3rd Person's Point of View* Nakatingin ngayon sa labas ng bintana si Jane dahil iniisip niya kung paano malulusotan ang lahat ng ito. Narinig niya kasi mula kay Rafayel ang pagbisita ng Master niya at alam na nito na nasa kanya ang milady nito. Napabuntong hininga na lang siya habang nakatingin sa malayo. Naramdaman niya ang lalaki sa likod niya at hinalikan ang leeg niya kasabay ng pagyakap sa likuran niya. "Bakit malalim ang iniisip ng baby ko?" Agad niyang naamoy ang mabangong scent nito galing sa pagligo. Kakatapos lang din niyang naligo kanina at nakasout pa din siya ng bathrobe. "Ang hirap nito. Future na ng milady ko ang nakasalalay dito." Hinawakan niya ang kamay nito at hinalikan ang kamay niya. "Alam mo naman na hindi kailanman sumuko si Michael pagdating kay Gerry. Lah

