Chapter Twenty Five KRISTINE NAGISING ako sa isang tawag mula sa labas ng bahay. Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko at mag-aalas cinco na pala. Agad akong bumangon at lumabas para tingnan kung sino ang nasa labas. “Tao po,” kinakalampag ng babae ang gate ko. Nagbukas ako kaagad ng pintuan at nakita ko kaagad kung sino iyon. Si Myra. “Hi,” bati niya mula doon. “Saglit lang,” tumakbo ako para kunin ang susi ng gate at nagmadaling lumabas ng bahay para pagbuksan siya. “Mabuti naman at natyempohan kita. Pero naistorbo yata kita sa tulog mo,” aniya habang nagbubukas ako ng kandado ng gate. Ikinandado pala ito ni Macky kanina. Tsk. Strict ang jowa ko. Nakita ko mula sa likuran niya ang sasakyan ng mga gamit. Katabi niya ang isang bata. “Bless ka kay tita,” utos niya dito