January 2, 2020
“Nga po pala, hindi pa pala ako nakakapagpakilala sa inyo. Ako po si Omicron at ito naman po ang kapatid kong si Chi,” saad ng batang si Omicron na dahilan para mapangiti ang lalaki.
“Ako pala si Gregor Dela Cruz ngunit tawagin niyo nalang akong Uncle Greg,” pagpapakilala nga ng lalaki at laking gulat nga nito nang bigla siyang yakapin ni Chi na sinundan pa nga ni Omicron.
“Maraming salamat po Uncle Greg sa pagliligtas niyo sa amin ng kapatid ko,” saad nga ni Chi habang yakap-yakap si Greg at wala na ngang nagawa si Greg kundi yakapin din ngayon ang dalawang bata.
“Huwag kayong mag-alala dahil ligtas na tayo, idadala tayo ng gobyerno sa ligtas na lugar kung saan wala ng pagsabog,” saad ni Greg na ngayon ay puno ng pag-asang malalagpasan nga nila ang kinahaharap na hamon ng buong mundo ngayon. At tuluyan na nga siyang kumawala sa pagkakayakap tulad ng dalawa.
“Tatanawin po naming utang na loob ito Uncle Greg,” saad ni Omicron dahilan para mapailing ng tuluyan si Greg bilang pagtutol.
“Hindi ito utang na loob Omicron at Chi. Ang pagtulong ay walang inaantay na kapalit,” saad ni Greg dahilan upang magtinginan at mapangiti ang dalawang magkapatid.
“Andyan na ang presidente!” sigawan ng mga tao dahilan nga para mapukaw ang atensyon ng tatlo sa helicopter na kasalukuyang pababa na sa gitna ng safe zone.
Halos mapukaw nga ang atensyon ng lahat ng mga tao ngayon dito at pare-parehas ngang umaasa na ito na ang inaantay nilang pagasa.
“Ligtas na tayo,” saad ni Greg na napabuntong pa nga ng malalim at tiyaka tinignan ang dalawang bata na parehong nakatingin ngayon sa itaas habang abot langit ngayon ang mga ngiti nila.
September 3, 2029
Helena
“Omicron halika na,” tawag ko nga muli kay Omicron na ngayon ay hindi pa rin nakakaalis sa pwesto niya at diring-diri nga sa lungs na tumalsik mula sa kwarto ng Block B.
“Sabing halika na eh.”
At talaga ngang naubos na ang pasensya ko sa lalaking ito at madalian ko na nga siyang hinila papasok sa kwarto ng block B. At halos sumigaw nga si Omicron nang matalsikan siya ng dugo mula sa bangkay na pinagpyepyestahan ngayon ng tatlong lalaki.
“Tumigil nga kayo!” sigaw ko dahilan para mabaling nga lahat ng atensyon nila sa akin.
“Patay na ‘yan hindi ba? At bakit niyo pa pinagpyepyestahan ang bangkay niya?” sunod-sunod ngang tanong ko sa tatlong lalaki na kanina ay patuloy na kinakalkal ang lamang loob ng bangkay ngunit natigilan nga sila at tumayo na ngayon dahil sa pagsigaw ko.
“Eh president, malaki ang atraso sa akin ng lalaking ito eh,” paliwanag nga ni Felipe na ngayon ay pinupunasan na nga ang duguan niyang kamay.
“Felipe, lahat nalang ba ng mga namamatay sa block niyo ay may atraso sa’yo?” diretsahang tanong ko nga habang palapit na sa bangkay dahilan para tignan nga ako nito ng diretso.
“Miss President, talagang papatayin ko lahat ng umaagaw sa ranko ko,” sagot niya dahilan para mapairap ako ng wala sa oras.
Lagi kasi itong nasa rank 2 sa block niya, kaya’t halos everyday rin nga siyang pumapatay ng mga kaklase niyang nakakalamang sa kaniya.
“Iligpit mo na ‘yang kalat mo. Ilang beses mo na nga ulit ito Felipe?” saad at tanong ko nga habang naglalakad papunta sa lungs na nakakalat sa labas.
“Mga 50 times na ata?” saad niya na ngayon pa ngay tawang-tawa at proud na proud pa sa mga ginawa niya at maging ang buong block b ngay nakikisabay rin sa pagtawa niya.
“What the hell? Anong nakakatawa doon? Hindi ba kayo nandidiri at nahahayupan sa mga pinaggagagawa niyo? Hindi na makatao ‘yan ha?” sunod-sunod ngang saad ni Omicron dahilan para matigilan ako at makitang mabaling ang atensyon ng buong klase sa kaniya.
Bakit ba ang pakielamero ng lalaking ito? Siguradong pag-iinitan siya ng ulo ni Felipe sa ginawa niyang ‘yan.
“A—anong sabi mo? W—what the hell? Sino ka ba ha?”
At tama nga ang hinila ko dahil ngayon ngay tinututukan na siya ng kutsilyo ni Felipe dahilan para mapaatras si Omicron at mapalapit sa akin.
“A—anong gagawin mo ha?” natataranta ngang tanong ni Omicron na hula ko ay nanginginig na ito sa takot ngayon.
“Gagawin ko? Papatayin kitang hayop ka!” bulalas nga ni Felipe na akmang sasaksakin na si Omicron dahilan para tuluyan kong sipain ang hilaw na baga na nasa harapan ko na sakto ngang lumanding sa pagmumukha ni Felipe.
At kitang-kita ko ngang gulat na gulat ito ngayon at ang mga kaklase niya ngay pare-parehong nagpipigil ng tawa dahil sa pagmumukha ngayon ni Felipe.
“Order number twenty, isang tao lang sa isang araw Felipe,” saad ko at dali-dali nga akong naglakad papunta kay Omicron at hinawakan ang pulso nito upang hilahin siya papunta sa likuran ko.
Avisos Importantes de Mendeleev #20
Un caso de asesinato por bloque
“Linisan mo na ang mga kalat mo Felipe. Pati ba naman kasi sa labas nagkakalat ka pa,” saad ko at tiyaka nga hinila na palabas ng block b si Omicron.
“Nag-iisip ka ba talaga?” tanong ko nga ngayon kay Omicron at sabay ngang tumigil sa paglalakad at tiyaka binitawan ang pulso nito.
“Nang dahil sa ginawa mong pangingialam ay kamuntikan ka nang namatay! At kung sa inaakala mong ligtas ka na dahil nakalayo na tayo sa room na ‘yon ay nagkakamali ka. Dahil sigurado akong hahanapin ka ng dambuhalang Felipe na ‘yon. At hinding-hindi ‘yon titigil hangga’t hindi ka niya mapapatay,” sunod-sunod ko ngang saad dito.
“Ano ba talagang paaralan itong napasukan namin? Bakit parang Hunger Games at nagpapatayan halos lahat ang mga estudyante rito?” baling na tanong nga niya.
“Read the Mendeleev By Laws para malaman mo lahat-lahat,” sagot ko sa kaniya at tiyaka na nga siya tinalikuran at nag-umpisa na ngang maglakad ulit.
“A—ano? Teka nga, bakit hindi mo nalang sabihin sa akin ang lahat?” tanong nga niya habang hinahabol nga ako.
“Masasayang lang laway ko. Anyways, sa block c na tayo,” pambabaling ko nga sa usapan at tuloy-tuloy pa rin nga ang lakad ko papunta sa kwarto ng block c at hindi pa rin nga ito tumigil sa pangungulit hanggang sa nakarating na kami sa block c.
Ngunit parehas nga kaming natahimik at nagtaka ni Omicron nang madatnan ngang tila parang ang tahimik ng block c ngayon at lahat nga sila ay abala sa pagsusulat habang nagdidiscuss sa harap ang isang matandang lalaki na nakasuot nga ng pang-doctor.
“Teka, anong nangyayari rito?” nagtatakang tanong ko dahilan para tignan nga nila akong lahat.
“Bakit walang patay?” nagtataka ngang tanong din ni Omicron na ngayon ay napangiti-ngiti pa nang mapagtanto ngang walang patay dahil tulad ko’y inilibot din niya ang tingin niya sa buong kwarto ng block c.
~2 hours ago~
Chi
“Chi!”
Rinig ko ngang pagtawag ni kuya Isko pero hindi pa rin nga ito naging dahilan para itigil ko ang gagawin kong paghila kay Samuel na ngayon ay nakapatong at tuloy-tuloy ang pangbubugbog kay Enrile na ngayon ngay basag-basag na ang pagmumukha.
At talaga ngang binuo ko na ang buong pwersa ko upang paghiwalayin silang dalawa.
“Tumigil na kayo!”
“Anong ginagawa mo ha? Gusto mo bang sumali sa amin ha?” sarkastiko ngang saad ni Enrile na ngayon ay nagawa pa ngang tumawa kahit pa na halos duguan na ang mukha nito at tuloy-tuloy na ang pagtulo ng dugo mula sa ilong niya.
“Sasha, umalis ka riyan at hindi pa ako tapos sa lalaking ‘yan!” utos nga ni Samuel na akmang itutulak pa ako para bugbugin nga ulit si Enrile pero salamat nga at sinamahan na nga ako ni kuya Isko sa pag-awat at ngayon ngay hawak-hawak na niya ang magkabilaang kamay ni Samuel.
“Hoy Samuel, itutulak mo talaga si Chi? At tiyaka hindi ka pa tapos sa lalaking ‘yan? Eh, halos durog na ang mukha niyan ha,” saad nga ni Kuya Isko sabay turo nga kay Enrile gamit ang nguso nito.
“Hayaan niyo siya. Kabago-bago niyo nangingialam kayo,” saad ng isang estudyante na ngayon ngay ang sama na ng tingin sa akin at kay kuya Isko.
“Oo nga, kailangan may mamatay dahil kung wala ay buong block c ang mapapahiya,” pagsang-ayon nga ng katabi nito na sinang-ayunan pa ng iba.
“Hoy babae! Hayaan mo nga kasi kami, at papatayin ko pa ang lalaking ‘yan!” sunod-sunod ngang sigaw ni Enrile na ngayon ay hindi na tulad kanina na nakahiga bagkus ay nagawa na nitong umupo.
“Oh, baka naman gusto mong ikaw ang patayin ko,” at pagkasabing-pagkasabi nga niya non ay laking gulat ko nang bigla nga itong tumayo at tinutukan nga ako ng kutsilyo dahilan para mapaatras ako ng konti.
“Hoy Enrile, ako ang kalabanin mo at huwag kang mandamay ng iba!” saad nga ni Samuel na ngayon ay nakakawala na sa pagkakahawak ni Kuya Isko at akma ngang susugurin na muli si Enrile dahilan parai harang ko agad ang katawan ko para hindi na siya makalapit dito.
“Samuel, huminahon ka nga muna,” saad ko sa kaniya at tiyaka nga ako huminga ng malalim at matapang na hinarap si Enrile at inilapit nga ang sarili ko sa kaniya dahilan para mapangisi ito at akma ngang sasaksakin na ako at nasense ko nga na lalapit si Samuel dahilan para itaas ko ang kanang kamay ko para pigilan sila ni kuya Isko sa paglapit.
“Bago mo patayin ang babaeng ‘yan ay siguraduhin mo munang ang kamatayan nga niya ang magdadala ng karangalan sa block na ito at hindi kahihiyan,” saad ng isang hindi pamilyar na boses mula sa likod ko dahilan para matigilan si Enrile at ibaba ang kutsilyo niya at pagkatingin ko nga ay halos tumahimik din nga ang buong klase dahilan para tuluyan akong mapatingin sa likod ko. Kung saan naroon nga sa pintuan ang isang matandang lalaki habang nakatingin ng diretso kay Enrile.
“Oh, bakit ka tumigil? Akala ko ba dapat may mamatay para hindi mapahiya ang block c?” sunod-sunod ngang tanong nito sabay tingin sa iba na ngayon ngay umiiwas na ng tingin sa matanda.
“Sa tingin niyo talaga mapapansin ang block niyo dahil sa pagpatay niyo?” sunod pa ngang tanong ng matanda.
“D—doc Greg, narito na po pala kayo?” tanong sa kaniya ni Samuel dahilan para mapakunot nga ang noo ko dahil sa itinawag niya rito.
Doktor Greg? At nang muli ko ngang tinignan ang matanda ay tuluyan ko ngang naalala kung sino siya.
“U—uncle Greg?” pabulong ngang tawag ko rito at halos maistatwa nga ako ngayon sa kinatatayuan ko nang makita siyang muli.
“Block C, akala ko ba ay itinigil niyo na ito? Ilang linggo lang akong nawala ngunit bumalik na naman kayo sa ganito?” sunod-sunod ngang tanong nito habang naglalakad na papunta sa amin.
“Doctor Greg, ito po kasing si Samuel eh—“ saad nga ni Enrile na tila ba nag-iba ang awra ngayon.
“I don’t need to hear you explanation Enrile. What I need is for you to go back to your sits now,” utos nito pero hindi ko nga maiwasan na mapatitig ngayon sa mukha niya dahil halos hindi ako makapaniwalang makakaharap kong muli siya.
“Even you Chi umupo na kayo ng mga kasama mo,” baling na saad nito sa akin na dahilan upang matigilan ako. At inaantay ko nga kung may sasabihin pa ito ngunit ibinaling na nga niya ang atensyon niya sa klase.
At natauhan lamang nga ako nang hilahin na ako ni Kuya Isko upang makaupo na kasama siya.