Chapter Two

1552 Words
ZHAIRA POV "Hey dad. What are you doing here? Late na ah." Nabaling ang atensyon sa akin ni dad. Naabutan ko siya rito sa salas at busy sa phone. Tahimik ang buong bahay at parang wala pa ang mga kapatid ko. "I'm waiting to your mom." Aniya. "Akala ko ba magkasama kayo?" Umiling si Dad. Tumabi ako ng upo sa kanya. "Yes, magkasama nga kami kanina pero tumawag si Tita Xena mo at magkakaroon daw sila ng girls bonding. Kaya wala dito ang mommy mo. Tumawag siya kanina lang na pauwi na siya." Paliwanag ni Dad. Nakaramdam ako ng matinding pagod kaya sumandal ako kay dad. Hinilig ko ang ulo sa balikat ni dad. Naramdaman ko ang pagdampi ng mainit na labi ni dad sa gilid ng noo ko. Napangiti ako dahil kahit kailan ay hindi pinaramdam sakin ni Dad na hindi ako importante sa kaniya. Nung huli kong naramdaman na parang wala na akong halaga sa kanila ni Mommy nung nanganak si Mom kay Samuel. Nagkaroon ako ng tampo sa Parents ko. Selos at inggit kasi ang nararamdaman ko ng time na iyon. Hindi pa nagsi-sink in sa murang isip ko noon na may kahati ako sa magulang ko. Mula noon ay nangako sakin si Daddy na hindi siya magbabago sakin kahit na marami pa akong kahati sa kaniya. Bibigyan niya ako ng time at effort maramdaman ko lang na hindi ako nag-iisa at mahal na mahal niya ako. Daddy is my first love kaya sobrang thankful ko dahil nabigyan ako ng chance na magkaroon ng buong pamilya at ngayun ay puno ng pagmamahal ang pamilyang meron ako. "Dad. May tanong ako." Sabi ko ng may maisip. "What is it?" I let out a deep breath. Tumingala ako sa kaniya. "Pano ka napatawad ni mom?" I asked. I heard him chuckled. "Alam mo bang pinaglakad niya ako habang dala-dala ko ang mga orders na dapat ideliver?" He said. Napangiti ako ng maalala ang kwentong iyon mula kay mommy. Sa pagkakatanda ko, muntik na may mangyaring masama kay Dad. At mabuti na lang tinulungan siya ni Tito Chris. Dating empleyado ni Dad at Mom sa Cafe namin. "I really work hard to gain your mom's trust. Minsan nga dumating ako sa point na pinanghinaan ako ng loob dahil hindi ko alam kung mapapatawad pa ba ako ng mommy mo. Hindi nagtagal nakuha ko din ang tiwala niya." Sagot ni Dad na may malaking ngiti sa labi. "Bakit mo pala natanong anak?" Balik tanong niya sakin. "Wala dad." Simpleng sagot ko. Pinikit ko ang mga mata. Biglang nanariwa sa isip ko ang buong mukha ni Calvin. "Pumunta ka na sa room mo. Hihintayin ko pa ang mommy mo. Maaga ka pa bukas." Aniya sakin. Nagmulat na ako ng mata at Kiniss ko sa pisngi si dad. Tamang tama na dumating na din si mommy. "Anong ginagawa ng mag-ama ko dito?" Lumapit ako kay mommy at bumeso sa kanya. "Nag-usap lang kami ni dad. Anyway, akyat na ako. inaantok na po kasi ako." Muli akong yumakap sa kanila. Hinawakan ni Mom ang kamay ko dahilan para mapatigil ako sa paglakad. Puno ng pag-aalala ang makikita sa itsura ni Mommy. Mahina akong natawa. “Mommy, Don't look at me that way.” Ngumiti si Mommy at Halatang pilit. “Iha, Are you okay?” Mabilis akong tumango bilang tugon sa tanong ni Mom. “Mommy, don't worry okay. I'm fine, I assure you. I'm really fine. Tiyaka nagkita kami.” Parang nabunutan ng tinik sa dibdib si Mom ng marinig ang sagot ko. “That's good to know iha. I love you anak.” hinaplos ni mommy ang pisngi ko dahilan para mapangiti ako. Walang nagbago kay mommy. Alam niya kung malungkot ako or masaya. She's my mother afterall kaya alam niya kung ano pumapasok sa isip ko. Kapag ganito ang tanong niya sakin hindi ko alam kung tama ba na magsinungaling ako sa kaniya or magkunwari wag lang siya mag-alala sakin. Nung naghiwalay kami ni Calvin. Si Mommy ang unang naka alam. Hindi niya ako iniwan. She make sure na okay ako at wag ko lang mafeel na nag-iisa ako. Mommy take good care of me. Kaya madali sakin na ipagpatuloy ang buhay kahit may isang tao sa buhay ko ang iniwan ako. Hindi ko naramdaman ang sobrang kalungkutan. Nandiyan kasi ang pamilya ko para pasayahin ako. Lagi ko sinasaisip lahat ng payo sakin ni Mommy. Heartbreaks, part lang iyon ng love. Madaling mainlove pero mahirap din makamove on. Kaya ginawa ko ang lahat para makalimot. Kapag may family gatherings at kasama ang mga kaibigan nila mom at dad. Hindi ako sumasama. Kahit na pilitin nila ako. May isang tao lang ang laging kasama ko at iyon ay si Jacob. Iniiwasan ko na marinig ang pangalan ng taong nanakit sakin. Hindi ko matiim na maging okay sa harap ng mga taong nakakakilala samin. Kung ako ang masusunod ayoko ng magkaroon ng connection kay Calvin. Hindi naging maganda ang break-up namin kaya may part pa rin sakin na maalala lahat ng masasakit na nangyari sakin dahil nagmahal ako ng katulad ni Calvin. Mabuti na lang at merong Jacob Manzano sa buhay ko. Nagagawa akong pasayahin at lagi akong inuuna sa lahat. Kahit na feeling ko naagaw ko si Jacob kay Lei. Isa sa malapit din sakin. Yun lang ay nagagawa ko rin saktan dahil sa closeness namin ni Jacob. Hayst, pag-ibig. Bakit sobrang complicated mo. Umaalis na ako sa harap ng parents ko. Pumasok na ako sa room ko at doon ay pasalampak na nahiga sa bed ko. Ang daming pumapasok sa isip ko ngayun. Tama pa ba na magkunwari ako sa harap ni Calvin? O dapat bang siguraduhin ko na hindi na ulit mag-krus ang landas namin. Pero pano ko gagawin kung iisa lang ang mundong ginagalawan naming dalawa. Hindi ko na alam ang dapat na gawin. Gusto ko siyang iwasan pero ang hirap. Nahihirapan ako magdecide ng tamang gawin sa problema ko. Di bale na, Kapag nagkita kami ulit pipilitin ko na iwasan siya. Mahirap na at baka magselos sakin yung pinalit niya sakin. Mukhang mas better yun kaysa sakin. Kaya niya ako nagawang iwan at saktan para sa babaeng iyon. Ano pa ba ang magagawa ko. Tapos na ang lahat sa amin. Tama lang na iwasan ko si Calvin sa abot ng makakaya ko. Napatingin ako sa side table ko. Napabangon ako bigla at kinuha ang picture frame kung saan may dalawang batang naka ngiti sa isa't-isa. Flashback It was rainy day. I want to play out side pero pinagbawalan ako ng parents ko. Sobrang boring sa house to the point na gusto ko ng lumabas kahit na magalit sakin si Mommy. I decide na sundin ang nasa isip ko. Tinignan ko pa ang paligid to make sure na wala si Mommy or Dad para makalabas na ako. Nagmamadali kong binuksan ang front door. Tumingala ako kasabay ng pagbuhos ng ulan sa mukha ko. Malaki ang ngiti sa labi. Nagulat ako ng may tumawag sa pangalan ko. It was Calvin. Tumakbo ako papunta sa direksyon niya at pinagbuksan ang gate. Ngumiti siya sakin at ganun din ako sa kaniya. “Bakit ka nandito sa labas? Hindi ba magagalit si Tita Sam?” Tanong niya sakin. Agad akong sumagot. “Actually, tumakas lang ako kay Mommy. Kapag nakita niya ako dito sa labas papagalitan din ako nun’.” Sagot ko. Tumango-tango siya at hinawakan ang kamay ko. “Alam mo Zhai, masaya ako na kasama kita. Tingin ko nga para tayo sa isa't-isa eh. Parang ngayun, Kanina iniisip ko na kasama kita nag-eenjoy sa ulan. Tapos ngayun nandito ka. Tama si Daddy. I'm your destiny, I'm Fated to Love You.” Aniya ng may ngiti sa labi. At this point. Walang ibang laman ang isip ko kundi si Calvin. Lagi niya pinaramdam sakin na his the One. Sabay kaming napatingin kay Mommy na sumisigaw na. Natawa kami ni Calvin. Hinawakan niya ang kamay ko dahilan para mapatigil ang mundo ko. Ngumiti siya sakin dahilan para mablangko ang isip ko. Hinila niya ako at sabay kaming tumakbo paalis sa bahay namin. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin pero isa lang ang sigurado ako. I feel safe when i'm with him. Habang pinagmamasdan ko si Calvin. Hindi ko akalain na sa taong ito ako mahuhulog. Kapag siya ang kasama ko nawawala ang lungkot na nararamdaman ko. Pinapasaya niya ako palagi na siyang hindi ko makakalimutan kapag siya ang nasa isip ko. Masaya ako na dumating siya sa buhay ko. End of flashback “Masaya ako na dumating siya sa buhay ko.” bahagya akong natawa. Masaya nga ba ako ngayun na bumalik siya at pinapamukha ang babaeng pinalit niya sakin. Gusto ko rin iparamdam sa kaniya yung sakit pero useless din dahil kapag ginawa ko iyon. Para ko na rin sinaktan ang sarili ko. Inaamin ko na may feelings pa rin ako sa kaniya pero wala na ako magagawa dahil hindi na ako yung babaeng mahal niya. Ibinaba ko ang hawak na picture frame. Tinatawanan ko ang sarili dahil sobrang tanga ko pagdating sa pag-ibig. Isang sorry lang ay handa na ako magpatawad. This time, hindi na ako papayag na maging tanga. Hindi ako pwedeng maging weak. Dapat ay maging wise na ako this time. Hindi ako papayag na may manakit pa sakin.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD