EIRINE Nandito ako ngayon sa office ng Dean para mag-report na babalik na ako sa pag-aaral dito sa SEA. "No need nang kumpletuhin ang suspension ko dahil papasok na ako simula ngayon," sabi ko sa kaniya. Itinigil ni Sir Dante ang kaniyang ginagawa at dahan-dahang iniangat ang kaniyang ulo. "Pumayag ang mga magulang mo? Hindi ka ba mabibinat kung papasok ka na?" tanong nito sa akin. Inirapan ko ang matanda. "Ako ang papasok at hindi sila kaya wala ng kaso kung papayagan nila ako o hindi. Isa pa, hindi mo na concern kung mabibinat ako o hindi, ang atupagin mo lang ay magbilang ng perang naguhuthot ng napakalaki niyong tuition mula sa amin." Hindi ako galit sadya lang na bad trip ako ngayon. "Alright. Magbibigay pa ba ako ng announcement ng pagbabalik mo?" Natigilan ako, maganda ang id