Part I: Kabanata 14

1662 Words
September 5, 2029 Omicron Pangatlong araw na nga namin dito ngayon sa Mendeleev at talaga namang naparami na ata ang pangyayaring naranasan namin lalong lalo na ako na halos magmukha na ata kaming grim reaper ni Helena na kung saan araw-araw na nga akong nakakakita ng patay na katawan. Pang-huling araw ko na ang pagiging assistant ko kay Helena. At sa dalawang araw pa lang na ‘yan talaga nga namang traumang-trauma na ako sa mga nasaksihan ko. Paano niya ba naatim na makasaksi ng mga ganoon na pangyayari? “Kuya Omicron, ayos ka lang ba?” tawag sa akin ni Chi dahilan para magulat nga ako at lakihan ito ng mata. “Oh, Omicron bakit parang gulat na gulat ka diyan ha?” tanong nga ni Isko na tawang-tawa pa ngayon sa naging reaksyon ko. At dahilan nga ito para samaan ko siya ngayon ng tingin. “Kuya?” tawag nga muli ni Chi dahilan para mabaling sa kaniya ang atensyon ko. “W—what?” tanong ko nga rito at tiyaka ako agad umiwas ng tingin. “Kuya halos ilang araw ka nang ganiyan,” saad nga ngayon ni Chi. “Lagi kang tulala at mukhang ang bilis mo na ring magulat.” At dahilan nga ang mga sinabi nito upang mapahinga ako ng malalim at muli siyang tignan. “H—hindi kasi maalis sa isip ko ‘yong mga patay na katawan na nadadatnan namin ni Helena,” sagot ko rito dahilan para lapitan niya ako at hawakan ang kanang kamay ko. “Kuya, maaalis din ‘yan at masasanay rin tayong tatlo sa sistema nila rito.” “Buti nalang talaga at wala pa talagang nagpapatayan sa klase namin dahil na rin kay Doc Greg,” saad ngayon ni Isko dahilan upang mapatango si Chi bilang pagsang-ayon. “Pero hindi ko naiintindahan eh,” saad ngayon ni Chi na siya ngang inalis na ang pagkakahawak sa akin at bumaling na muli sa pagkain ng umagahan. “Bakit ba kailangang magpatayan? Ano bang meron at nagpapatayan ang mga estudyante rito?” “Avisos Importantes de Mendeleev number four,” sagot ko dahilan para mabaling ang atensyon nila sa akin na ngayon ay pareho ngang nakakunot ang mga noo nila. “Avey—sos Importantes de Mendeleev?” nagtataka tanong ni Chi na siya rin namang tinanguan ko. “La muerte del bloque más bajo,” saad ko na siyang dahilan upang pareho naman nila akong lakihan ng mata ngayon. “At anong meron at nageespanyol ka na kuya?” natatawa nga ngayong tanong ni Chi. “Lahat ng important notices ng Mendeleev ay naka-spanish. At ang ibig sabihin nga ng Avisos Importantes de Mendeleev ay Mendeleev Important Notices. At isa sa nakapaloob dito ang the death of the lowest block. Wherein every end of the month ay magkakaroon ng monthly evaluation kada blocks at ang may pinakamababang total score na block ay ang siyang ikukulong sa dungeon at isang buwan nga silang papahirapan doon hanggang sa mamatay silang lahat. Kaya ang mga estudyante rito ngayon ay gumagawa na lang ng dahilan para pumatay as a way for elimination ng mga kaklase nilang medyo mahina at ang possible ngang magpapahamak sa buong block,” paliwanag ko at to my surprise nang tawanan nila akong dalawa na inakala atang nagbibiro lang ako. “Hoy totoo nga, hindi ako nagbibiro no. ‘Yon ang sabi sa akin ni Helena.” “D—dungeon? Kuya naman, wala tayo sa fictional books o ano. Bakit naman gugustuhing patayin ng institusyon ang mga estudyante eh hindi ba nga kaya tayo pinapunta rito sa itaas ay dahil nagkukulang na sila ng estudyante? So, bakit pa sila magbabawas?” sunod-sunod ngang tanong ni Chi dahilan upang mapaisip at matigilan ako. Dahil oo nga naman. Bakit pa sila magbabawas eh sa nagkukulang na nga? Maari kayang nagsisinungaling lang sa akin si Helena at sadyang may iba talagang dahilan na ayaw niya lang ipaalam sa akin? _________________________ “Ngayong araw ay hindi tayo pupunta sa mga blocks dahil holiday nila ngayon sa pagpatay,” saad ni Helena dahilan upang matigilan ako. Avisos Importantes de Mendeleev #15 Martes festivos Kasalukuyan nga kaming nasa elevator ngayon at kaya nga niya nasabi ‘yon ay baka siguro napansin nga niya ang pagtataka ko nang ibang floor ang pinindot niya. “Holiday? Seryoso ka ba? Hanep naman talaga ang paaralan na ‘to no, may paholiday pa talaga?” pabiro ko ngang saad dito at natigil lamang ako sa pagtawa nang seryoso niya akong tignan. “Order number five is the holiday tueday,” saad nito. “Every Tuesday ay walang pumapatay sa kanila dahil hindi nga legal ang pagpatay sa araw na ito. Dahil every Tuesday ring bumibisita ang Director dito sa Mendeleev” “A—anong ibig mo sabihin, hindi alam ng director ang ganitong pamamalakad sa Mendeleev?” gulat na tanong ko pero umiling nga ito bilang sagot. “Alam niya, ngunit para sa kaniya ay kabastos-bastos na makitang nagpapatayan ang mga estudyante during his visit,” sagot niya na dahilan para taasan ko siya ng kilay. “Hanep din si Director ano? Wala ng ginawa—“ At laking gulat ko nga nang bigla nitong takpan ang bunganga ko at medyo lumapit siya sa akin ngayon dahilan para tuluyan na akong kabahan sa ginagawa niya. “Huwag na huwag kang magsasalita ng bagay na laban sa institusyon dahil lahat ng galaw at pinag-uusapan natin ay monitored nila,” bulong nito sabay tingin sa taas at tiyaka na nga nito binitawan ang bunganga ko at umayos na muli ng tayo. Avisos Importantes de Mendeleev #12 La Institución siempre está mirando At nang bitawan nga niya ang bunganga ko’y agad akong napatingin sa itaas at nakita na may camera rito at mukhang may voice recorder din kaya’t rinig nga siguro ngayon ng nagmomonitor ang mga pinag-usapan namin. At nang magsasalita pa sana ako ay tumunog na nga ang elevator at tuluyang nagbukas na ito. At bumungad nga sa amin ang isang napaka-dilim na paligid at halos nga mapatakip agad ako ng ilong ko dahil sa masangsang na amoy na bumungad sa amin. Alam niyo ‘yong amoy ng nabulok ng patay na hayop? Ganon na ganon ang naaamoy ko ngayon at habang tumatagal ay hindi ko na maipaliwanag pa ang amoy! “Isuot mo ito nang hindi tuluyang masira ‘yang baga mo,” saad ni Helena sabay sunod-sunod ngang abot sa akin ng mask at ng iba pang lab equipments like safety glasses, face shields, lab coats at tiyaka gloves. At agad ko ngang isinuot ang mga ito tulad nang ginagawa niya ngayon. “A—anong gagawin natin dito? A—at bakit ganoon ‘yong amoy?” sunod-sunod na tanong ko at hindi nga lang ako nito sinagot bagkus ay naglakad na nga ito sa gitna ng dilim dahilan para mapahawak ako sa braso niya nang dahil sa takot. “Ano ba?!” bulalas niya na tumigil nga ngayon sa paglalakad at kahit nga madilim ay medyo kita ko ang nanlilisik niyang mga mata dahilan para mapabitaw ako agad sa braso niya. At nagpatuloy na nga ito sa paglalakad na sinundan ko naman habang pakapa-kapa sa paligid ko dahil malay mo no baka may mabangga akong bagay or what. At nang napatigil nga si Helena sa paglalakad ay natigil na rin ako at halos magtaka nga ako sa nakakapa ko ngayon kasi parang balat ata ng hayop o ano itong nakakapa ko ngayon? Eh, ano namang klaseng hayop kaya ito? “Lights on,” saad ni Helena dahilan para unti-onti ngang magbukas ang ilaw at halos mapasigaw nga ako at mapatalon sa gulat nang mapagtanto ko ngang paa pala ng nabubulok at mina-maggots ng tao ang nakapa ko. “Welcome to the dungeon Omicron.” November 14, 2022 Ilang buwan na nga ang nakakalipas mula nang unang araw na inilipat ng gobyerno ang mga nakaligtas mula sa mga sunod-sunod na pagsabog. At magpahanggang ngayon ngay walang humpay pa rin ang pagsabog sa labas ng safe zone. Malaki na ang mga pinagbago nito sapagkat may mga kaniya-kaniya na ngang mumunting tulugan ng mga taong naiwan sa labas. Ngunit ang hindi pa rin nagbabago ay ang hindi patas na trato ng gobyerno sa pagitan ng mga nasa labas at loob ng gusali. “Kuya, saan po ito idadala?” tanong ni Omicron sa isang binatang lalaki na tulad niya’y may dala-dala nga ring isang sako ng semento ngayon. “Doon ‘yan sa may Cluster 1 Omicron,” sagot ng binata dahilan para tuluyan ngang mapakamot ng ulo si Omicron dahil halos tatlong kilometro rin ang lalakarin niya papunta roon para ipadala ang sementong dala-dala niya. Kailangan nga niyang gawin ito bilang kapalit ng makakain nila ni Chi sa isang araw na kadalasan ngay kailangan nilang tipirin upang makaabot pa hanggang gabi. Kasabay nang paglipas ng buwan ay may mga bago na ring patakaran ang ipinatupad ng gobyerno. Na kailangan ngang pagtrabuhan ang makakain nila dahil nagkakaubusan na rin ito kaya’t kailangan pa ring itaguyod ang kaunlaran ng ekonomiya kahit na sa gitna ng trehedya. Kaya’t hinati nga nila ang bilang ng mga nasa labas into cluster. At sa bawat cluster ngay may nakatakdang gagawin o trabaho. At ang napunta ngang trabaho sa Cluster 5 na siyang kasalakuyang cluster nila Omicron ay ang paggawa ng mga matitirhang bahay. At makalipas nga ang ilang oras ay nakarating na rin sa wakas ang bata habang paika-ika na nga ang paglakad dahil na rin siguro sa layo ng nilakad niya at sa bigat ng dala-dala nito. At nang susubukan nga sana niyang magpahinga saglit ay napukaw ang atensyon nito sa katapat nitong lupa sa hindi kalayuan na nasa isang pamilyar ngang kaanyuhan. “Dad, dito lang po ako labas. Ayaw ko na pong bumalik diyan dahil boring naman po diyan eh.” Pero nabaling ang atensyon nito nang may batang babaeng palapit na ngayon sa lugar kung saan siya nakatingin kanina. “Tigil!” sigaw ni Omicron dahilan para magulat ang batang babae na nabitawan pa nga ang teleponong hawak dahil sa pagsigaw ni Omicron. “Ano bang problema mo at nagsisisigaw ka ha?” nagtataka ngang tanong ngayon ng babae ngunit hindi nga lang siya sinagot ni Omicron na kasalukuyang nabitawan na nga ang dala-dalang mga semento at ngayon ay pawisan na rin nga siya nang dahil sa kaba. “Pagbilang ko ng tatlo ay tumakbo ka ng mabilis!” saad ni Omicron dahilan para mapakunot nga ang noo ng batang babae. “Isa.” “Hoy teka, ano bang ginagawa mo ha?” “Dalawa.” “Hoy bata—“ “Takbo!” huling sigaw ni Omicron at sa hindi malamang dahilan ay napatakbo na nga rin ang batang babae at sa gulat nga niya nang biglang sumabog ang gitna nila nang pagkalakas-lakas dahilan para maalarma ang lahat maging ang mga pulis na nakabantay ngayon sa bungad ng Cluster 1.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD