bc

Mikrodunia

book_age16+
200
FOLLOW
1K
READ
dark
student
drama
no-couple
mystery
brilliant
genius
another world
friendship
stubborn
like
intro-logo
Blurb

Mikrodunia, a microscopic world that only microorganisms can enter. The size of it is exactly like the size of a single atom and it is impossible for a human being to fit there. But the institution prepared a microbiological process that can be used to convert humans into a microorganism and can make them fit in the microscopic world.

Omicron James Rivera is unexpectedly send to a mission to stop the Mikrodunia from exploding. Because if this event will not be prevented, the macroscopic world will also be destroyed.

chap-preview
Free preview
Part I: Prologo
December 31, 2021 Masayang ipinagdiriwang ngayon ng buong mundo ang bagong taon dahil kasabay ng bagong taon ay ipinagdiriwang din nila ang tuluyang pagkawala ng pandemyang namantala sa bawat buhay ng tao ng halos dalawang taon. Maging ang pamilya Rivera ay hindi magkamayaw ngayon sa saya na maipagdidiriwang na nila sa wakas ang bagong taon nang hindi na inaalala ang panganib na dala Windu Virus. "Mabuti at natapos na rin ang pandemya," nakangiting saad ngayon ni Jose na siyang ama nila Omicron at Chi. “At nagpapasalamat ako sa Diyos na nalagpasan natin ito nang walang nangyaring masama sa inyo mga anak.” Ngayon ngay nasa kusina silang apat habang abala silang lahat sa kani-kanilang gawain bilang paghahanda sa makakain nila sa oras na sumapit ang bagong taon. "Tama mahal,” Pagsang-ayon ni Maricel na siyang ina naman nga nila Omicron at Chi na siyang abala ngayon sa pagluluto ng sauce ng spaghetti. “Ang buong akala ko ay hindi na natin maipagdidiriwang ang bagong taon ng normal. Ngunit kita niyo naman mga anak na may pagasa sa kabila ng lahat-lahat basta magtiwala lamang tayo sa Diyos.” At ngayon ngay kapwa ngang itinigil ng dalawang magkapatid ang kanilang ginagawang paghahalo ng juice na maiinom nila at pareho nga silang napangiti at napatango ngayon sa isa’t isa at kapwa niyakap ang kanilang ina na siyang nakatalikod ngayon. "At proud na proud po kami sa inyo pa at ma dahil kayo po ay isa sa mga frontliners na lumaban sa pandemya," sambit ni Omicron na ngayon ngay lumapit na rin nga ang kanilang ama at nakisama na rin sa yakapang nangyayari sa kaniyang mga mag-ina. "Kaya kayo mga anak...kahit anong mangyari sana ay piliin niyong palagi na makatulong sa inyong mga kapwa tao," paalala ni Maricel sa kaniyang mga anak na ngayon ngay kumawala na sa pagkakayakap at hinarap na nga ang mga ito. "Kung kaya niyong tumulong ay tumulong kayo," Patuloy naman ni Jose na ngayon ay hindi maiwasang mapangiti dahil sa sayang nararamdaman niya ngayon. “Lagi niyong tatandaan na kapag tumulong ka sa kapwa ay dapat wala kang inaantay na kapalit.” At dahilan nga ang mga paalala ng mag-asawa para mapakamot nga ngayon si Omicron ng kaniyang ulo. “Eh, lagi niyo naman na pong pinapaalala ‘yan ma at pa eh. Kaya i-expect niyo na po na hinding-hindi na po talaga namin makakalimutan ni Chi ang mga ito.” At ngayon ngay nagkatinginan ang mag-asawa na pareho ngang nakangiti at sabay ngayong ginulo ang buhok ng kanilang panganay. “Eh, paano kung wala na kami ng papa niyo ha? Maaalala niyo pa ba ito?” pabirong tanong ngayon ni Maricel sa kaniyang anak habang si Jose naman na ngay binuhat na ang kanilang anak na babae na si Chi. “Syempre naman po ma, ako pa ba?” sagot ni Omicron na siyang dahilan upang mapangiting muli ang mag-asawa sa kakulitan ni Omicron. At dahilan din nga ito para hindi na nga mapigilan ngayon ni Maricel na pisilin ang magkabilaang pisngi ni Omicron. “Sige anak, sabihin na nating hindi mo na ito makakalimutan.” "Oh siya, mabuti pa at lumabas na tayo nang hindi tayo mahuli sa pa-fireworks ni Mayor," yaya ngayon ni Jose na siya ngang dahilan para halos abot langit na mapangiti ngayon ang dalawang bata nang marinig ang salitang fireworks na siya nga nilang paboritong pinapanuod sa tuwing sasapit ang bagong taon. At habang palabas na nga ang mag-anak na Rivera ay napatigil si Jose na ngayon ngay narinig na may tumatawag sa kaniyang selpon. Dahilan ito upang ibigay nga niya si Chi kay Maricel habang hawak-hawak na nga ang selpon sa kabilang kamay niya na siyang dahilan upang maintindihan naman nga agad ni Maricel na may tawag na sasagutin ang kaniyang asawa. Ngayon ngay agarang lumakad paloob si Jose sa loob ng kanilang bahay upang malayo nga sa ingay sa labas at masagot ng maayos ang tawag. “Oh, Doktor Hernandez, napatawag ka?” tanong nga ni Jose sa kabilang linya na ngayon ay hindi pa rin maalis ang ngiti sa kaniyang labi dahil sa saying nararamdaman niya ngunit makalipas ang ilang sandali ay napakunot ito ng noo nang mapansin ang mabibigat na bugtong hininga mula sa kabilang linya. Dahilan ito upang unti-unting mapawi ang ngiti niya at makaramdam ng kaba. "5!" “S--- sebastian? Ayos ka lang ba?” sunod-sunod ngang tanong ni Jose sa kabilang linya na ngayon ngay mas hinigpitan ang hawak sa selpon na hawak nito at ibinaling nga ang tingin ngayon sa kaniyang mga mag-ina na kasalukuyang nasa balcony ng bahay. "4!" "3!" “Jose, nag-umpisa na sila” –sagot ng kabilang linya na siyang dahilan para nga maistatwa ngayon si Jose sa kaniyang kinatatayuan at mabitawan ng tuluyan ang kaniyang hawak na selpon dahil sa gulat—“itinuloy nila ang plano Jose.” "2!" "1!" "HAPPY NE-" At halos hindi nga magkamayaw sa kakasigaw ngayon ang lahat-lahat ng mga tao nang biglang sumabog ng malakas ang gitna ng kalsada na siyang kinahaharapan nila Mercedes at ng kaniyang mga anak na dahilan para tumilapon ang mga tao at maging sila ay hindi rin nakaligtas sa pagsabog na nanggagaling sa ilalim ng lupa. At nasundan pa ito ng sunod-sunod na pagsabog na dahilan para magsigawan ang lahat dahil sa takot at gulat. January 1, 2022 Ilang pagputok ang maririnig at ilang pag-iyak rin ang umaalingawngaw ngayon sa buong kapaligiran nang dahil sa sunod-sunod na lakas ng mga pagsabog na nagmumula sa kaila-ilaliman ng lupa. “K---kuya,” tawag ngayon ni Chi na kasalukuyang nagdurugo ang iba’t ibang parte ng katawan dahil sa pagsabog. Maging si Omicron ay punong-puno na rin ng sarili niyang dugo at dugo na nagmula sa ibang tao. Agad ngang napayakap ng sobrang higpit si Omicron sa kaniyang kapatid at kapwa nila ngayon hindi maiwasang maluha dahil sa mga pangyayaring nasaksihan nila. At dahil na rin sa pagkawala ng kanilang mga magulang na tanging si Omicron pa lamang ang nakakaalam. “Kuya, si mama at papa?” nauutal na tanong ni Chi na dahilan para mapabuntong ng hininga si Omicron at hindi mawari kung papaano niya sasabihin sa kaniyang nakakabatang kapatid ang nangyari sa kanilang mga magulang. “C---chi,” panimula ni Omicron na siya ngang hinawakan ngayon ang magkabilaang pisngi ng kaniyang kapatid. “W---wala na si papa at mama.” At sa sandaling banggitin nga ni Omicron ang mga katagang yaon ay hindi na nga nito napigilan ang sariling umiyak na dahilan din para unti-unting bumuhos ang mga luha mula sa mata ni Chi na ngayon ay hindi makapaniwala at tuloy-tuloy na sa pag-iyak. “Chi, tahan na. Hindi ba hindi gusto nila papa at mama na umiiyak tayo?” tigil nga ni Omicron sa kaniyang kapatid na siyang pinunasan na nga ang sariling luha nito at pinilit ang sarili na huwag nang maiyak pang muli. At ngayon ay niyakap nga niyang muli ang kaniyang kapatid. “Tahan na Chi.” _________________________ Gulong-gulo na ang paligid at narito ngayon sila Omicron sa isang parte ng bayan na hindi pa sumasabog. Kumpulan ang mga tao ngayon dito at ang iba pa nga sa kanila ay nagkakagulo na. Disperadang mabuhay ang karamihan sa kanila kaya naman may mga nagtutulakan na sa paligid nila Omicron para lang makaligtas at mabigyan ng lugar ang kanilang sarili. Dahil habang tumatagal ngay sumasabog din paunti-onti ang bawat gilid ng lupang kintatayuan ngayon ng mga survivors. Siksikan sila ngayon at kasalukuyang nasa gitna ang magkapatid at yakap-yakap ang isa’t isa para hindi nga sila magkahiwalay na siyang maaaring mangyari dahil sa pagtutulakan ngayon ng mga tao. “Ano pare? Alisin na rin ba natin itong dalawang batang ito?” At mas hinigpitan pa nga ngayon ni Omicron ang yakap niya kay Chi nang marinig ang usapan ng dalawang lalaki sa harap nila na ngayon ngay kapwa nakatitig sa dalawang bata. Tulad nga ni Omicron at Chi ay duguan na rin sila at halos itim na ang pagmumukha ng isa dahil na rin sa usok at abo na iniiwan ng bawat pagsabog. “Sige na” –saad ng isa tinanguan nga ang kaniyang kasama—“kunin mo na sila.” Dahilan para mapaatras ngayon si Omicron habang yakap-yakap ng mahigpit si Chi nang mapansin ang paglapit ng dalawang lalaki sa kanila. “H---huwag niyo pong susubukan na lumapit sa amin,” nauutal ngang saad ngayon ni Omicron na ngayon ay nanginginig na nga dahil sa kaba at takot sa maaaring gawin sa kanila ng dalawang lalaki. “Kailangang isa lang ang matira sa inyong dalawa iho,” saad ng lalaki na ngayon ngay hawak na ang braso ni Python at ang kasama niya ngay hawak na ngayon si Chi. Dahilan para pilit ngang kumawala ang dalawang bata ngunit mas hinigpitan pa ng dalawang lalaki ang pagkakahawak sa kanila dahilan para hindi na sila makawala rito. “Bitawan niyo po kami!” At sunod-sunod ngang sumigaw ngayon sina Omicron at Chi dahil pilit silang pinaglalayo ngayon ng dalawang lalaki. At maging si Chi ay nagsisisigaw na ngayon at pilit kumakawala sa pagkakahawak ng lalaki. Ngunit kahit pa nga rinig ng ibang tao ang sigaw ng dalawang bata ay wala ni isa sa kanila ang nag-abalang tulungan ito dahil abala nga ang mga taong ito sa kani-kanilang kaligtasan. “Bitawan niyo po kami please!” “Bitawan niyo po si Chi!” Ulit-ulit na sigaw ng magkapatid ngunit sa huli ngay napaghiwalay rin sila at ngayon ngay buhat-buhat na sila ng dalawa. “Isa lang ang matitira. At ‘yon ay ang babae,” saad ng lalaking may buhat ngayon kay Omicron na ngayon ngay nagmadaling naglakad palayo kila Chi dahilan upang magpumilit na kumawala si Omicron ngunit wala itong naging laban sa lakas ng lalaking may hawak sa kaniya. Papunta na nga sila ngayon sa pinaka-gilid ng safe zone. At sa labas nito makikita at maririnig ang sunod-sunod na pagsabog ng iba’t ibang parte ng lupa. “A---ano pong gagawin niyo sa akin? Bitawan niyo po ako! Please po, bitawan niyo po ako!” Sunod-sunod na sigaw ni Omicron na ngayon ngay nagpupumiglas na sa pagkakabuhat sa kaniya ng lalaki ngunit dahil sa lakas nito ay hindi nga kayang makatakas ni Omicron. “Pasensya na iho ngunit kailangang mabawasan ang lugar na ito,” huling saad ng lalaki bago pa man nga niya tuluyang bitawan si Omicron sa labas ng safe zone na dahilan para sumigaw ng pagkalakas-lakas si Omicron rinig ngayon ng mga tao na kalaunan ay nasundan ng napakalakas na pagsabog ng lupang pinagkahulugan ni Omicron.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
92.7K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.4K
bc

Yakuza's Contract Wife [ SPG ]

read
170.1K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
127.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.4K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.3K
bc

The Billionaire's Hot Maid

read
19.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook