Part I: Kabanata 1

2371 Words
August 28, 2029 Omicron "And that was December 31, 2021 when continuous massive explosion started to happen. At maging ngayon ay nararanasan pa rin natin ito araw-araw. Kaya namin kayo hindi pinapayagang lumabas dahil dito," saad ni Professor Mando na siyang tumatayong lider ng cluster 5 na kinabibilangan naming. At ngayon ay pinundot na nga niya ang button na siyang nag-alis sa pader na nakatakip sa glass na pader na siyang nagproprotekta ngayon ng lugar na kinalalagyan naming. Nang dahil sa pagsabog ay nahati-hati ang buong Pilipinas sa benteng Clusters o ang limang parte ng Pilipinas na naisalba mula sa pagsabog. At ang mga Cluster din na ito ay may mga kaniya-kaniyang functions. Cluster 1- Medical Manufacturing (Ang siyang gumagawa ng mga kakailanganing gamot o ano mang kasangkapang pang-medikal) Cluster 2- Food Manufacturing (Narito ang kaisa-isang farm at bukirin ng bansa at dito rin ginagawa ang iba’t ibang Genetically modified organisms (GMOs) processed food or any Synthetic Foods.) Cluster 3- Manufacturing Technology (Sila ang gumagawa ng bawat teknolohiyang gagamitin sa pagpapalawak ng inobasyon sa gitna ng apocalypse.) Cluster 4- The Militars (Dito nga pinagsama-sama ang mga natirang sundalo at sila ang siyang nagsisilbing proteksyon ng bansa mula sa ano mang threat galing sa mga natira pang bansa.) Cluster 5- Engineers (Sila ang siyang nagtatayo ng mga istraktura sa bawat cluster at maski nga sa Mendeleev.) Pagbukas nito ay kitang-kita namin ngayon ang sunod-sunod na pagsabog sa labas. Dahilan para mapaiwas ako ng tingin dahil sa tuwing nakikita ko ito ay bumabalik sa ala-ala ko kung paano pinatay ng pagsabog na ito ang mga magulang ko. At kung paano nila mas piniling iligtas ang ibang tao kaysa sa sarili nila. Walang araw na tumigil ang pagsabog. At halos walong taon na ang nakakalipas pero hindi pa rin ito nasosolusyunan. Kahit pa na ilang matataas na organisasyon ng bansa ang nagsama para magawang solusyunan ito ay magpahanggang ngayon ay hindi pa rin nila nagawang solusyunan ito. Marami na ring buhay ang nawala at kaonti nalang kaming natitira rito sa Pilipinas. At hindi ko nga alam kung may araw pa bang darating na matitigil ito o sadyang kapalaran na talaga naming lahat ang mamatay sa gitna ng pagsabog. "I hope you're all aware na nasa gitna tayo ng apocalypse. And we're the remaining survivors of this apocalypse. Kaya lang naman tayo buhay hanggang ngayon ay dahil dito." Patuloy ni Professor Mando sabay labas ng isang piece ng Prince Rupert's Drops. Isang uri ng glass na siyang nagproprotekta sa amin ngayon mula sa pagsabog na nangyayari sa labas. "At kayong lahat ngayon na narito ang inaasahan namin na magliligtas sa mundo. Kaya ko kayo pinatawag lahat dito ay dahil nais ng Director na magbigay ng mensahe sa inyo." At sa pagkakasabing-pagkakasabi nga ni Professor non ay sabay rin nga niyang pindot ang hawak niyang phone na dahilan para lumabas mula rito ang hologram ng Director. "Hello students, I know that you are already aware sa mga nangyayari sa paligid niyo at alam ko rin na willing kayong lahat na tumulong upang masolusyunan natin ito at tuluyan nang bumalik sa normal ang lahat. Kaya naman, we're opening a slots for those special students na gustong makapasok Mendeleev Academia. We are going to train you there, to be a young scientists. Mga young scientists na siyang magliligtas sa future ng mundo. We need you. Our world need you." Dahilan nga ang mensahe ng Director para magbulungan ang lahat-lahat na karamihan nga sa kanila ay natutuwa at naeexcite sa bagong announcement. Halos lahat kasi kami rito ay nangangarap na makapunta sa paaralan na 'yon na siyang paraan upang maidala rin nga kami sa itaas o sa Mendeleev kung saan naroon ang institusyon. Institusyon- ang siyang tumatayong pinakabatas o gobyerno sa buong Pilipinas. Ito ay binubuo ng Director, mga General, at ng mga Doktor. "Kuya, did you hear that? Pwede na tayong makapasok sa Mendeleev. At makakapag-aral na talaga tayo ng normal," tuwang-tuwang saad ni Chi na dahilan para mapatango at mapangiti ako. Mendeleev- the floating city kung saan naroon lahat ng myembro ng Institusyon kasama ang mga estudyante ng Mendeleev Academia na karamihan sa mga ito ay anak ng myembro ng Institution. Rinig kasi namin na normal daw ang pamumuhay sa itaas at mas itratrato ka nila bilang tao roon. Hindi tulad dito sa baba na bata man o matanda ay pagtratrabahuin ka nila hanggang kahit pa na minsan ay may sakit ka na hindi makabangon sa pagkakahiga. At halos isang oras lang din ang ibinibigay nila sa aming mga kabataan para makapag-aral. Hindi tulad doon na may specific school para turuan kayo ng mas malalalim na bagay. "At makakakain na rin tayo ng masarap na pagkain kuya," patuloy ni Chi. Dito kasi ay halos hindi na naming nararanasang makakain ng karne at swerte mo nan gang makakain ka isang beses sa isang araw. Dahil nagkakaubusan na nga ang pagkain at wala na halos makuhanan bunga ng mga pagsabog na sumira sa mga taniman at pumatay sa ibang hayop. "Pero huwag muna kayong magsaya," tigil ni Professor sa aming lahat dahil halos lahat kami rito ay nag-iingay na. "Hindi lahat kayo makakapunta bagkus ay pipiliin lamang namin ang mga estudyanteng pupunta sa itaas. Kaya huwag kayong maingay at magsaya dahil baka mapaasa lamang kayo," sarkastikong saad nito na dahilan para matamik ang lahat. At napasinghap na lamang nga ako at agaran kong itinaas ang kamay ko para magtanong. "Ano 'yon Omicron?". "Professor, itatanong ko lang po sana kung paano niyo pipiliin ang mga pupunta sa Mendeleev? " sarkastikong tanong ko rito sabay taas ng dalawa kong kilay. “Huwag niyo pong sabihin na panay kamag-anak niyo na naman po ang ipapadala niyo roon?” At ngayon ngay sinabayan ko pa nga ito ng isang sarkastikong tawa na dahilan para magsigawan ngayon ang mga tao at mataranta nga si Professor na ngayon ay sobrang sama na ng tingin sa akin. “Kuya, anong ginagawa mo?” tanong ngayon ni Chi ngunit nginitian ko lamang nga ito at muli’t muli kong ibinaling ang tingin ko sa Professor. "Tahimik!” “Tumahimik kayong lahat!” At dahilan nga ang pagsigaw ng Professor para matahimik ang lahat ngunit ako ay nanatili pa ring nakatayo at diretso ang tingin sa kaniya. “Anong pinagsasasabi mo Omicron? Saan mo na naman napulot 'yang mga paninira mo!? Bastos ka talaga!" Sunod-sunod na sigaw nito na mukhang na-trigger ko ata ang ego niya para lapitan na niya ako ngayon. "Napansin ko lang naman po na noong nakaraang buwan na nagpadala ang bayan natin sa taas para sa mga oportunidad na tumira doon ay panay na naman po kamag-anak niyo o kakilala niyo ang ipinadala niyo," sagot ko na dahilan para magsigawan muli ang lahat. "Oo nga professor!" "Hindi naman po ata tama 'yon!" "Baka mamaya ay anak mo na naman ipadala mo!" Sunod-sunod na sigawan nila na dahilan para mag-alab siya ngayon sa galit na siya ko rin namang sarkastikong nginitian dahil sa talim ng tingin niya sa akin ngayon . "Tumahimik kayo!" Sigaw nito pero wala nang nakikinig sa kaniya at panay na ang bulungan at sigawan ng lahat. "Kunin niyo ang batang 'yan! Kunin niyo ang bwesit na batang 'yan!" Utos niya sa mga gwadiya na dahilan para agad akong tumalon papunta sa daraanan palabas ng hall na pinagme-meetingan naming ngayon. "Kuya, phone mo!" Pahabol na sigaw ni Chi na ibinato sa akin ang phone na na-catch ko rin naman agad at mabilisan na nga akong nakihalo sa kumpulan ng mga tao para hindi mahanap ng mga naghahabol sa akin. "Tabi!" Sigaw ko sa mga nakakasalubong ko at mabilisan na nga akong tumakbo palabras. _________________________ Agaran naman akong nakalabas, at ngayon ay nagtatago ako sa isang abandunadong kwarto malapit sa venue kanina para hindi makita ng mga humahabol sa akin. “Ang akala mo siguro Professor ay mahuhuli mo ako ng ganoong kadali pwes nagkakamali ka---“ “S---sino ka?” At ngayon ngay nang unti-unti kong ibaling ang tingin ko sa aking likuran ay tumambad nga sa akin ang isang babae na ngayon ay nakataas ang kilay at inaantay nga ang isasagot ko. "At paano ka nakapasok dito?" nagtatakang tanong nong babae na dahilan para mataranta ako at ngitian siya ng pagkaawkward-awkward. Kanino bang kwarto ang napasukan ko? Eh, ang pagkakatanda ko ay walang nakatira sa kwartong ito. "I---I’m sorry pero sino ka? I mean ngayon lang kita nakita dito ha?" sunod-sunod ngang baling kong tanong ditto. “Ako ang unang nagtanong sa’yo niyan na in fact hindi mo pa sinasagot.” “I---I’m sorry? Pero wait, aalis din lang naman ako rito eh kaya don’t worry,” sagot ko nga rito sabay open onti nong pintuan upang silipin kong nakalayo na ang mga humahabol sa akin. "Excuse me? Hindi pwedeng basta-basta ka nalang pumapasok sa kwarto ng iba. Ganito na ba kabastos ang mga taga-baba?" sunod-sunod ngang tanong nito na dahilan para matigilan ako at ibaling ang tingin sa kaniya. Sino ba 'tong babaeng ito? Daig pa ang taga-Mendeleev kung mang-judge. At napahinga na lamang nga ako ng malalim at nagpasyang sagutin siya. "Aalis nga rin lang ako, ang kulit mo naman. Ito na nga oh, aalis na." At nang akmang bubuksan ko na sana nang tuluyan 'yong pinto para lumabas ay bago ko pa man mabuksan ito at tumambad sa harap ko ang isang matandang lalaki. "Sino ka? Helena, sino ang lalaking ito?" _______________________ "Kuya, ano ka ba naman?! Sa dinami-rami ng kwartong pwede mong pasukan, kwarto pa talaga ng isang Heneral?" sunod-sunod na sermon ngayon ni Chi na dahilan para mapaiwas ako ng tingin sa kaniya. "Eh, diba kasi abandunado iyong kwartong 'yon? Hindi ko naman inexpect na may nakatira na pala roon" sagot ko nga rito. Nandito kami ngayon sa may kwarto namin na maituturing na bahay namin. Lahat kasi kami rito ay nakatira lang sa isang malawak o malaking building na gawa sa glass na nagproprotekta sa amin mula sa pagsabog. At ang bawat magkakapamilya ay nakatira lang sa iisang kwarto. "Hoy kuya kinakausap kita!" sigaw ni Chi na dahilan para magulat ako. "Paano na 'yan kuya? Banned na tayo sa pagpipilian ng mga pupunta sa Mendeleev," "Eh, banned naman na talaga tayong lahat eh. Pustahan tayo, mga kamag-anak din lang ni Mayor ang ipapadala" sagot ko sa kaniya na dahilan para samaan niya ako ng tingin. "Hindi nga kuya eh. Kasi hindi naman si Professor ang pipili ng mga pupunta!" "Eh, sino?" nagtatakang tanong ko rito na dahilan para mapahinga siya ng malalim bago pa man sagutin ang tanong ko. "Ang pinasukan mo ng kwarto ang siyang mamimili kuya," sagot niya na dahilan para manlaki ang mata ko sa gulat. “Si General Garcia at ang anak nitong si Doktor Helena Garcia.” "General 'yon?" panganglaro ko at tumango naman nga ito bilang sagot. "Nagpadala ang Direktor ng mga Heneral sa bawat bayan para sila mamili ng mga estudyanteng ipupunta sa Mendeleev. Kasi hindi naman sila basta-bastang nagpapasok ng estudyante doon ngayon eh." _________________________ Nandito ako ngayon sa harap ng kwarto nong General. Pinilit kasi ako ni Chi na magsorry raw sa kaniya at baka sakaling ibalik kami sa mga pagpipilian na estudyante. Pero hindi ko alam ang sasabihin ko at nahihiya na rin akong magpakita dahil sa kabastusang ginawa ko no. Bahala na nga. At nang magtutuktok na sana ako ay halos magulat ako nang magbukas ang pinto bago pa man ako makatuktok. "Mr. Omicron James Rivera. At anong sadya mo rito? Balak mo na naman bang pumasok sa kwartong ito?" bungad ni Professor Mando na dahilan para mapaiwas ako agad ng tingin. "Anong ginagawa mo rito?" tanong nong General na kasunod ni Professor ay kalaunang lumabas na rin mula sa kwarto. "Ah, eh, g---gusto ko lang po sanang magsorry sa nagawa ko kanina," sagot ko at napakamot na tuloy ako sa ulo dahil sa pagkahiya. "Sorry? Eh antapang mo kaya kanina. Anong nangyari at tila nawala ang tapang mo?" sarkastikong saad nong babaeng nakausap ko kanina na mukhang anak nong General. "Sorry po talaga. Hindi ko naman po kasi alam na may nakatira na po pala dito. Gagawin ko po ang lahat para mapatawad niyo po ako. Bawiin niyo lamang po ang pagkakabanned ng kapatid ko." "Wow! Ngayon lang ata kita nakitang ganiyan Mr. Rivera," pangongontrabida na naman nga ni Professor na siyang hindi ko na lamang pinansin at diretso nga lang ang tingin ko ngayon sa Heneral at baka malay natin may himala. "Sige na iho, pinapatawad na kita. Basta huwag mo nalang ulit gagawin 'yon," saad ng Heneral na siyang dahilan para matulala ako saglit at unti-unti ngang napangiti dahil sa saya. "Salamat po!" "Pero General---" "Pinapatawad ko na siya Professor Mando. Hayaan na natin ang bata. At tiyaka hindi naman pala niya alam na may nakatira na rito," saad ni General Garcia na dahilan para ngisian ko si Professor Mando. "Pero dad----" "Helena, patawarin nalang natin siya. Wala namang nasaktan sa nangyari eh. Sige na iho, umuwi ka na at mabuti pa't maghanda na kayo ng kapatid mo para evaluation bukas," saad nong General na dahilan para mapangiti ako ng todo at mapatango. General Garcia "Ito na po ang mga listahan at background ng mga estudyante na pagpipilian niyo Heneral," saad ni Mayor Mando na inilapag na ang mga folders na kung saan naroon ang mga information patungkol sa mga kabataan dito sa Cluster 5. Pero nagtaka ako nang alisin niya ang dalawang folder mula rito. "Kanino 'yan? Bakit mo hiniwalay?" nagtatakang tanong ko rito. "Ah, eh, General, ito po 'yong batang nanloob sa kwarto niyo kanina at itong isa ay 'yong kapatid niya. Bilang parusa po sa ginawa niyang kalapastanganan ay binanned ko na po sila sa pagpipilian," sagot niya na dahilan para unti-unti nga akong mapatango. Nakaraan ang ilang minuto ay natapos na rin ang pamimili ko ng sampung bata na ieevaluate bukas para ifinalize na ang limang bata na dadalhin namin sa Medeleev Academia. "Sige po General mauna na po ako," paalam ni Professor Mando na ngayon ay paalis na pero napansin kong naiwan niya ang dalawang folder ng batang inihiwalay niya kanina kaya kinuha ko ito para sa ihabol pero natigilan ako nang may mahulog mula rito na picture. At laking gulat ko nang makita ang picture at mamukhaan sina Jose at Maricel mula rito kasama ang dalawa nilang anak. "Mr. Omicron James Rivera. At anong sadya mo rito? Balak mo na naman bang pumasok sa kwartong ito?" Rinig kong saad ni Professor Mando mula sa pintuan na dahilan para makumpirma ko nga na anak nila Jose at Maricel ang pumasok dito sa kwarto kanina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD