September 11, 2029
Omicron
“Ano Samuel? Ready ka na ba?” tanong ko nga kay Samuel at tiyaka nga ako bumuntong huminga bago ko pa man itapak ang isa kong paa papasok ng helicopter.
“Wow lang ha? Ikaw pa talagang ganang magtanong niyan Omicron?”
At halos sabay nga kaming napatingin ni Samuel sa nagsalitang bruha na mukhang nag-uumpisa na namang kontrahin ako sa hindi malamang dahilan.
“Ate Helen, papunta na rin ba kayo?” tanong nga ni Samuel sa kaniya at tumango nga ito bilang sagot at ako naman ay nakatingin ngayon sa kaniya ng diretso habang nakakunot ang noo ko.
“Kung ‘yan kayang sarili mo tanungin mo kung ready ka na bang bumaba. Eh, hindi ba nga may Ekrixiphobia (fear of explosions) ka Omicron?” sarkastiko nga niyang tanong dahilan para matigilan ako at mapalunok ng tuluyan.
“Kuya Omicron, may ekrixiphobia ka? Eh, hindi bakaya nga tayo pupunta sa baba para makisabak sa sunod-sunod na pagsabog? Paano na kung may phobia ka nga po sa pagsabog kuya?” tarantang tanong nga ni Samuel pero ni hindi ko alam kung paano siya sasagutin dahil nahihiya ako ngayon at kinakabahan na baka ako pa maging dahil kung bakit hindi namin mapapagtagumpayan ang hamon.
“Kaya nga Omicron?” mapang-asar pa ngang tanong ni Helena habang nakangiti ito ngayon na sobrang lakas makapang-asar.
“B—bahala na Samuel. Basta sumakay na tayo at doon nalang natin ifigure out sa baba,” saad ko nga at tuluyan ko na nga siyang inunahan sa pagpasok sa helicopter sabay pikit ng mga mata ko at pakawala ng isang buntong hininga.
_________________________
At wala pa ngang thirty minutes ay nakalapag na ang helicopter namin sa Cluster 1 na siyang paglalapagan naming lahat ngayon.
“Kuya, saan sa tingin mo tayo makakakuha ng tungsten at semento?” tanong nga agad ni Samuel nang makababa na kami mula sa helicopter na sinakyan namin.
“Ang alam ko ay sa Cluster 3 ang may pinakamaraming deposit ng metals at doon din nga nangganggaling halos lahat ng mga materyales namin sa tuwing gumagawa kami ng mga infrastructure,” paliwanag ko rito sabay tawag nga nong may hawak ng susi ng bomb resistance truck na gagamitin namin ni Samuel upang panghakot ng mga materials na kukunin namin mamaya.
“Sa Cluster 3 lang talaga pwedeng kumuha kuya?” tanong nito na siyang tinanguan ko nga.
“Kung ganoon ay kailangan nating bilisan ang pagpunta rito dahil siguradong riot ang mangyayari dahil tiyak na mag-aagawan at maguunahan tayong lahat,” saad nga ni Samuel dahilan para magtinginan kami na halos parehas ngayon ang iniisip naming dalawa dahilan para mabilisan at dali-dali kaming tumakbo papasok ng truck at dali-dali na ring instart ito.
At nang mapaandar ko na nga ito ay gayon din ang ibang grupo na ngayon ngay nakikipag-unahan na sa aming dalawa.
Ngunit nang palabas na kami sa safe zone ng cluster 1 ay napatigil nga ako nang may sumabog bigla sa harap namin dahilan para mapapikit ako at halos rinig ko nga ngayon ang sariling t***k ng aking puso dahil sa pagkabigla.
“Kuya Omicron, ayos ka lang?” tanong nga ni totoy pero hanggang ngayon ngay nakapikit pa rin ako at ramdam ko na ngang nag-iinit na ang katawan ko at pinagpapawisan na rin ang buo kong katawan.
“S—samuel ikaw nalang magdrive dahil kung ako ang magdadrive ay baka bukas pa tayo makakarating sa pupuntahan natin,” utos ko nga rito at tiyaka nga dali-daling nakipagpalitan sa kaniya ng pwesto habang nakapikit pa rin ako at saglit-saglitan ko lang tinitignan ang dinadaanan ko papunta sa pintuan ng kabilang side ng truck.
_________________________
“Kuya, nandito na tayo,” saad ni Samuel nang maramdaman kong natigil na ang pag-andar ng sasakyan. At hudyat nga ito para unti-onti kong imulat ang mga mata ko.
“Kuya bilisan natin dahil halos ten minutes na tayong late. Baka wala na tayong maabutan ni isang metals niyan,” natataranta ngang saad ni Samuel na agaran na ngang isinuot ang helmet niya na siyang ginawa ko na rin.
At pagbaba ngay marami na ngang grupo ang paalis na at mukhang nakuha na nga lahat ng materyales na kailangan nila. At isa na nga roon sina Helena na sobrang bilis ngang pinatakbo ang truck nila paalis.
“T—tara na Samuel,” saad ko nga at tiyaka na nga namin hinila ang mahabang vacuum tube na siyang hihigop ng mga metals o ano pa mang materials na makukuha namin sa underground ng cluster 3.
At matapos nga ang tatlong minutong pagtakbo ay nakarating din kami sa lugar ng pagkukuhanan ng mga materyales at halos mapaupo nga kaming dalawa ni Samuel dahil sa pagod sa pagtakbo.
“K—kuya,” tawag ni Samuel dahilan para tignan ko nga siya na ngayon ay tila gulat na gulat at nakakunot ang noo.
“Kuya, nadali na, naubusan na tayo ng metals,” saad nito dahilan para agad kong ilibot ang paningin ko sa paligid at nakita ngang tanging semento at mga bato na lang ang natira.
“Paano na niyan—“ tanong ko nga pero natigilan ako nang may nakita akong ilang sako sa gilid at nakalagay nga rito ay copper dahilan para agaran ko ngang yugyugin si Samuel na siyang may hawak ng bunganga ng tube namin.
“Samuel, may copper! May copper pa!” sunod-sunod na sigaw ko at minadali siyang papuntahin dito pero nang hindi pa nga ito nakakapunta ay halos magulat kami nang biglang may humigop dito.
“Oh, Omicron kakarating niyo?” tanong nga ni Isko na siyang may hawak ng tube nila na siya ring salarin sa paghigop sa mga copper.
“Kuya, paano na ‘yan?” dismayado ngang tanong ni Samuel na ngayon ngay hawak na ang buhok niyang gulong-gulo.
“Omicron, kukunin niyo ba dapat ito?” gulat ngang tanong ni Isko na wala ngang kaalam-alam ngayon sa nagawa niya.
“Isko, amin dapat ‘yon eh,” saad ko habang nakakunot ang noo ko.
“Omicron sorry, hindi ko naman alam na balak niyong kunin ito eh,” saad niya na mukhang nakokonsensya na nga ata ngayon.
Pero hindi ko na nga siya tuluyang nasagot at halos sabay nga kaming napaupo ni Samuel sa lupa dahil sa pagkadismaya
“Isko, tara na,” tawag sa kaniya ng kagrupo niya na dahilan para tuluyan na nga itong umalis na nag-aalangan pa ngang umalis noong una pero wala rin nga lang nagawa ito kundi sumunod na sa kagrupo niya.
“Kuya Omicron, paano na ‘yan? Wala ng tungsten at wala na ring copper. Wala na ni isang metal rito,” sunod-sunod na saad ni totoy sabay sabunot sa sarili niya.
“T—teka, metal at semento lang naman ang mga kinuha nila ano?” tanong ko rito nang bigla ngang may ideyang pumasok sa utak ko.
“M—mukha nga kuya,” nag-aalangang sagot nito na tinignan nga ako gamit ang nagtataka niyang tingin.
“Ibig sabihin niyan ay may mga bato pa rito?” tanong ko nga at tiyaka nga tumayo na at inilibot ang tingin sa paligid.
“Oo kuya Omicron. Pero sigurado ka po bang bato ang gagamitin natin? Sa lakas ba naman ng mga pagsabog, kaya niya kayang protektahan ang tower?” sunod-sunod ngang tanong nito na sumunod na rin sa pagtayo.
“Bedrock! Tama, bedrock ang pwede nating gamitin bilang foundation ng tower,” sagot ko nga rito habang tuwang-tuwa sa naisip kong ideya.
“P—pero kuya huwag mong sabihin na maghahanap tayo ng bedrock. Eh, wala naman pong bedrock dito sa kinalalagyan natin ngayon eh. Sa kaila-ilaliman pa natin ito mahahanap kuya. Buti po sana kung minecraft game lang ito ay siguradong isang tnt lang ay kita na natin ang bedrock,” saad nga nito dahilan para matigilan ako at muli’t muling may ideya nga na namang pumasok sa utak ko.
“T—tnt?” tanong ko rito at nag-aalangan nga itong tumango bilang sagot. “That means sa mga sumasabog na parte ng danger zone ay maaari tayong makakuha ng bedrocks!”
“Eh kuya Omicron, hindi mo nga kayang tignan ang mga pagsabog, pupunta pa kaya sa danger zone para kumuha ng bedrocks makakaya mo?”
Sabagay, pero kailangan kong manalo rito sa misyon na ito. Kailangan kong makasama sa Mikrodunia kaya kahit anong phobia man ‘yan ay haharapin ko.
“Kakayanin ko,” saad ko nga at nag-umpisa na ngang naglakad paalis sa lugar na kinalalagyan namin ngayon at agad din namang sumunod sa akin si Samuel na mukhang gulat na gulat pa nga ngayon sa sinabi kong plano.
“Seryoso ka ba talaga kuya na pupunta tayo sa kalagitnaan ng mga pagsabog?” tanong pa nga nito habang naglalakad kami palabas dahilan para mapatigil ako at harapin siya.
“Kahit ano kakayanin ko Samuel,” diretsahang saad ko rito. “Dahil importante sa akin ang misyon na ito.”