KRISTOFFER 10:00 am "15 minutes break. Ayaw kong may mahuhuli, naiintindihan niyo ba?" wika ko bago ko sila i-dismiss panandalian. Kinuha ko ang bote ng gatorade na nakapatong sa bench sa gilid ng pinagpa-praktisan namin. Habang payapang umiinom, napansin ko na may mga pakalat-kalat na varsity player sa pasilyo. "Dude, sup? Aga mo atang magpa-break, ah?" nakangiting wika ni Ace. "Ginagawa mo rito? At ang aga-aga, nangingialam ka?" maldito kong tanong. "Wala pa kasi sina Yuri at Chase. Ewan ko kung saan na nagpunta. Akala ko nga naririto na sila, kasi noong tinawagan ko si bugok, mga mag-aalas-otso ata 'yon, sabi niya papunta na raw sila ni Master dito sa school. Tapos pagdating ko, nakakalat pa rin 'yong iba naming member dahil wala pa raw ang captain," balita nito. "Baka may dinaan