ILANG araw na ang nakalipas magmula ng tuluyan niyang isuko ang katawan kay Lorenzo. At ngayon ay napag-alaman niyang wala ito sa mansion. Meron naman iniwan na note pero naiinis siya kung bakit hindi magawang mag paalam sa kanya ng maayos. Akmang tatawagin niya si Luningning nang tumunog ang message alert. Pagbukas niya ay isang link ang natanggap. Binuksan niya iyon at s*x video na naman ni Lorenzo ang naroon. Sa sobrang inis ay pinindot ang delete. Saka sinara ang cellphone at isinilid sa bulsa. Nagtungo na lamang siya sa likuran ng mansion. At sa sobrang inis ay naglakas loob magsanay mag-isa sa paghawak ng baril. “Stop!” sa pagka bigla ay na paharap siya sa taong sumigaw sabay kalabit sa gatilyo. At agad rin nabitawan niya ang hawak na baril ng makitang napaluhod si Mr. Calem sa da