LORENZO POV. ISANG buwan na ang nakalipas ngunit hanggang sa mga oras na iyon ay wala pa rin balita kay Mrs. Elizabeth Laurente Terran. Ayon sa bodyguard nito na si Ms. Lazah Baramida. Nagpaalam lang daw ang amo upang magtungo sa ladies room. Subalit hindi na nila ito muling nakita pa. Ayon naman sa imbestigasyon ay walang ibang exit sa loob ng ladies room. Maliban sa nakabukas na kisame at posibleng doon dumaan. At hindi makakaakyat mag-isa si Mrs. Elizabeth Terran kung nag-iisa lamang ito. Kaya nakakasiguro ang mga autoridad na may taong humila dito upang madala sa taas ng kisame. “Kapag hindi ninyo nahanap ang aking asawa ay mananagot kayong lahat. Lalo na kayong mga bodyguard niya kung bakit nalusutan kayo ng kalaban!” “M-Master Lorenzo, may dapat kang malaman. Bago nangyari ang p