ng damit. Nagugutom na rin ako pero may nakita naman akon bantay kanina sa kusina. Busy naman ang kapatid ko para tanungin kung gusto kong kumain. Limang taon ko lang siyang hindi nakasama pero pakiramdam ko sobrang tagal kaming hindi nagkita. Bata pa lang kami sinabi na sa akin ng mga magulang ko na si Kuya Axel ay ampon. At si Kuya Vrex ang tunay kong kapatid ngunit mas naging kapatid pa ang turing sa akin ni Kuya Axel kaysa sa sarili kong kadugo. Inalis ko ang cap na suot ko at ipinusod ang aking mahabang buhok. May uniform ng katulong sa may cabinet akong nakita. Scrub suit iyon na iba't ibang kulay. Ternong pink ang isinuot ko. Inayos ko ang pagkakapusod ng aking buhok. At saka ako lumabas ng maid quarter. Nakasuot na ako ng tsinelas at nakapamulsa ang magkabilang kamay ko sa scrub pants kong suot. Nakita ko ang bodyguard na kanina nasa office ni Kuya Axel. Pababa ito ng hagdan. Hinintay ko siyang makababa ngunit hindi naman ito tumigil para kausapin ako. Five seven ang height ko kaya hindi ko nakikita na sobrang liit ko sa harapan nito. Lampas balikat naman niya ako. "Hep! Hep!" Itinaas ko ang aking kamay at hinarang ito. "Sandali nga, boss. P'wede ba akong magtanong?" Tumigil ito sa paglalakad at tumingin sa akin. "May five minutes ka lang para makausap ako ngayong buong araw." "Sobra naman! Gusto ko lang sanang itanong kung p'wede ba akong makipagkaibigan sa iyo, boss?" Umatras ito at umiling. "Sayang... alam mo ang cute mo pa naman." Hindi man lang ito ngumiti sa sinabi ko. "May two minutes ka na lang." Tumingala ako at tumingin sa mga ito. "Best friend ka rin ba ni Lucy?" Hindi pa rin ito sumagot at nagmukha lang akong t@ng@. "Sige na nga! Kung ayaw mo akong kausapin, okay lang. Mag-i-enjoy na lang akong makipag-usap sa mga alaga ninyong lamok, ipis, langaw, multo at sa mga engkanto," naiinis na sabi ko bago ko siya tinalikuran. Hindi ako sanay nang ganito. Pakiramdam ko lalagnatin ako kapag napanis ang laway ko. Hindi ko naman p'wedeng kulitin ang kapatid ko baka palayasin niya ako at magbago pa ang isip. Delikado na nga ako kay Don Pends makikita na naman ako ni Kuya Vrex. Ipinasya ko na lang na maglibot sa malaking bahay ni Kuya Axel. Hindi na ako nagpunta sa second floor baka makasalubong ko ang kapatid ko ang mapagalitan pa ako. May dala naman akong walis tambo habang nag-iikot sa paligid. Sa may gilid ng garden may mga ginagamit si Kuya Axel na pang-exercise. May malaking swimming pool, may bar area din sa first floor. Puro sliding glass windows ang paligid ng first floor. May kulay brown na blind curtains at mga upuan. Nagtataka lang ako kung bakit karamihan sa mga upuan ay ginagamit sa intim@te scenes. Hindi naman bago sa akin ang mga nakikita ko dahil sa mga kaibigan kong GRØ. Ginagamit nila ang mga iyon para sa mas magaling sa pakikip@gbemb@ngan. Hindi ko na pinansin ang mga upuan. Inosente pa naman ako pero maraming nalalaman. Tumambay ako sa may rocking chair na nakita ko. Nasa sulok iyon ng laundry area. Mas mabuting matulog na lang ako kaysa maghanap ng pagkain. Isa-isa pa namang umaalis ang mga bantay na bodyguards ni Kuya Axel. Siguro may mga lakad o kaya aalis na ang Lucifer kong kapatid. "Calixta! Calixta!" paulit-ulit na sigaw ng aking kapatid sa pangalan ko. Hindi pa ako nakakapikit pero tinatawag na niya ako. Nagmadali akong nagtungo sa may sala kung saan ko naririnig ang sigaw niya. Nakita ko siyang nakapameywang at may hawak na itim na attach case. "Yes, Kuya?" mahinang tanong ko rito. Tumingin ito sa akin at hindi man lang pinansin ang ayos ko. "Aalis ako ngayon. Maglinis ka! At pagbalik ko rito dapat malinis at maayos ang bahay." Tumaas ang sulok ng aking mga labi. "Ano naman ang aayusin ko dito sa bahay mo, Kuya? Maliban doon sa mga s3x chairs na nakakalat? At sa amoy... condensadang parteng iyon?" Sabay turo ko sa may bar counter area. Nagulat ito sa mga sinasabi ko. "Calixta!" "Calix, Kuya Axel. Para ka namang si Lola Rica, e. Calix lang, para mas magandang pakinggan. Lalaki ka, puro lalaki nga pala kayo rito. Minsan kapag nakikipagb3mb@ngan kayo baka p'wedeng sa mga kuwarto na lang. Request ko lang naman... bahay mo pa rin naman ito." Naglakad ito palayo sa akin na pinamulaan ng mukha. Hindi siguro nito inaasahan na prangka ako magsalita. "Kuya, magkano nga pala ang sahod ko per day?" "Five hundred pesos, Calix. Gumawa ka ng record book para matandaan mo kung magkano ang nababawas sa utang mo sa akin. I have to go." "Free foods ba ako rito?" habol na tanong ko rito bago ito lumabas ng main door. "Oo. Nakakahiya naman sa iyo." Lumapad ang pagkakangiti ko. "Mag-iingat ka sa pupuntahan mo, Kuya Axel." Tinapik ko ang balikat ng aking kapatid. "Pasalubong ha? Isang box ng dunkin donuts iyong maraming nuts." Nilingon niya ako at kinindatan ko naman siya bago ko siya talikuran. Mukhang magiging masaya ang staycation ko rito. Makakain ko pa ang mga cravings ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD