CHAPTER 5.5

1377 Words
DEINA Naisugod na namin ni Aariyah si Miss Gord at kasalukuyan nang chine-check sa loob. "I'm sorry, Deina, pero hihingi sana ako ng pabor sa iyo. Pwedeng ikaw na lang ang maghintay sa sasabihin ng Nurse? Kailangan ko na kasing bumalik para i-report ang nangyari sa guidance," sabi ni Aariyah. Tumango lang ako dahil wala namang kaso sa akin 'yong pabor na hinihingi niya. "Salamat. Mauuna na ako, ingat ka!" Lumabas na siya ng pinto at ako na lang ang mag-isang nakaupo rito sa waiting area. Kinuha ko ang cellphone sa aking bulsa at naisipang i-text si Lau. Kukumustahin ko kung ano nang kalagayan ni Sam dahil kanina kasi sumasakit 'yong mga sugat niya. Nagpupumilit pa nga iyong pumasok kahit na may iniinda, buti na lang at nadala ng sermon. Napaka-tigas ng ulo! Susmiyo! Inabot ako ng limang minuto sa panenermon sa kanya kaya, eto ang resulta, late akong pumasok. "Deina!" napaangat ako ng ulo noong marinig ang tinig ni Aariyah. Bakit siya bumalik? May nakalimutan ba siya? Inilibot ko ang aking paningin para tingnan sa gilid kung may gamit bang nakalapag. "W-What?" taka kong tanong rito noong wala akong mahagilap na pwedeng gamit na naiwan ni Aariyah. "Ipapaalala ko lang ulit sa iyo. If magbago ang isip mo, gawin mo 'yong sinabi ko, okay?" tugon nito tapos mabilis na tumakbo palayo. Kinagat ko ang aking lower lip noong maalala 'yong sinabi sa akin ni Aariyah. Hinihikayat niya kasi ako na magsumbong about sa nangyari sa akin at kay Sam. Mariin kong tinanggihan ang alok niya dahil ayaw ko nang palakihin ang issue. At saka, kanino naman ako magsusumbong? Lahat ng nagta-trabaho sa loob ng SEA ay under ng tatay ni Kristoffer. At, isa pa. Away namin 'to ng demonyo. Walang eepal, walang makikisalimpusa sa galit namin sa isa't isa kung hindi kami lang dalawa, bonus pa kung isasama niya pa ang grupo niya. Isinantabi ko ang lahat noong makatanggap ako ng reply mula kay Lau. Kaagad kong binuksan ang message at binasa iyon. From: Lau Sam is okay now, we can pasok na mamaya for the renewal of club's membership. See yah mamaya! Lab lab you, Dayday! :* Sumilay ang mahabang ngiti sa aking labi pagkatapos na mabasa iyon. Mabuti na lang at mabuti na ang lagay ni Sam at hindi masyadong malala ang tinamo nito dahil sa insidente. Speaking of incident, mukhang kailangan kong kausapin si Leinard about sa pambibintang ko sa kanya kahapon. Wala lang, try kong humingi ng tawad, titingnan ko kung anong mangyayari. Pero kung ayaw niya't maghangad siya ng katarantaduhan, wag na. Lulunukin ko na lang 'yong sorry ko't hahayaang maglagablab ang galit niya sa akin dahil sa issue na iyon. "Ms. Kayo po 'yong isa sa nagdala kay Ms. Gord?" tanong no'ng Nurse na kakalabas lang ng pinto. Tumango ako tapos sinabi niya sa akin na maayos na ang lagay ng teacher namin. "Gano'n po ba? Sige po, salamat. Ilalapag ko lang po itong gamit niyas a loob para po paggising niya mamaya, hindi na niya hanapin," sabi ko. "Ah, opo. Pwede niyo naman na po siyang makita," wika nito and then umalis na. Tumayo na ako't kinuha 'yong bag ni ma'am. Pagkapasok ko sa pinto, nakita ko itong payapang natutulog. Pinagmasdan ko ang itsura ni Ms. Gord at habang ginagawa iyon, naalala ko ang kapatid ng Lola ko na kakamatay lang. 'Mabuti nang tumanda ng walang asawa pero may anak kesa naman sa wala. Wag kang gumaya sa akin, Deina. Ngayong matanda na ako, walang nag-aalaga sa akin at wala akong kasama dahil tinanggihan ko ang pag-ibig na kumatok sa akin noong ako'y bata pa.' Naalala kong sabi nito sa akin noong nabubuhay pa siya. Si Ms. Gord kaya? Wala rin siyang asawa't anak. Pinagsisisihan niya rin kaya na wala siyang gano'n katulad ni Lola? Ako kaya? Kapag hindi dumating 'yong pag-ibig sa akin, magiging katulad kaya nila ako? Magsisisi rin kaya ako katulad ni Lola? Matutulad kay Miss Gord na unti-unting nauubos ang oras sa mundo nang walang kasamang sariling pamilya? Hay, wag naman sana! Pero kasi, 'yong may anak ka ngunit wala kang asawa, tatatak din kasi sa mga tao iyon. Ayaw ko namang tumanda ako na ang tingin ng mga tao sa akin ay 'disgrasyada'. Tsss, Ang bata ko pa para isipin ang mga ganyan! I'm just 18! Siguro naman hindi ako kakalimutan ni Kupido, right? Oh, di naman kaya, hindi niya ako ibibigay sa tao na hindi ko gusto o kaya magdudusa lang ako. "Excuse me miss, okay na po ang kalagayan ni Ms. Gord kaya pwede ka nang bumalik sa klase mo," sabi no'ng isa pang nurse. Tumango lang ako tapos lumabas na. Tumigil ako saglit tapos imbes na sa classroom ang tungo, tinahak ko ang daan patungong canteen. Magre-recess na rin lang naman, eh, ilang minuto na lang kaya mamaya na ako babalik sa room. Sa paglapit ko, napansin kong may kumpulan ng tao sa may unahan. Base sa porma, mga brat sila, at dahil ayaw ko ng gulo, napagpasyahan kong sa field na lang dumaan at wag na sa pasilyo. Kaso, nakakailang hakbang pa lang ako, nakita ko namang papalapit sa direksyon ko ang TM4. Taranta kong pinagmasdan ang mga brat tapos balik sa grupo ni Kristoffer. Saan ako dadaan ngayon? P*ta! Kahit saan naman paniguradong mapapasabak ako sa away. Huminga ako nang malalim bago muling iginalaw ang mga paa. "Okay, you win, Kristoffer," bulong ko. Iniyuko ko ang aking ulo, mahigpit na hinawakan ang aking bag habang nananalangin na sana'y wag akong mapansin ni Kristoffer. Sa hindi maipaliwanag na kadahilanan, habang papalapait nang papalapit ako sa kanila, lumalakas ang t***k ng aking puso. Hindi naman ako natatakot, kaya bakit? "Alam niyo nagugutom ako," rinig kong wika ni Leinard. Kumunot ang noo ko dahil nagsalita siya noong nasa tapat na nila ako. Imbes na i-entertain kung sinadya niyang magsalita noong nakalapit na ako sa kanila o hindi, mas pinili ko na lang na maglakad nang mabilis para malagpasan na sila kaagad. Pagkalagpas na pagkalagpas ko doon sa apat, may naramdaman akong tumama sa aking ulo. Dahan-dahan kong iniangat ang aking ulo at pinagmasdana ng mataas na building kung saan nanggagaling ang--- 'Flour?' "Bobo! Mali yung target mo!" rinig kong sigaw ng isang studyante na nakadungaw mula sa building. Inilibot ko ang mga mata ko dahil napansin kong dumami ata ang tao sa paligid. Pinalibutan nila ako, may mga dala silang plastic. At sa pagtunog ng bell, isa na namang bangungot ang dumapo sa akin. "IT'S RECESS TIME!!!" sabay-sabay nilang hiyaw. Kasabay ng kanilang halakhak ang pagtama nang maraming itlog sa aking katawan. Hindi lang iyon dahil sumunod naman ang harina. Sa sobrang dami nilang bumabato saakin, unti-unting bumigat ang katawan ko. Feeling ko pati ata tenga at ilong ko napasukan na ng harina. Pilit ko mang ipikit ang aking mga mata at iyuko ang aking ulo, talagang lumalapit ang ilan para lang masigurong magdudusa ako. Sinubukan kong humakbang palayo kahit mahirap. Kahit paunti-unti... Wag lang babagsak ang mga tuhod ko dah-- Sunod-sunod na mura ang pinakawalan ko sa loob-loob ko dahil naramdam ko ang likidong umaagos sa aking katawan. Gatas... Hinawi ko ang harina saaking mga mata at nagbabalak na tumakbo. Hindi ko napansin na may bato na pala sa aking unahan kaya, hindi pa man nagsisimula ang balak kong tumakas, sumubsob na ang ulo ko sa lupa. "Wooooohhhh!!!" masaya nilang hiyawan. Pagtingin ko sa gilid, kita kong nagsitakbuhan sila patungo saakin at sinunggaban ako. May mga dala silang maliliit na can milk tapos walang pakundangan na ibinuhos iyon saakin. Nagpumiglas ako, sinubukan kong pantayan ang lakas nila ngunit dahil sa nakakadiring pakiramdam, isama pa na marami silang pumipigil sa akin, wala akong magawa. Ilang segundo lang at naramdaman kong wala na akong masagap na hangin. Barado na ng harina ang butas ng aking ilong. SInubukan kong ibuka ang aking bunganga, ngunit ginamit lang nilang opportunity iyon para pasukan ng harina't gatas. Ang bigat na ng katawan ko, idagdag mo pa na nakatihaya ako sa lupa habang pinagkakaisahan. Habang patuloy na nagpupumiglas, unti-unting dumidilim ang paligid. Wala nang pumapasok na hangin sa aking katawan. Bago pa man tuluyang kunin ng kawala ang aking ulirat, isinusumpa kong gagantihan ko si Kristoffer Leinard kapag nakaligtas ako't nagising mula sa bangungot na ito. Ipinapangako ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD