Geraldine's Point of View* Wala sila Rafayel at Jane dahil tapos na daw silang kumain at magpapahinga daw muna sila. Di ko ala--- Teka, siya ba yung sinasabi ko sa kanya na puntahan niya at aminin ang nararamdaman niya? Umamin nga! Masaya ako para sa kanya. Napangiti na lang ako at dahan-dahan na napailing-iling. Nasa hapagkainan kami ngayon ay nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin sa mga pagkain. "Bakit parang masasarap ang lahat ng pagkain na nasa harapan ko?" mahinang ani ko. Ibang iba sa pagkain na kinakain namin ni Dad noon. Dahil puro gulay na lang ang kinakain namin ay walang karne. "Eat all you can, wife. Palagi mo naman yang kinakain dito." Nanlalaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya at napatingin ako sa kanya. "Kaya pala nagkakalaman na ang katawan ko ngayon a

