XYRILLE "You can rest muna habang hinihintay natin and pagbabalik ni Deina. But! Don't you dare sit, okay? I know pagod tayong lahat, but don't sit kung ayaw niyong pag-warm up-in ko kayo ng isang oras," banta ko habang pinandidilatan ang lahat na member. Habang naglalakad sila papunta sa unahan kung nasaan ang cooler, lumapit sa akin sina Beatrix at Diana. "Pffft...kalma. Mahaba-haba naman itong pahinga namin, di ba? Mukhang mamaya pa darating 'yong utusan mo," wika ni Diana. "Sshhh...wag kang masyadong matuwa dyan dahil may dalawa siyang ahas sa grupo natin. Look, they're hissing straight to my face," mabagal kong tugon habang nakatingin sa gawi no'ng mga kaibigan ni Deina. She raises them well... Well demonic. "Hayaan mo na lang sila. Kung ako sa iyo, Xy, kaibiganin mo, lapitan mo