DEINA Pasado alas tres na ng hapon, hinihintay na lang namin sina Xyrille at ang grupo nitong pumunta sa court dahil malapit nang matapos iyong susundan nila. "Kalimutan mo muna ang nangyari kanina, Deina. Focus muna tayo sa pagche-cheer sa dalawa," sabi ni Aariyah. Sa sobrang dami at ingay ng crowd, kailangan pang ilapit ni Aariyah ang kaniyang bibig sa tenga ko para marinig ko ang sasabihin niya. "Hindi ko naman iniisip iyon, to be honest mamaya ko pa poproblemahin iyon kapag nasa bahay na ako," sabi ko kay Aariyah. Isang thumbs up ang natanggap ko sa kaniya dahil dumagundong na ang crowd, imposible nang magkarinigan kaming dalawa. "What an energetic performance! Maraming salamat, St. Louise de Marilac School! And now, i-welcome naman natin ang champion last year as they defend thei