WARNING: INAPPROPRIATE WORDS *** DEINA Magdadalawang minuto na kaming nagtititigan ni Kristoffer. Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin sinasabi kung ano ang kailangan niya sa akin. "Anong balak mo, Kristoffer? Makipagtitigan sa akin?" tanong ko sa kaniya. Iritable na ako dahil bigla-bigla na lang siyang sumusulpot, pinaalis niya pa sina Sam para ibalita sa akin na dumating na si Eirine, ano naman sa akin? Bakit imbes na puntahan niya iyon, yakapin niya at ipagmayabang sa buong St. Emilion na bumalik na ang kaniyang reyna, nandito siya sa harap ko, pinuputakte ako. "Deina, may minahal ka na ba before?" tanong niya sa akin. "Huh? Anong nangyari sa iyo at naging interesado ka sa love life ko?" nagtataka kong tanong sa kaniya. Ang weird ng demonyong ito Ibinaba niya ang kaniyang ulo, par