RATED 18. SENSITIVE CONTENT. EIRINE Panibagong araw na naman ang lumipas. Hanggang ngayon hindi pa rin humuhupa ang p*******t ng puson ko. Gustong-gusto ko nang bumalik sa SEA ngunit dahil dito sa pesteng nararamdaman ko'y hindi pa pwede. Sana naman makaabot ako bago maganap ang Interhigh. "Ai, kumusta ang nararamdaman mo?" tanong ni mom. "Haven't I told you to knock the door before entering?" "I'm sorry. Kakarating ko lang galing work and dumiretso kaagad ako rito para kumustahin ka. Sumasakit pa rin ba?" nag-aalala niyang tanong. Maingat niyang hinipo ang puson ko pataas sa aking tiyan. "Kumikirot pa rin. Pero sana mawala na rin ito ngayong linggo dahil next week gusto ko nang pumasok." "Wag mong madaliin ang katawan mo, anak. Kapag hindi mo pa kaya, wag na muna. Baka mabinat ka