Chapter Thirty Two MACKY “KRISTINE pwede ba? Pwede ko bang marinig kung ano yung gusto mong mangyari?” pakiusap ko sa kanya. “Macky kailangan kong gawin ang trabaho ko,” “Tangina naman Krsitine. Pwede bang marinig ko mismo sayo kung ano yung gusto mo. Pwede bang huwag mo munang isipin kung ano ang gusto ng trabaho mo, at kung anong responsibilidad ang mayroon ka. Pwede ba? Gusto kong marinig yung ikaw mismo, yung laman ng puso mo. Pakiusap,” may diin ang pagkakasabi ko ng bawat salita para maunawaan niya na hindi importante kung ano ang demand ng trabaho niya dahil ang mahalaga ngayon ay ang nararamdaman niya at yung kami. “Macky,” umiling siya sa akin na tanda ng hindi niya pagpili sa akin. “Pakiusap Kristine, ano? Sabihin mo sa akin. Anong gusto mo?” “Macky please,” “Mahal