AZAZEL ERIS ROSS
--
Tambak na kami ng trabaho ni Lace pero nagagawa niya pa ring makipag-tsismisan. Kanina pa ako nakikipaglaban sa antok. Patapos na ang office hours, but I wasn't thinking of it at all dahil siguradong hindi kami matatapos agad ni Lace.
I was browsing on my phone to look for a coffee promo. Kailangan ko nang magtipid dahil magpe-petsa de peligro na naman kami ni Lacen.
I just placed my order at bumalik na rin ako sa trabaho. I was in the middle of composing an email when I felt a hand on my shoulder. Sinundan ko iyon ng tingin bago ako bumaling sa kaniya. It was Benj.
"Sabihin mo lang sa akin kapag kailangan mo ng tulong."
Bahagya akong ngumiti. "Thanks."
"Mag-o-overtime ka ba?"
"I think so."
"Gusto mo samahanan kita?"
"I think... I can handle this. I'll re-read the procedure na lang kapag may kailangan akong balikan."
"You can also message me. I don't mind even outside office hours."
Muli akong bahagyang ngumiti sa kaniya at tinuloy ko ang email na ginagawa nang umalis na siya. Naramdaman ko naman ang pagsiko sa akin ni Lace.
She wiggled her eyebrows. "Pinipormahan ka. Aga naman no'n."
Napailing na lang ako sa kaniya at muling bumaling sa computer sa harap ko at nagpatuloy sa pagta-type sa keyboard.
"Maybe he's just being nice."
"Araw-araw kang binibilhan ng kape tapos... tunog nang tunog 'yang notification mo. Oras oras ka yatang kinukumusta. Puwede na. Cute naman. Chinito at saka mukhang mabangoooo."
"Just work. Mamaya mapagalitan tayo."
We were there for a mission, hindi para makipagrelasyon sa katrabaho. I didn't want to distract myself too much. We were already distracted from work na hindi na nga nauubos, nadadagdagan pa.
Parati ko ring nakikita ang secretary ng lalaking iyon na tila laging aligaga. Siguradong kung marami kaming trabaho ay mas marami ito. Kahit nag-o-overtime kami ni Lace ay bukas pa ang ilaw sa opisina nito.
After half an hour, tumunog ang cellphone ko. Sinilip ko lang ang notification na naiwan na ng rider ang coffee sa lobby. I used my quick break to fetch it there.
Hindi pa ako nakakarating sa reception counter, nakuha na ng atensyon ko ang matandang naglalampaso ng sahig. Nakasuot ito ng overall fade blue na uniporme at nakasuot ng cap na may logo ng Montealto. Iyon ang uniporme ng mga janitor sa building.
I was a little bit baffling habang patuloy sa paghakbang. Tila pamilyar siya sa akin at nakita ko na siya pero iniisip pa ng utak kong malapit ng matuyo sa paperwork.
Habang papalapit ako, lalo rin akong nalilinawan na totoong nakita ko na siya. It was him... lolo sa kanal.
Hindi ko pa napoproseso na nagtatrabaho na ito roon pagkatapos ng mahigit isang linggo simula nang magkita kami. I was excited to walk toward him and speak to him pero bago pa ako makalapit, may taong kumuha ng braso niya.
I was stopped because I was more surprised that it was– Samel Montealto.
Hinila niya ang matanda na tila nahirapang sumunod sa mga hakbang niya. Nabitiwan nito ang dalang mop at nagpahila na lang rito. Nagmadali rin akong sumunod sa kanila dahil nag-aalala akong saktan niya ang matanda at mukhang walang may plano at lakas ng loob na pigilan siya dahil nanunuod lang ang lahat sa paligid.
Lumiko sila sa hallway papunta sa restroom. Lumiko rin ako sa men's pero bago pa ako makasunod halos humampas sa mukha ko ang pinto.
"Get out," narinig kong utos nito sa loob at ilang sandali lang nagsilabasan na ang mga lalaki sa loob. Ang iba ay nagsisinturon pa at nagsasara ng zipper. Sumiksik na lang ako sa isang gilid para bigyan sila ng space.
Lalo akong nakaramdam ng kaba para kay lolo. Humugot ako ng malalim na hininga at nag-ipon ng lakas ng loob bago ako pumasok.
"Hey, don't touch him!" agad sambit ko. Nilapitan ko agad si Lolo at hinawakan ang magkabilang balikat nito. "He's an old man. Hindi ka ba naaawa?"
Bumaling siya sa akin nang nagtatangis ang bagang bago muling tumingin kay Lolo nang magkasalubong ang makakapal na kilay.
"Stop this," malamig na sambit nito.
"Pagbigyan mo–"
"No," he immediately cut him off.
"You don't have to talk to him tha–"
"Shut the f**k up!"
Napalunok ako. Napaka-antipatiko talaga nitong lalaking 'to. Kung makasigaw akala mo nabili niya ang buong pagkatao ko.
Naramdaman ko naman ang paghawak ng matanda sa braso ko.
"Apo... huwag kang manigaw ng babae."
He frustratedly sighed. "Umuwi ka na. Take off that uniform."
"Nag-e-enjoy naman ako roon sa ginagawa ko."
"'Grandpa... just come home and do something else. Baka may makakilala sa'yo rito. Do you want them to see you like that?"
"Wala... hindi mo kailangang mag-alala, maliban kung nahihiya kang ganito ang lolo mo."
Nagsimulang gumulo ang isip ko sa flow ng conversation nila. He still seemed so frustrated na humawak sa balakang niya. Hindi ko alam kung bakit nagkabara ang lalamunan ko, realizing na isang hakbang lang ang layo nito. He was taller up close. Mas nakita ko ang makinis at malinis niyang mukha.
"You're aware of your condition yet you keep being stubborn. Kagagaling lang niyang binti mo, hindi ba?"
"Huwag ka nang magalit. Exercise ko lang ito."
"I'm telling you to come home. Don't force me to call my people." Tumalikod din ito at muling nagsalita nang hindi lumilingon habang palabas ng pinto. "I will call mom."
"Hay... huwag na... pagagalitan na naman ako ng mommy mo."
Hindi ito sumagot at nagpatuloy sa paghakbang hanggang sa makalabas ng pinto.
"Leandro!" muling tawag sa kaniya ng matanda at napapilatok na lang nang hindi na ito bumalik at sumagot. "Hindi ka na talaga nakikinig sa lolo mo." Umiling pa ito bago tapikin ang kamay kong nakahawak sa balikat niya. "Salamat, Hija."
I was dumbfounded. Hindi ko naproseso agad ang narinig ko at tila na-estwa na ako sa puwesto ko. Nagising lang ako sa realidad nang may pumasok ng lalaki sa loob at nagtanong kung mamboboso ako.
Nagmamadali akong lumabas ng restroom nang may kabog sa dibdib. Tama ngang hindi na blanko ang isip ko pero napuno naman iyon ng iba't-ibang bagay na lalong nagpagulo sa utak ko.
Sinubukan kong hanapin ang matanda sa kaliwa't-kanan ko. Mas lalong kumabog ang didbib ko nang makita ko itong nagpapatuloy sa paglalampaso ng sahig.
"Lolo..."
Huminto ito at nag-angat ng tingin sa akin. Ngumiti siya na halos hindi na makita ang mga mata at mas lalong kumulubot ang balat sa gilid ng mga mata niya.
"Welcome to Montealto, Hija."
Mabilis na umakyat ang kilabot sa buong katawan ko sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Hindi ko gustong paniwalaan ang nasa isip ko pero tila gusto na niyong kumawala.
"Salvatore... Monteal–"
"Shhh..." Nilagay pa nito ang hintuturo sa mga labi.
Pakiramdam ko ay magko-collapse na ako sa impormasyon. Hindi na rin ako nakapagsalita pa nang lapitan siya ng mga lalaking naka-suit at wala na itong nagawa nang kargahin siya ng isa na parang bata lang na nilagay sa tagiliran.
"Ibaba... ibaba n'yo 'kooo!" sigaw pa nito.
Nanatili akong nakatayo sa posisyon ko at kusang umawang ang mga labi ko. I processed that hanggang sa maisakay ito sa van at mawala na sa paningin ko.
Kusang humakbang ang mga paa ko pabalik sa lift. Pigil ang paghinga ko hanggang sa makarating ako sa floor. Umupo ako sa swivel chair at mabilis na hinagilap ang mouse.
"Oh, bumaba ka, nasaan 'yung kape?" narinig kong tanong ni Lace.
Hindi ako sumagot at nagpatuloy sa pagta-type ng pangalan sa search bar ng browser. Salvatore Montealto...
"Kla," muling tawag sa akin ni Lace. "Nag-shabu ka ba sa baba?"
Sunod-sunod akong napalunok nang makita ko ang bagong larawan nito sa internet. I was right...
"Lace..."
"Sasampalin kita."
Kinuha ko ang braso niya nang hindi tinatanggal ang tingin ko sa screen. "Look at it."
"Hmm, Salvatore Montealto. Bakit ba nire-reseach mo mukha niya? I was asking you–"
"Look carefully, Lace."
Dinikit niya ang mukha niya sa screen. "Kitang-kita ko na, Klarise. 'Yung kape 'yung hindi ko makita." Bumaling siya sa akin nang naningkit ang mga mata.
"It was... he was... the old man, Lace."
"The old man?"
"T-the old I helped. The old man you gave m-money."
Kumunot ang noo niya sa sinabi ko at tila iniisip pa ring napapraning ako pero binaling niya ulit ang tingin sa screen at tinitigan iyon nang matagal bago bumaling sa akin nang nanlalaki ang mga mata.
"Oh my..."
"It was him, right?
Muli siyang bumaling sa screen at tumingin ulit sa akin nang nanlalaki pa rin ang mga mata.
"Shet... they look alike... pero mukhang dugyot 'yung matandang 'yon, malayo dito sa matandang nasa screen."
"Lace, I heard–"
"Back to work!" sigaw ng manager.
Mabilis umayos sa pagkakaupo si Lace. Nag-close din ako agad ng window nang nanlalamig pa rin ang mga kamay.
"Wala munang tsismisan, pakiusap."
Wala sa loob na kinagat ko ang ibabang lalabi ko. Muli kaming nagkatinginan ni Lace. No one would really think that he was the one and only Salvatore Montealto na ubod sa yaman sa gaanong klase ng porma. Ibang-iba siya sa mga nakita kong litrato niya sa internet. Puno ng alahas, magarbo ang damit at parating may suot ng sumbrero.
"Ako na lang kukuha ng kape..." mahinang bulong nito bago tumayo mula sa swivel chair niya.
Kinuha ko ang papel sa ibabaw ng mesa at sinubukang mag-focus na muna roon. Still, I couldn't help but feel distracted.
Binaba ni Lace ang isang cup sa harap ko. "Para nerbyosin tayong dalawa."
Uminom ako agad doon. Tumatagos ang tingin ko sa screen kaya hindi ko namalayan na lumabas na pala ng opisina 'yung supladong lalaking 'yon. Hindi ko pa rin nakakalimutan kung paano niya ako sigawan kanina. He sounded so entitled. Hindi niya man lang nakuha ang pagiging malumanay ng lolo niya. Kumukulo talaga ang dugo ko sa tuwing pumapasok siya sa isip ko.
Bago umuwi ang mga senior, nakipagtsismisan muna si Lace kay Ms. Aby. I simply listened while encoding some important details in the sheet.
"Nagpupunta ba dito si Mr. Salvatore?"
"Hindi pa namin siya nakikita rito. Mas madalas magpunta 'yung parents ni Mr. President. Ang alam ko retired na siya at mga anak na ang nagra-run ng businesses nila."
"Is he still relevant?"
"Ewan, pero siguro relevant pa rin sa mga mayayaman. Alam mo na, ibang-iba ang trip nila sa buhay. Hindi ko pa na-experience magtrabaho sa company nila, but I heard mas maganda ro'n. Mas maraming benefits at saka... may work and life balance ang mga empleyado. Ewan ko na lang ngayon na iba na ang nagma-manage." Binulong lang nito ang huling mga salita pero narinig ko pa rin. "Hindi katulad dito na kayod kalabaw. Bawal petiks."
"Their family looks perfect. May mga family scandal ba sila?"
"Usually mga business issues. Dati medyo nag-viral si Ma'am Sandra. May sinabunutan kasi siyang empleyado out of jealousy. Si Sir Loren naman nai-issue dahil mga corrupt na politician ang kabarkada niya. Marami pang mga minor issue pero nawawala rin naman sa internet. Pinaka-marami talaga si Mr. President. Sa susunod hindi mo na kailangang tanungin. Ikaw na mismo ang makakaalam."
Hanggang sa pag-uwi namin sa apartment ni Lace, malalim pa rin ang iniisip ko. I was starting to wonder kung may kinalaman ang matanda kung bakit ako na-hire.
"I think itong matanda talaga ang mabait. Ang dami niyang tinutulungang charity at pinaka-malaki ang foundation niya rito sa bansa. Ito namang Sandra... bongga ang social media. Flexing talaga ng luxurious life, but she looks young, considering na thirty years old na si Mr. President."
"Why do you think he's doing that?" wala sa loob na tanong ko. "I mean... that acting."
"As I researched further about him, maraming nagsasabi na he's very playful kahit noong mga kabataan pa lang. Siya iyong tipong magco-costume sa halloween. Sa old at recent photos niya, very fashinista pa ang lolo mo. Baka trip niya lang mag-cosplay bilang pulubi."
Humugot ako ng malalim na hininga. Napatingin ako sa cellphone ko sa ibabaw ng mesa nang tumunog iyon. Marahan ko iyong kinuha at tiningnan ang numero na nasa screen.
"Sino 'yan?" Lace asked.
"Unknown ..."
"Baka maniningil sa renta. Sabihin mo next week na lang."
I crossed my legs before answering it. Boses ng lalaki ang narinig ko sa kabilang linya.
"Is this Klarise Antonio?"
"Yes, who is this?"
"Mr. Salvatore Montealto wants to meet you tomorrow night."
Napatingin agad ako kay Lace na tila gusto nang marinig ang tao sa kabilang linya. Hindi pa ako nakakasagot ay pinatay na nito ang tawag.
"What?" Lace asked.
Wala sa loob na napalunok ako habang unti-unting kumakabog ang dibdib ko.
"Salvatore Montealto wants to meet me."