TIIM bagang siya habang nakatitig sa mukha ni Larissa at Lucrecia. At kahit gusto na niyang gilitan ng leeg ang dalawang ito ay kailangan niyang magpigil sa sarili. Hindi ito ang tamang oras upang pairalin ang kanyang maikling pasensya. Sapagkat kung totoong hawak ng mga ito ang asawa ay dapat siyang maging maingat. Sa pananalita, kilos at pagtrato sa dalawang ito. Kaligtasan ng mag-ina ang nakasalalay kapag pinairal niya ang galit. Kaya dapat maging matalino siya at sakyan ang laro ng dalawang pekeng kapatid. "Hindi ko yata nakikitang pumunta dito sa opisina mo iyong asawa, Lorenzo?" "Naroon siya aming pribadong mansion kasama ang kanyang mga tauhan." "Oh, talaga?" "Oo, dahil kailangan niya ang tahimik na kapaligiran. Mahirap na makipagsapalaran sa gulo ng buhay dito ang aming magin