Kabanata 2

1066 Words
Axel's PoV IBA NA NGAYON ang buhay ko. Simula noong makulong ako ay naging malungkot ang buhay ko at nawalan ng direksyon. Pakiramdam ko lahat ng tao sa paligid ko masasama at walang naging mabuti sa akin kapag walang nakukuhang kapalit. Kaya naman nang may makilala akong matandang lider ng mga sindik@to sa loob ng kulungan ay hindi na ako nagdalawang-isip na sumali sa grupo nila. Doon ko nakuha ang malalim na peklat ko sa kaliwang pisngi. At ngayon, kanang kamay na ako ni Mister Matias Chuvier, isang Chinese na nagmamay-ari ng mga malalaking Club sa Manila at dito na rin sa Pangasinan. Nag-iimport din ng mga malalakas na baril at nagpupuslit ng pinagb@bawal na gamot. Pagkalaya ko sa kulungan sa ganitong buhay ako napadpad. Kung noon takot akong pum@tay ngayon dumad@nak na ang dugø sa aking kamay. Alam kong mali ang landas na aking nilalakaran ngunit hindi ko na masasabing mali dahil dito na ako masaya at nabubuhay. Bumuga ako nang malalim at tumingin kay Calixta. Iniwasan ko na nga ito noon dahil iba ang pagtingin ko sa kanya ngunit nandito na naman ito sa tabi ko. Ten years ang agwat ng edad namin ni Calixta. Masiyado pa itong bata at napakainosente. Wala pa itong alam kung gaano kahirap ang buhay. "Tol, Este Kuya Axel, p'wede mo ba akong i-tour dito sa malaking bahay mo?" Ibinalik ko ang tingin sa screen ng laptop ko. Nagkunwari akong may ginagawa kahit na wala naman. "Busy ako, Calix! Umuwi ka na muna sa apartment mo at kunin doon ang mga damit mo." Naglakad ito patungo sa tabi ko. "Kuya, nasa may sala mo ang maleta ko. Naisip ko kasi na hindi mo ako matitiis kaya nag-ready na rin ako. Ano ba iyang ginagawa mo? Alam mo magaling akong marketing strategies, baka matulungan kita. Sabihin mo lang kung anong klaseng babae ang ibinebenta mo, may mga kaibigan akong naghahanap ng trabaho, e." Inilapit pa nito ang mukha sa mukha ko. Hindi ko siya nilingon at baka mahalikan ko pa. "Lumayo ka nga sa akin, Calixta! Hindi na tayo katulad ng dati! Dalaga ka na! Hindi ka na batang paslit!" pagalit na sabi ko rito. "Kuya, ako pa rin ito si Calix. Edad ko lang naman ang tumanda pero hindi ako. Isinusuot ko pa rin iyong mga damit mo, kinuha ko pa nga iyong favorite mong jersey baka hanapin mo, e. Dinala ko rin iyong ginawa mong bazook@. Naalala mo si Tepok? Ayon, nakapangasawa na ng matal@k na babae. Nawala na iyong kaangasan ng kum@g na iyon." Umupo pa ito sa gilid ng lamesa ko. Kung umasta si Calix para itong lalaki. Ang porma nito ngayon t-shirt na black, tattered black pants at lumang converse na sapatos na kulay itim. May sumbrero itong suot at nakabaliktad iyon. Hanggang balikat ang kulay brown nitong buhok na hindi yata nito sinusuklay. Muli akong nagbuga nang malalim at tumingin dito. "Huwag mo na silang ikuwento dahil hindi na rin ako interesado. At kung p'wede lang bumaba ka sa lamesa ko!" "Ang sungit mo naman, Kuya Axel. Close naman tayo dati, a. Nakulong ka lang nag-iba na rin ang ugali mo. Naging mag-bestfriend ba kayo ni Lucy?" "Shut up!" "Kuya...may asawa ka na ba?" biglang tanong nito sa akin. "At bakit mo naman itinatanong?" Humaba ang nguso nito at nagkibit-balikat. "Wala naman. Magtatampo lang ako sa iyo kapag nag-asawa ka ng hindi ko alam. Alam mo si Kuya Vrex, ilang babae na ang naging asawa no'n. Ilang babae na nga rin ang nagpunta sa bahay na nabuntis daw niya." Itinukod nito ang magkabilang kamay sa lamesa ko at saka tumingala sa kisame. "Kawawa naman ang mga batang maisisilang na may iresponsableng ama." "Ginusto nila iyon nang hindi iniisip ang mga taong inosenteng idinadamay nila. Kung mag-aasawa man ako, Calix. Hindi rin naman kita iimbitahin at hindi ko rin sasabihin sa iyo. Ayokong ma-stress sa iyo ang magiging asawa ko." "Sobra ka naman! Dati lang palagi mong sinasabi sa akin na ako ang pinakamamahal mong kapatid." Hindi na ako umimik. Iba noon at iba na ngayon. "Kuya!" Nagulat ako rito kaya tumingala ako sa kanya. Kaunting distansya na lang ang layo ng mukha naming dalawa. "P'wede ko bang malaman kung saan ang kuwarto ko?" namimilog ang mga matang tanong nito sa akin. Inilayo ko ang aking mukha rito. Nakauwang kasi ang mga mapupulang mga labi ni Calix na kay sar@p sanang halik@n. "Sa first floor sa may maid's quarter." Bumaba ito sa lamesa at saka ngumiti sa akin. Akala ko magrereklamo ito pero hindi nito iyon ginawa. Nauunawaan siguro nito na ang trabahong kapalit ng perang ipinambayad ko sa utang nito ay ang pagiging maid ko. "Salamat, Kuya Axel. I love you!" Nag-flying kiss pa ito bago tuluyang lumabas ng office ko. Nasapo ko ang aking noo nang makalabas na ito. "Kung alam mo lang, Calixta," mahinang sabi ko sa aking sarili. Pumasok ang personal bodyguard ko na si Gardon. Pareho kami ng height, 6 feet and 2 inches. Malaki ang pangangatawan nito dahil pareho kaming nakatambay sa gym. Trainer ko rin siya sa taekwondo at Muay Thai. "Boss?" "Simula ngayon, ikaw na lang ang p'wedeng mag-stay dito sa loob ng bahay ko. Ikaw lang ang p'wedeng makasama ni Calixta kapag wala ako rito. Sabihin mo sa iba na hindi nila p'wedeng kausapin si Calixta kung walang pahintulot ko, Gardon," maawtoridad na sabi ko rito. "Yes, boss." "Gardon..." Sinenyasan ko siya na lumapit sa akin. "Utusan mo sina Oliver at Reese na mag-grocery. Bilhin nila ang lahat ng pagkain na kinakain ng tao. Alisin mo lahat ng itinambak ninyong beer sa refrigerator at simula ngayon bawal na rin ang pagdadala ng babae dito sa bahay ko, maliwanag ba, Gardon?" "Yes, boss. Paano naman iyong mga babae mo, boss?" Nagkamot ito ng ulo. "Sabihin mo sa kanila na nag-abroad na ako. Gumawa ka ng maraming dahilan kapag hinanap nila ako." "Boss, kapatid mo ba talaga si Calixta este si Madam?" naguguluhang tanong nito sa akin. "Hindi ko siya kadugo, Gardon. Kapatid ang turing niya sa akin dahil hanggang ngayon pareho pa rin kami ng apelyido." Napahawak ako sa aking sintido. "Sige na, gawin mo na ang ipinag-uutos ko." "Areglado, boss!" nakangiting sabi ni Gardon bago lumabas ng office ko. Ipinikit ko ang aking mga mata at sumandal sa upuan ko. Malaki ang kasalanan sa akin ni Vrex. At ito na ang tamang panahon para maningil ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD