Chapter One

1838 Words
ZHAIRA POV "Chef Zhai!" Hinihingal na lumapit sa akin si Timmy. Kinuotan ko siya ng noo. Hinihintay ko kung ano ang sasabihin niya. "Pasensya na Chef, nagkamali ng bigay ng order si eufi sa table four. Kailangan kang makausap nung costumer." Napabuntong hininga na lang ako. Sinamahan ako ni Timmy sa Table four at doon naabutan namin na humihingi ng pasensya si eufi. "Excuse me.." humarap sa akin si Eufi. Nakangiting tumingin sa akin ang customer. "I'm sorry kung nagkamali sila ng pag-serve ng order mo. Papalitan na lang namin." The Lady Smiled at me. "It's okay. Hindi ako galit. It just that, may allergy kasi ako sa food na naibigay sa akin. Kung pwede nga lang ay ako na ang kakain nito." Ang bait naman niya. I nod.. "Pasensya na talaga ha.. Sige pakihintay na lang yung order mo." Tumango ang babae at ngumiti. "Halika na." Sabi ko kay Eufi. Tumalikod na ako ng may lalaking napatigil sa harap ko. Nanlaki ang mata ko ng matitigan ang lalaki. "Chef!" Umiwas ako ng tingin at naglakad na palayo. "Teka Chef saan ka pupunta?" Tanong ni Timmy. Hindi ko siya pinansin at dumaretso sa office. Inilock ko ang pinto ng makapasok sa loob. Sumandal ako sa pinto at inilagay ang kamay sa dibdib. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Di ko akalain na makikita ko siya dito. Nakakainis! Bakit ngayun pa? Naupo ako sandali at nag-isip. Tama! si Zhaidhenne, I need to talk to her about this. Alam kong may alam siya. Kinuha ko ang phone at tinawagan si zhaid. Pero hindi ko siya makontak. Ang taong naisip kong tawagan ay si Amara Xiu. Kung nandito si Calvin malamang nandito din ang kapatid niya. Ilang ring lang ay sinagot din ni Amara. "Hi ate zhai. Bakit ka napatawag?" Masayang aniya. "Amara.. kasama mo ba si Zhaid? Kanina ko pa kasi siya tinatawagan." "Ah si zhaid ba? Kasama ko siya ate. Nandito kami sa Teahouse ni Tita Celine." Sagot niya. Hinilot ko ang sentido dahil nakaramdam ako ng pananakit. Kinuha ko ang bag at lumabas ng office. Nagmamadali akong naglakad palabas. Hindi ko mapigilang tignan ang table four kung saan nakaupo ang dalawa. Nakikita kong masaya siya sa babaeng iyon. Saglit akong napatanga. Ngayun ko lang ulit syang nakitang ngumiti o tumawa. Ang sakit makita na sa ibang babae niya iyon nagagawa at hindi sa akin. Ano ba ang nagawa ko at bakit kami nagkaganito? May mali ba ako? Paulit-ulit kong tinatanong ang sarili kung saan ba ako nagkulang para nangyari sa amin ito. Hindi ko na alam. Naguguluhan na ako sa sarili ko. Kahit anong pilit kong kalimutan na lang siya, hindi ko magawa dahil naging parte siya ng buhay ko. Naramdaman siguro ni Calvin na may nakatingin sa kanila kaya siya napatingin sa direksyon ko. Nag-iwas ako ng tingin. Umalis na ako sa SamNiel's Cafe. Sakay ng kotse ko. Tinungo ko ang daan papunta sa Teahouse ni Tita Celine. Hindi kalayuan ang Teahouse kaya nakarating din ako. Ipinark ko na ang kotse at lumabas na. Nakaabang na sa labas si Celina at Amara. Ngumiti ako sa kanilang dalawa. Nang makalapit ako sa kanila, Bumeso silang dalawa. "Let's go inside." Sabi ni Amara. Naabutan naming pritenteng nakaupo ang magaling kong kapatid. "Hey big sister!" Masayang aniya. Inirapan ko lang si Zheidhenne. Niyakap niya ako sandali at bumalik din sa inuupuan niya. Naupo na din kami nila Celina at Amara. "Bakit hindi mo sinabi sa akin na nakabalik na SIYA?" Kumunot ang noo niya. "Sinong SIYA ate?" Nakakaloko ang ngiti nito. Inirapan ko ulit si Zhaid. Parang kung umakto ang babaeng to hindi kilala ang pinupunto ko. "You mean si kuya ate?" bumaling naman ako sa katabi kong si Amara. "Remember Big Sister. I wanted to tell you yesterday but ang dami mo kasing sinasabi na kesyo mag-ex kayo kaya hindi mo na dapat alamin ang tungkol kay kuya Calvin that's why hindi ko na sinabi sayo." Aniya na nakangiti. Oo nga pala, naalala ko na. Sinabi ko nga iyon kay Zhaid. Ang hirap kasi sa kapatid kong ito. Hindi agad sinasabi ang pinakaimportante na dapat kong malaman. "Nagkita na kayo?" Kinikilig na tanong ni Amara. I let out a deep sigh. "Yes, kanina lang may kasama siya." Ang mga mata nila ay nakatuon sa akin. "Si ate patricia ang kasama niya?" Tanong ni Amara. Tumango ako. So Patricia pala ang pangalan ng ipinalit ni Calvin sa akin. Nagkaroon kami ng konting kamustahan. Lalo na si Amara dahil kakabalik lang nila galing US. Namimiss ko na si tita Xena. Ang bait-bait ng pamilya nila sa akin. Minsan nga nagugulat na lang ako na tinatawagan ako ni Tita para kamustahin. Hindi niya ako nakakalimutan. Hindi katulad ng anak niya.. Sayang lang at gusto kong maging mother-in-law si Tita Xena kung kami talaga ni Calvin ang para sa isa't-isa.. "Are you okay ate?" Zhaidhenne asked. I smiled and nod. "I need to go." Nakatingin sila sa akin ng tumayo ako. "Pero ate Zhai kakarating mo lang." Ngumiti ako kay Amara. "Next time ulit. Kailangan ko ng bumalik sa Cafe. Ako kasi ang closing." Saad ko. "Promise 'yan ate ha. Ako na ang magset ng date kung kailan tayo pwedeng magkita-kita." Tumango lang ako kay Celina. "Bye girls. Mag-enjoy lang kayo." Kumaway ako sa kanila. Nang malapit na ako sa pinto ng mapatigil ako. Para akong tinakasan ng hininga ng makaharap siya. "Calvin.." "Zhaira." He smile. Umiwas ako sa kanya at tinuloy ang pag-alis. Bigla niya ako hinawakan. "Please let me go." I said in a cold tone. "We need to talk." Humarap ako sa kanya. "Wala tayong dapat pag-usapan." Inalis ko ang kamay niya sa akin.. "Kuya!" Nabaling ang tingin ni Calvin kay Amara. Nagkaroon ako ng pagkakataon na umalis ng hindi niya napapansin. Agad akong sumakay sa kotse ko. Pinaandar ko na ang makina. Nakita ko pang sumunod sa akin si Calvin. Minaobra ko na ang sasakyan at tuluyan ng umalis. Nakahinga ako ng maluwag ng hindi ko na makita si Calvin. Bumalik ako ng Cafe. Mabuti na lang at hindi na nagpakita pa sa akin si Calvin. Inabala ko ang sarili. Nagserve din ako sa mga customer na hindi ko madalas gawin. Minsan kasi sa kitchen lang ako at sa office. "Goodbye ma'am.." kumaway sa akin si Eufi. Kakasara lang ng cafe. Sobrang napagod ako sa araw na ito. Pati ang isip ko napagod na sa kakaisip dahil kay Calvin. Wala sa sariling naglakad ako papunta sa direksyon kung saan nakapark ang kotse ko. Nagulat ako ng may humawak sa kamay ko at itinulak ako sa pinakamalapit na pader. Napaigik ako sa sakit dahil biglaan ang ginawa ng taong iyon. Nang magmulat ako ng mata, nagulat ako na si Calvin ang may hawak sa akin. "Bitawan mo ako!" Galit na sigaw ko. Ngumisi siya sa akin at sinugod ako ng halik sa labi. Nagulat ako sa ginawa niya. Ngayun lang kami ulit nagkita pero ganito na ang ginawa niya sa akin. "I'm back my love.." he said after the kiss. Wala akong masabi. Kahit na igalaw man lang ang katawan ko para itulak siya palayo hindi ko magawa. Nang marealize ko ang nangyayari. Agad kong binigyan ng malakas na sampal si Calvin. Galit na galit ako.. After what he did to me. Kung umasta itong si Calvin parang hindi niya ako sinaktan at pinaiyak. Tinitigan ako ni Calvin. Nagtatanong na tingin ang pinukol niya sa akin. "My Love? Nagpapatawa ka ba Calvin? Hindi mo ako madadala sa paganito mo. Wala na tayong relasyon at hindi ako natutuwa na kaharap kita ngayun!" Inis na sigaw ko sa kaniya. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Gusto kong maluha. Kapag inaalala ko ang nakalipas. Hindi ko mapigilan ang masaktan. "Bitawan mo siya Calvin." Napahinto sa paglapit sa akin ni Calvin ng magsalita ang bagong dating. "Huwag ka makialam!" Napalundag ako dahil sa gulat ng sumigaw si Calvin. Masama ang tingin niya kay Jacob. Naitulak ko si Calvin. Mabuti na lang at na kay Jacob ang atensyon niya. Agad akong tumakbo kay Jacob. Nakita ko ang pagkuyom ng kamao ni Calvin. Nagtago ako sa likod ni Jacob. "Please gusto ko ng umuwi." Pakiusap ko kay Jacob. Nangangatog na ako dahil sa takot. Ngayun ko lang kasi nakitang sobrang galit si Calvin. Ayokong umabot sa puntong mag-aaway pa sila sa harap ko. Hinila ko ang dulo ng suot na pang-itaas ni Jacob. "Alis na tayo. Ayokong mag-away kayo." Pakiusap ko ulit. "Ihahatid na kita." He said. Marahan akong tumango. Muli kong tinignan si Calvin. Mukhang kumalma na din siya. Hindi na siya mukhang galit. Titig na titig din siya sa akin. Nag-iwas ako ng tingin. Hinila ko na si Jacob. Ibinigay ko sa kanya ang car keys ko at umalis na kami.. Tinignan ko si Calvin sa side mirror ng kotse. Hindi nito inaalis ang tingin sa amin. Nagpakawala ako ng buntong hininga. "Are you okay? Sinaktan ka ba niya?" Tanong ni Jacob. Ngumiti ako sa kanya at umiling. "Hindi ako magagawang saktan ni Calvin. Salamat nga pala sa pagtulong sa akin." He just smiled. Biglang nagring ang phone niya. Sumulyap ako sa kanya. Saglit n'yang tinapunan ng tingin ang phone at ibinalik din sa daan ang paningin niya. "Jacob. Kanina pa nagri-ring yang cellphone mo. Baka importante sagutin mo na." "Hindi 'yan importante." Kumunot ang noo ko. Seryoso kasi siya ng sabihin niya iyon. Muling nagring ang phone niya. "Sino ba 'yan?" Tanong ko. Alam kong si Lei ang tumatawag. Gusto ko lang marinig mula sa kanya. "Si Lei.." simpleng sagot niya. "Bakit hindi mo subukan Jacob?" Tanong ko. Hininto niya ang kotse sa gilid ng kalsada. "What do you mean zhai?" He seriously asked. "We both know na mahal na mahal ka ni Lei. Bakit hindi mo subukan na mahalin siya?" Hindi siya sumagot. "Jacob.." Tawag ko sa pangalan niya. "I'm not gonna do that zhai. Alam mong ikaw lang ang mahal ko. I know na nandyan pa si calvin sa puso mo pero sana pagbigyan mo ako." Umiwas ako ng tingin. "I'm sorry jacob pero buo na ang disisyon ko. Ayokong gamitin ka para makalimutan ko si Calvin." Hindi ko alam ang tumatakbo sa isip niya. Wala akong lakas ng loob para matitigan siya. Hindi na siya nagsalita pa. Hindi ko maiwaglit sa isip ko ang pagkikita namin ni Calvin. Till now ay may epekto pa rin siya sakin. Habang nasa byahe tahimik lang kami. Ayokong bigyan ng pagkakataon si Jacob dahil masasaktan ko lang siya. Mas mabuti na yung ganito. Pagkarating namin sa House. Bumaba agad ako ng kotse. Ngumiti ako kay jacob. "Salamat sa paghatid sa akin." "Wala 'yun. Sige kita na lang tayo bukas." He smiled. Tumango ako at kumaway. May humintong sasakyan sa tapat ng House. Nakita ko si Ari sa driver seat. Kumaway ako sa kanya ng pagbuksan niya ng pinto ng kotse si Jacob. Nang mawala na sila sa paningin ko. Pumasok na ako sa loob.. Grabe sobrang napagod ako sa buong araw na ito. Hindi ko pa inaasahan na magkikita kami ni Calvin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD