Chapter 4

2030 Words
AZAZEL ERIS ROSS __ Tumayo ako agad nang mapansin kong papasok na ito sa entrance ng coffee shop. The other door was closed, so we only had to use one door to enter and exit. I pushed it and he pulled it. My intention was to meet his eyes. Tumingin ito pero nilagpasan lang ako. Naiwan sa ere ang amoy nitong tila bagong paligong sanggol. I was disappointed. Sumunod din agad sa akin si Lace. I was getting frustrated dahil wala kaming interaction sa opisina at hindi na namin ito nakasabay sa baba simula noong huli. We had to think of different ways para makasalubong ito. Tumayo ako mula sa swivel chair nang paparating na ito papunta sa opisina niya. Sinundan ko lang ito ng tingin at bumalik na rin sa pagkakaupo. Humiwalay kami ng table sa cafeteria pagdating ng lunch break. Pati iyon ay maganda at malawak. Parang buffet restaurant. Maayos naman ang mga pagkain doon pero may kamahalan na para sa above lang nang kaunti sa minimum ang salary. "I think hindi niya ako naalala." "Don't you think it's better? Sabi mo nga, 'di ba... medyo bad impression 'yung unang encounter?" "Lace, I need his attention." "Ginagawan na natin ng paraan. Don't be so pressured." Tama naman siya pero hindi ko lang talaga maiwasang mag-alala. I hated that I wasn't making any progress. Ilang araw ko na siyang sinusundan sa coffee shop na madalas niyang daanan sa umaga at ilang beses ko na siyang nakasalubong sa counter at sa pinto pero parang hindi niya pa rin ako naalala. Humilab ang tiyan ko paglabas namin ng cafeteria. Nagpaalam ako kay Lace na hindi na ako aabot sa taas. Nagmadali akong pumasok sa pinaka-malapit na restroom at nagbawas na sa isang cubicle. Kompleto na ang gamit sa loob, so I had nothing to worry about. I just made sure to clean myself well before getting out. Tumayo ako sa harap ng salamin at hinugasang mabuti ang mga kamay ko sa sink. I thought I was alone there pero narinig kong bumukas ang pinto sa isa sa mga cubicle. Napatigil din ako agad nang makita ang pamilyar na mukha nito sa salamin at tila hindi rin nito inaasahang makita ako. "Pamilyar ka sa akin eh..." Napalunok ako. Pinaningkitan niya ako ng mga mata at lumapit sa sink na may isang dipang layo sa akin. Wala sa loob na pinatay ko ang gripo nang hindi tinatanggal ang tingin sa kaniya. "Anong ginagawa mo rito? I didn't hire you." Hindi ako nakasagot agad dahil pinroseso ko pa iyon. I thought he changed his mind and hired me. Muling naningkit ang mga mata nito. "Who interviewed you again?" "Someone... contacted me and said I was hired. I wasn't interviewed again." "Ano ka? Sinusuwerte? I will check that. Kapag nalaman kong nag-cheat ka para makarating dito, ipapadampot kita." I didn't feel scared dahil wala naman akong ginagawang masama. Isa pa, totoo namang sila ang tumawag sa akin. I didn't even have a problem on my first day. My name was on the list of the hired applicants na may pass para pumasok sa building. Paalis na sana ito pero muling tumingin sa akin. Marahas niyang hinawi ang ilong niya. "Pati tae mo amoy imburnal." Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "Kaganda-ganda mo na sana." Hinayaan ko na lang siyang rumampa palabas na gumagalaw ang balakang. Well... at least, he still complimented me. Pinunasan ko ang mga kamay ko at lumabas na rin ako ng restroom. Nakasalubong ko si Benj pabalik pa lang sa mesa ko. He smiled at me. "Kla, let's start now?" "Can I just quickly brush my teeth?" He chuckled. "Of course." Ngumiti rin ako sa kaniya at kinuha ang pouch sa bag ko. I just really made it quick at bumalik na rin ako sa mesa. Kumuha siya ng swivel chair at tumabi siya sa akin habang tinuturuan ako ng bagong task. I was comfortable with everyone, but he made me feel a little opposite. I'd always caught him looking at me kahit nasa computer at sa mga papel lang dapat ang atensyon naming dalawa. I just thought na baka ganoon lang ang way niya ng pagtuturo. Just like the past few days, nakipaglaban na naman ako sa antok. Naubos ko ang large coffee ko at naka-isang cup pa ako sa small pantry. Sabay na kaming bumaba ni Lace pero sinandya naming tumambay sa katapat na park dahil hihintayin pa namin ang sasakyan nito para sundan. "I heard he owns this park, too." I crossed my legs at pinanuod ang iba pang empleyado na nakatambay doon. Marahil tapos na ang shift o break time pa lang. Mukhang mahaba-haba pang oras ang hihintayin namin doon dahil palubog pa lang ang araw. Hindi ko namalayan na lumalalim na rin ang isip ko at matagal na akong nakatingin lang sa kawalan. I hated that we were starting from zero. "Alam mo, I think it's quite intentional na hindi ka binigyan ng kompletong impormasyon ni Danger. Hindi siya ganito magbigay ng misyon." "What do you mean?" mahinang tanong ko. "Ewan... I have this feeling na hindi niya gustong mag-succeed ka dito sa misyon or... maybe there's an intention na sukuan mo bandang huli." Bumaling ako sa kaniya. "If that's the case, dapat hindi niya na lang binigay sa akin, hindi ba?" Bumaling din siya sa akin and rolled her eyes. "Kilala ka niya. Matigas 'yang ulo mo. Kahit hindi ka isali, isasali mo 'yang sarili mo. He's smart enough to know na mas mapapahamak ka kung ikaw ang gagawa ng sarili mong misyon, so he just included you and gave you the easiest one." "This ain't easy." "Yeah, but compared to your sisters' mission, obvious naman na pinaka-madali 'tong sa'yo. Walang crime record ang family at hindi buwis buhay. Bara-bara, binigyan ka lang ng basic details tapos bahala ka na sa buhay mo. Seems like he wasn't worried at all. Sa totoo lang, hinihintay ko lang din na ibagsak mo na 'to." Umiling ako. "I won't do that." "But of course, I know you. Alam kong hindi mo bibitiwan. Hindi ko alam kung anong gusto mong patunayan. Hindi mo nga alam kung magkikita pa ba kayo." "I'll find them, Lace." "Let's say you will find them after this, tingin mo interesado pa silang makita ka? Do you think they'll be happy and will bother to congratulate you?" Muli akong bumaling sa harapan ko. Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko. I really wanted to see them pero kung ayaw nila akong makita... puwede ko pa rin naman silang tingnan sa malayo. Gusto ko lang malaman kung masaya na sila. I believed they all deserved to be happy. I badly wanted to see them again and give back kahit hindi na nila kailangan. Madilim na nang hilahin ni Lace ang braso ko. Tumingin ako sa building at nakita kong nakalabas na ito. Sinundan ko agad ang mabilis na hakbang niya at parehas kaming nagmamadaling pumara ng taxi. Mabuti na lang at hindi mahirap kumuha roon dahil may mga nakaabang na. Magkatabi kaming naupo sa backseat. "Manong, paki-sundan 'yung luxury car na kulay itim. Huwag masyadong malapit, ha," utos niya rito. "Bakit, Ma'am?" "Dahil magbabayad ako ng metro." "Huhulihin mo siguro 'yung asawa mo kung may kikitaing ibang babae, 'no?" "Driver ka ba o HR?" "Sungit mo naman, ma'am." Hindi ko alam kung bakit kinakabahan din ako sa ginagawa naming dalawa. Huminto ang sasakyan nito sa isang spa na medyo tago ang lugar. Bumaba rin kami agad ng taxi ni Lace nang makapasok ito sa loob. Nagtago kami sa likod ng sasakyan na naka-park sa kalsada. "Tingin mo magpapa-massage lang siya?" I asked. "Baka may extra service." "Paano natin malalaman?" "Pasok tayo sa loob..." Akmang hihilahin ang kamay ko pero hinila ko siya pakubli. "Not now... baka makita niya tayo." "Hihintayin ba natin?" "Tingnan natin kung saan siya susunod na pupunta." Matagal din kaming nakasilip ni Lace sa entrance ng spa. Nainip din kaming dalawa at naupo sa gilid ng kalsada habang nagmamanman pa rin sa entrance. "Ang daming malalaking spa, I wonder kung bakit dito niya napili." "Baka nga may extra service nga," sagot nito. "He can get any woman he likes with his money. He can rent them, right?" "Eh... baka ayaw niyang iuwi o baka ayaw niyang i-hotel kasi baka may makakita sa kanila. Conscious sila sa reputation nila, hindi ba?" "What if massage lang talaga or other service na walang extra service?" "Then better." Kung ano-ano na ang pumasok sa isip naming dalawa habang hinihintay ito. Tumayo rin kami after an hour nang makita namin itong lumabas. Umaandar na ang sasakyan nito nang magmadali kaming humagilap ng taxi. Nasundan namin ang sasakyan niya pero nang pumasok sa malaking gate ng subdivision, hindi na kami nakasunod. Lace and I just decided to come home. May kalayuan pa sa apartment at traffic pa kaya nagpababa na lang kami sa sakayan ng bus. We both concluded na dumiretso na ito pauwi. We were still having a conversation pero hindi ko na naman napigilan ang antok ko at nakatulog na ako sa balikat niya. Ginising niya lang ako nang pababa na kami ng bus. Tumambay muna ako sa rooftop pagkatapos kong maligo. Sinadya naming ayusan iyon ni Lace. Lagyan ng yellow lights, taniman ng halaman, gawan ng artificial lawn, lagyan ng mga upuan, mesa at iba para maging komportable kaming dalawa at makasagap ng hangin sa gabi. Nagbaba siya ng tsaa sa mesa at naupo sa tapat ko. "Knowing na late na siyang lumalabas, I think kailangan nating mag-overtime sa mga susunod na linggo," she added. "They'll allow us. I just don't think I can handle that." She chuckled. "Magtitimpla na ako ng isang drum na kape." Kinuha ko ang tsaa na ginawa niya at sumimsim doon. "I need a job that you know... a job that I'll be able to work with him closely." "Secretary... the thing is... matagal nang nagtatrabaho sa kaniya 'yung secretary niya. Nakita mo naman, mukhang tumanda na sa stress. Mahirap nang palitan lalo at trusted niya. Well... unless we play dirty." Humugot ako ng malalim na hininga, but Lace was still calm. She reminded na marami pang puwedeng mangyari. "I heard hindi talaga siya mahilig sa babae. Walang issue na pumorma siya sa empleyado niya at wala ring nabalitang nai-date niya." "Paano kung..." "Bakla siya? Edi luhaan tayo." Pinikit ko ang mga mata ko. "You're making me more worried, Lace." "Puwede namang focused lang talaga siya sa business niya like hello... he's managing different HUGE businesses. Puwede namang masikreto lang talaga siya. May nasagap din ako na tsismis na hindi rin siya mahilig mag-party, clubbing, or mag-attend ng mga event. Wala ring bisyo, alak, sigarilyo, sugal, so... more of work lang talaga ang pinagkakaabalahan niya. Yeah, this is challenging for us. We really need that one chance na makilala n'yo ang isa't-isa. Kailangan nating pag-isapang mabuti kaya nga kailangan natin alamin kung ano ba 'yung mga usual na ginagawa niya outside of work. Kumuha tayo ng tao para mag-spy sa kaniya at bigyan na lang natin ng contract para hindi nating magbayad in advance. Kumalma ka lang. Hindi natin kailangang magmadali. Remember, 1 to 2 years ang allotted time para sa misyon na 'to? Isang linggo pa lang tayo, frustrated ka na. Imagine the months we have to count. Just focus and don't rush." "Magagawa natin ang misyon," I said firmly. "Without sacrificing a lot, I hope so. Basta hindi ka mapapahamak, I'll go with the flow. Pero kapag buhay mo na ang nakataya, I'm telling you, ako mismo ang hihila sa'yo palabas sa misyon na 'to. Marami na tayong pinagdaanan, mas mahirap pa dito. I don't mind living paycheck to paycheck as long as you are alive. Puwede namang mag-asawa ng ibang bilyonaryo kahit hindi bonggang-bongga ang yaman. 'Yung medyo matanda na para hindi na makaararo." Nangingiting napailing ako sa kaniya. "I can do this. I promise I can do this. I will make him fall in love with me whatever the means are." "Go, Sissy. Ipakita mo kung sino ka. Ipakita mo ang kamandag ng isang Ross." "Right, I'm Azazel Eris Ross. Hindi dapat ako natatalo. Hindi dapat nagpapatalo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD