YURI Pasado ala-singko na ng hapon. Kasalukuyan naming binabagtas nina Chase at Ace ang hideout para mamahinga at para na rin kumustahin si Lei. May nakarating kasi sa aming balita habang naglilinis kanina, na may nangyari raw na kumusyon sa field. May tinanggal daw si Lei sa grupo niya at ang sabi pa, eh, magaling daw iyong nawala. "Pustahan si Mark ang tinanggal. Matagal nang gigil si Lei do'n, eh. Baka napuno-puno na siya," hula ni Ace. "Baliw! Ang sabi di ba, magaling daw 'yong tinanggal. Eh, magaling lang umupo 'yong kumag na iyon, eh. Hindi nga pinapapasok 'yon sa laro kasi panira 'yon sa line up," depensa ni Chase. Hindi ko mga kilala yong mga kasamahan ni Lei sa football kaya wala akong maiaambag sa hulaan nila kung sino ang tinanggal ni Lei sa team niya. Ang iniisip ko pa, is