KRISTOFFER "Ohhh! Nandito na rin si Yuri! Kumusta? Umoo ba si Deina?" masayang tanong ni Chase. Imbes na sumagot ito, tumingin siya sa gawi ko. Umiinom ako ng kape, tinaasan ko siya ng kilay dahil ang sama ng titig niya sa akin. "What? Rejected?" natatawa kong tanong. Hula ko lang iyon pero mukhang tumama ako. "Hindi pa kayo papasok? May recitation tayo ngayon." Pfft. Gusto kong tumawa. Masyado siyang halata. Ni hindi man lang siya nagpanggap na hindi big deal kung ni-reject siya. SIno ba naman ang babaeng iyon? Hindi siya kawalan. Mabuti na lang at engot si Deina. HIndi niya tinanggap ang confession ni Yuri kahit na mabibigyan siya nito ng proteksyon laban sa akin at sa iba pa na gusto siyang kalabanin. Well, nagpapasalamat ako na engot siya. "Anong nangyari, Master? Tinanggihan b