Chapter Twenty One

2555 Words

Chapter Twenty One MACKY MAG-AALAS nuebe na ng gabi pero wala pa rin siyang text na susunduin ko na siya. Nakaupo lang ako sa may terrace, sarado na rin ang tindahan at katatapos lang naming maghapunan. Naghihintay lang ako ng message o tawag mula sa kanya pero wala pa rin. Kaya’t ako na mismo ang nagtext sa kanya para paalalahanan siya na gabi na at kailangan na niyang umuwi. To: _Mahal Ko To Mahal, gabi na. Hindi pa kayo pinauuwi? Sent. Maya maya ay nagreply siya. From: _Mahal Ko To Mahal, sige sunduin mo na ako dito sa may Cusina Lorenza. Hindi kasi namalayan oras saka nakakahiya sa COP namin. Pero magpapaalam na ako. Pagkabasa ko nito ay nagmadali akong kunin ang susi ng owner sa loob at saka nagmadali ring lumabas para paandarin ang sasakyan. Nakalimutan kong kunin ang jack

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD