ZHAIRA POV
ANOTHER DAY TO START MY BUSY SCHEDULE. Papunta na ako sa SamNiel's Cafe ng biglang tumawag sakin si Zhaidhenne. Ano na naman kaya ang kailangan nito.
I accept her call. “Zhaid, What do you want?”
She just chuckled and answer me. “Ate, I just remember Celina told me that kuya Calvin is on the way to SamNiel's Cafe.”
Agad akong na papreno sa Gulat. Nasapo ko ang ulo dahil sa pagka umpog ko.
“ZHAIDHENNE! HINDI BA SINABIHAN NA KITA. YANG MGA GANYANG BAGAY DAPAT SINASABI MO AGAD SAKIN!” Malakas na sigaw ko sa kaniya sa Phone. Ang aga-aga pinapainit niya ang ulo ko.
“Sorry na ate. Ang dami ko kasing ginawa kaya hindi ko naalala. Sorry na Ate please. Promise sa susunod sasabihin ko agad sayo.”
I let out a deep breath. I don't have a choice kundi ang paki samahan na lang si Calvin kung mag krus man ang landas namin.
Hindi ko naman masisi si Zhaidhenne kung hindi man niya agad na sabi. This is not her Business to begin with. Ako naman talaga ang may problema.
Hindi ko rin Pwedeng ialis na lang sa buhay ko ang mga taong nagawa akong saktan. Lalo na't close ang pamilya ko kay Calvin. Ang hirap lang ng sitwasyon ko. Gusto ko na lang maglaho ng parang bula.
I need to compose myself. Tama, hindi dapat ako magpa apekto sa kaniya in case na magkita kami. Ako na lang ang iiwas.
Kaya mo to Zhaira. Fighting!
Buo ang loob. Nakarating din ako sa SamNiel's Cafe at nag tago sa Office ko. Tama, Ganito na lang ang gagawin ko. Magtatago rito sa Office para di kami magkita ni Calvin.
After One hour. Hinilot ko ang sintido. Nandito ako ngayun sa Kitchen. Nagkakagulo na ang buong staff ko sa sobrang daming customer. Hindi ko din natiis ang magtagal sa Office dahil kailangan nila ako. Yung plano kong pag-iwas ay hindi na nangyari.
Tumulong na rin ako sa pag-luluto. Nang masigurado ko ng Okay ang lahat ay lumabas muna ako sa Kitchen. Pinagmasdan ko ang buong SamNiel's Cafe.
Naalala ko lahat ng Pinagdaanan ng Pamilya ko. Kung pano nabuo ang Cafe na dating pagmamay-ari ng parents ko. Ang sarap lang balikan lahat ng masasayang ala ala ko rito sa Cafe. Kasama ang mga taong mahal ko. Naalala ko rin na dito unang nag- confess sakin si Calvin.
It was a Bitter Sweet Memories I have with him. Gusto ko lahat balikan pero Masakit pa rin sa puso lahat kung paulit-ulit kong babalikan. Masaya na siya ngayun at Wala na rin dahilan pa para hindi ako mag- move forward. Kung siya, nagawa niyang kalimutan ako. Why not kung pati rin ako.
Hindi na ako nagulat ng may mahagip ang mga mata. It was Calvin with his new girl. Aalis na sana ako sa kinatatayuan ng biglang sumulpot sa harap ko si Eufi.
Matamis na ngiti ang pinakita nito sakin.
“Chef Zhai, Tutal nandyan ka lang at naka tayo. Bakit hindi mo na lang ibigay to sa Table Two.” Inabot niya sa akin ang tray na may lamang pagkain. Aangal pa sana ako ng nagmamadali itong umalis.
Ganito kami rito sa Cafe. Hindi dahil sa boss nila ako ay parang binabastos na nila ako. Pwede nila akong tratuhin ng ganito. Nilinaw ko na sa kanila bago sakin pinasa ni Dad ang Cafe na maging natural lang sila sakin at huwag ako bigyan ng special treatment ng dahil lang sa boss nila ako.
Kung kailangan ng tulong ko. Kung sa ikakabuti ng Cafe, lahat gagawin ko. Masaya pa nga ako na may nagagawa akong tama para sa Business naming ito. Hindi lang ako nag-b-benefit kundi rin ang mga tauhan ko rito.
Napailing na lang ako at may ngiti sa labing tinungo ang Table Two. Tyaka lang sumagi sa isip ko ang lahat ng nasa harapan na nila ako.
Ang tanga ko, Sobrang tanga ko dahil yun ang Table kung saan si Calvin at Yung Bago niya ngayun.
Nagdadalawang isip ako kung ako ba ang mags-serve sa kanila. Hayst, bahala na.
“Hi, Eto na yung orders niyo.” Sabi ko. Agad kong binaba ang hawak ko at inilapag sa table nila.
“Thank you Miss.” May ngiti sa labing pasasalamat ng Girl. Ngumiti ako pero alam kong peke lang ito.
“Please, Enjoy.” I said. Aalis na sana ako ng bigla akong hawakan ni Calvin. Agad kong winaksi ang kamay niya sakin.
“Patricia, This is Samantha Zhaira. My childhood Friend.” Pagpapakilala sakin ni Calvin. Wala akong choice kundi ang makipag-usap sa kanila. Humarap ako sa kanilang dalawa at pekeng ngumiti.
“Hi, Nice to meet you Patricia. I'm Calvin's Childhood Friend like what he said.” Sarcastic kong sabi.
“Kung may kailangan pa kayo Tawagin niyo lang isa sa mga staff ko. I'll be in my Office just in case na may need kayo sakin.” Ani ko at nag-mamadaling umalis.
Sobra ang kabang nararamdaman ko. Yung puso ko halos sumabog na sa sobrang lakas ng pitik. Bigla akong napa hawak sa pisngi ko. Hindi ko pala namamalayan na May tumulong luha sa mga mata ko.
Bakit ako nasasaktan? Anong rason para masaktan ako? dahil ba sinabi ni Calvin na i'm just his f*****g Childhood Friend. Oh dahil hindi niya inadmit na i'm his Ex-Girlfriend na hiniwalayan niya just to be with her.
Walang lakas na naupo sa Swivel Chair ko. Tumawa ako, tinatawanan ko yung sitwasyon ko ngayun hanggang sa ngumawa ako sa inis at galit. Yung Iyak ko na hindi ko alam kung bakit ko dinaramdam. Kwinekwesyon ko ang sarili kung bakit hirap na hirap ako mag-move on. Isa pa din akong talunan.
Nang mapagod ako umiyak ay Lumabas ako sa Office. Alam kong halata sa mukha ko na kagagaling ko lang sa pag-iyak. Nag-lakad ako hanggang sa may maka banggaan ako.
“Sorry Miss..” Sabi ko. Humarap sakin ang babae at hindi na ako nagulat na si Patricia iyon.
“It's Okay. It's also my Fault. Hindi ko kasi tinitignan ang makakasalubong ko. Anyways, Kanina pa kita hinahanap. Gusto sana kita makausap.” Aniya sakin.
Ano kaya ang gusto niyang sabihin sakin.
“Sige, Dun tayo sa Office ko. Hindi ka ba hahanapin ni Calvin?” Tanong ko. Umiling siya sakin.
Nauna na akong naglakad sa kaniya. Nasa likuran ko siya at sinusundan ako. Ano kaya ang pag-uusapan namin.
Nang makarating kami sa Office. Pinaupo ko siya sa Sofa. Inutusan ko naman si Timmy na dalhan kami ng miryenda.
Naupo ako sa single sofa. Huminga ako ng malalim at nag-salita.
“Ano ba ang dapat nating pag-usapan?” Seryoso kong tanong. Ngumiti siya sakin.
“Alam mo ba ang rason kung bakit kami Bumalik ni Calvin dito sa pinas?” Balik tanong naman nito sakin. Umiling ako bilang sagot.
“Actually, Matagal na kaming walang communication ni Calvin. Busy siya at ganun din ako kaya wala akong alam o kahit siya kung ano ng nangyayari sa buhay ng isa't-isa.” Natahimik ang kaharap ko. Ano kaya tumatakbo sa isip ni Patricia.
“Zhaira, Naikwento sakin ni Tita Xena na halos hindi na kayo mapaghiwalay ni Calvin nung mga bata pa kayo. Bakit ngayun parang strangers na kayo sa isa't-isa.” Curious nitong tanong. Gusto ko sanang sabihin kay patricia na siya ang dahilan ng lahat pero hindi na lang. Mas mabuti na lang na maging tahimik ako at umasta na parang walang nangyaring relasyon sa pagitan namin ni Calvin.
“Patricia, Pwede ba na sabihin mo na lang yung dahilan kung bakit kayo bumalik dito sa Pinas. Hindi yung ang daming tanong. Nonsense pa na pag-usapan pa.” Hindi ko maitago ang inis. Hindi na lang niya kasi sabihin ang dami pa niyang paligoy-ligoy.
Ngumiti si Patricia. “Actually Zhaira, Calvin and I planning to get married here in Philippines. Syempre hindi magiging masaya ang Boyfriend ko kung hindi namin makakasama ang mga taong mahal niya especially kayo mga friends and relatives ni Calvin. I want the best for Calvin kaya kung meron man kayong tampuhan kung bakit hindi na kayo nag-uusap. Please, Makipag-ayos ka na sa kaniya.”
Hindi ko mapigilan ang matawa. Parang ang dali lang ng lahat. Kung alam niya lang ang totoong rason maiintindihan ba niya. Syempre hindi.
Tumayo ako dahilan para maguluhan si Patricia.
Biglang bumukas ang Door nitong Office. Humihingal na Bumungad samin si Calvin. Agad itong Naglakad patungo kay Patricia. Hinawakan ni Calvin ang kamay niya at hinila na palabas si Patricia.
Naiwan akong mag-isa sa Office. Biglang nag-sink in sa isip ko ang mga binitawang salita ni Patricia.
Ikakasal na pala sila ni Calvin. Kaya ko ba na maging masaya para sa kanila. Kung hanggang ngayun ay nabubuhay pa din ako sa nakaraan. Nang hihina ang tuhod na naupo sa Sofa. Ginulo ko ang buhok sa fustration na nararamdaman.
Gusto kong maglabas ng sama ng loob. Magpakalasing para man lang maibsan yung sakit na nararamdaman ko. Inilabas ko ang phone sa Bag. Hindi ako makakapagconcentrate sa mga nalaman ko. Tinawagan ko ang isang taong maaasahan ko.
“Hello, Jacob. Please puntahan mo ako dito sa Cafe. I need you.” Pakiusap ko. Humihikbing pinatay ko agad ang tawag.
Sobrang sakit, parang di ko kakayanin.