ANG tama ng bala sa kanyang tagiliran ay agad na tuyo. Ngunit ang hindi mawala sa isipan at ipinagtataka. Bakit parang manhid siya sa sakit. Iyong araw na lumabas siya ng ospital dapat iindahin niya ang pagkirot ng sugat. Kahit pa sa tagiliran lamang siya tinamaan ng bala. Dapat ay hindi siya basta makakakilos pero parang wala lang kanya ang nangyari. O baka naman ay sadyang matiisin lamang siya sa mga sakit? “Senorita Elizabeth, ready na ang sasakyan.” “Okay, susunod na ako.” at mabilis ang kilos na dinampot ang kanyang cellphone at wallet. Sakay siya ng bullet proof car, ang driver ay ang isa sa limang babae na si Nikki. At sa tabi nito ay isa pang babae na si Blaire, sa likurang sasakyan ay ang tatlo pa. Ngayon ay patungo sila sa dati niyang bahay. Ngunit walang alam ang kanyang asaw