EPISODE- 15

2220 Words

MAGKASAMA sila ng kaibigan si Dana at minsan lang itong magyaya kaya hindi niya magawang tanggihan. Isa pa ay tama lang siguro na lumabas labas na siya ngayon. At may kailangan din siyang pabor dito kaya dapat niya itong makausap. Kung noon ay malaki ang takot niya kay Lorenzo. Ngayon ay hindi na, dahil sa lalaking ito ay tuluyan na siyang naging ulilang lubos. “Pasensya na, Eli-- hindi man lang kita nadamayan sa mga nangyari.” wika ng kaibigan matapos niyang maikwento ang nangyari sa kanyang ama at ina. Ganun din ang biglaan niyang pagpapakasal. “Ano ka ba bakit ka humihingi ng pasensya. Samantalang wala ka naman kasalanan sa lahat ng hirap at sakit na pinagdaanan ko. Nagpapasalamat lang ako dahil pinalaki ako ni Mama na may takot sa Diyos. Kundi baka isa na rin akong kriminal ngayon.”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD