AZAZEL ERIS ROSS
__
Papunta pa lang kami ni Lace sa entrance ng building narinig na namin ang malakas na sigaw ng mga tao sa labas.
"Make Montealto accountable!"
"Boycott Montealto!"
"Pay your employees right!"
I realized they were rallying when I saw the banners they were holding. Hinila ni Lace ang kamay ko para hindi kami maipit sa mga ito at pinasingit naman kami agad ng guard nang magpakita siya ng company ID.
Hindi na gaanong malakas ang sigaw sa loob nang makapasok kami dahil nakasara lahat ng entrance.
"Damputin n'yo lahat. Turuan n'yo ng leksyon para manahimik." I heard one of the executives ordered.
Hindi na kami nakahinto ni Lace sa lobby para maki-tsismis dahil may mga security at staff din sa baba na nagpapaakyat na sa taas.
HIndi na kami nakapag-usap ni Lace dahil marami kaming kasabay sa loob. Pagdating sa floor, nakita ko agad ang mga empleyado na nakasilip sa glass wall. Hinila ako ni Lace para makisiksik sa mga ito.
"Hindi ba sila nagsasawa? Wala naman silang mapapala."
Nakita kong pinagdadampot ang mga tao sa baba. Hindi ko alam kung bakit bumibigat ang dibdib ko habang pinapanuod sila.
"Nagsasayang lang sila ng oras. Ipapahamak pa nila ang sarili nila."
"Tara na. Baka makaakyat na mga executive. Malintikan tayong lahat."
Bumalik na rin kami sa kani-kaniyang table. Binuksan ko ang computer ko habang pinapasadahan ng tingin ang mga papel na iniwan sa mesa ko.
I was still thinking of the people outside kaya bukas pa rin ang tainga ko para pakinggan ang iba't-ibang tsimisan pero wala akong maintindihan dahil sabay-sabay silang nagsasalita.
"Hi, Laise, good morning," narinig kong bati ng senior trainer niya na si Ms. Aby. Tumingin din ito sa akin at ngumiti. "Good morning, Kla."
Lace and I greeted her back. Nagdala ito ng kape sa ibabaw ng table ni Lace.
"Nahiya naman ako... parang dapat ako 'yung nanlilibre ng kape, but I will make bawi na lang sa sahod day. Promise 'yan."
"No worries. Kla, hindi na kita binilhan. Kasabay ko si Benj kanina. Bibilhan ka na raw niya. Ingat ka lang do'n. SIngle 'yon."
I just forced a smile.
She just reminded Lace na mag-start na sila within an hour pero hindi siya hinayaang umalis nito at nag-tsismisan pa silang dalawa. Nakinig lang ako habang nagpapanggap pa rin na nagbabasa ng papel.
"Bakit nagra-rally sila sa labas?"
"Dati na 'yan. Iba't-ibang issue. Pinaka-malala 'yung sa mining. 'Di ba may pitong namatay do'n? Nagwe-welga pa rin 'yung pamilya dahil wala silang natanggap na pera kahit donation daw ng kabaong wala."
"Totoo bang hindi sila nagpapasahod ng empleyado? Sasahod pa ba ako?"
"Hindi pa naman namin na-experience at maganda naman ang pagpapasahod. Sa mga na-terminate yata. Iyong mga tatanga-tanga raw na nasigawan nang you're fired at hindi makakaapak pa sa sahig ng Montealto."
"Isn't it illegal?"
"Mahigpit talaga ang upper management. Wala silang pakialam. Madali lang nilang magagawan ng paraan 'yan. Kaya dito... Hindi masyadong importante na magaling ka. Kailangan mas magaling kang..."
Simple akong nag-angat ng tingin at pinanuod kung paano siya sumipsip sa kape niya. I immediately understood it.
"'Yung issues sa Montealto Airlines, matagal na 'yon. Sa totoo niyan, napaka-raming issues, ikaw na lang ang magsasawa."
Sumimsim din sa paper cup si Lace habang taimtim na nakatingin sa kaniya. "There are not so many issues on the internet."
"Kaya nga tayo may building ngayon dito. Pasalamat na lang tayo at hindi tayo ang nagmo-moderate at sumasagot sa mga galit na galit na customers. 'Yun nga lang, nalulunod tayo sa paper work dito."
"Will it cost them a lot kung babayaran na lang nila itong mga taong 'to, tutal mukhang... deserve naman nila ng compensation?"
"The management is standing on its ground. They don't like compromising dahil ang mukhang gusto nilang ipahiwatig eh nasa tama naman sila. Basta..." Bahagya itong bumaba kay Laise. "Don't talk bad about the company. Marami ritong nagbabait-baitan pero kumakanta ang mga 'yan dahil pangarap nilang maging tagapag-mana."
Nawala rin ang atensyon ko sa kanila nang lumapit sa akin si Benj para mag-abot ng kape at bumati. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga narinig ko. Tama si Lace, hindi naman grabe ang mga issue na nasa internet. Norma lang ang mga iyon para sa isang malaking negosyo, but about the mining na may pitong namatay, I guess we didn't read that. Mukhang nagte-take down sila ng mga news at articles na hindi pabor sa kanila.
It was almost lunch ng dumating ito. Tumayo silang lahat. I had no plans pero hinila ni Lace ang braso ko patayo. I just lazily looked in his direction. Ganoon pa rin ang itsura niya. Para siyang hindi nalulukot pero ang mukha ko ang gustong malukot.
Nag-iinit pa rin ang dibdib ko sa huling interaction namin at mas lalong sumasama ang tingin ko sa kaniya dahil sa mga nalalaman ko. Halata namang hindi siya gagawa ng maganda.
Right after lunch, pagbalik namin ni Lace sa mesa naming dalawa, nakita namin ang mga executive sa conference room na tila may seryosong meeting.
Hindi ko maiwasang tingnan ang direksyon nito. I wondered kung ano na namang masamang plano ang naiisip niyang gawin sa mga nagwelga sa labas kanina. Napaka-sama talaga ng ugali ng mayayamang 'to.
Humihigpit na ang hawak ko sa mouse nang maramdaman ko ang pagdampi ng kamay ni Lace doon.
"Kalma... dumighay ka muna. Huwag mong masyadong titigan."
I was tempted to research about his mining company pero pinigilan ko ang sarili ko dahil company computer pa rin ang gamit ko. Ilang beses pa rin akong napatingin sa direksyon nito kahit pa tinutuon ko ang atensyon sa practice task na binigay sa akin.
I was starting to get bored and sleepy again kahit naubos ko na ang isang large cup ng kape na binigay sa akin ni Benj. Lace had to continuously nudge me and massage my hand.
Nagpunta ako sa restroom bago matapos ang shift. Inayos ko ang buhok ko na lagpas hanggang sa dibdib ang haba. It was naturally straight at usual ko lang pinapa-layer cut.
Naglagay na rin ako ng lip balm dahil baka makasalubong ko na naman sa baba ang lalaking 'yon. I had to look good and still get his attention kahit pa kumukulo ang dugo ko sa kaniya. Nagwisik na rin ako ng pabango sa sarili ko.
Pabalik pa lang ako sa mesa ko nang salubungin ako ng isang senior na tila pa-out na dahil bitbit niya na ang bag at gamit niya.
"Kla, baka naman puwedeng pa-encode muna nito sandali bago ka mag-out?"
Tiningnan ko ang papel na hawak niya bago ko iyon marahang kuhanin. "Sure... no problem."
Ngumiti ito sa akin. "Salamat. Email mo sa akin ang file after, ha?"
Bumalik ako sa swivel chair ko at binuklat ang papel na inabot nito sa akin. Sumama agad ang mukha ko.
"Ganito ba ang sandali sa kaniya?"
"I'm done," ani Lace at sinimulan ng ayusin ang mesa niya.
Mabigat ang mga daliring nag-type ako sa keyboard. I regretted not saying no.
"Matagal pa 'yan?" tanong niya.
"Bukas pa."
She chuckled. "Tsi-tsismis lang ako."
Hinayaan ko lang siya dahil isa naman talaga sa trabaho namin ang kumuha pa ng impormasyon. Dalawang araw pa lang kami pero halos kasundo niya na lahat ng empleyado sa floor.
Inabot ako ng mahigit isang oras sa ka-e-encode pero hindi pa rin sila natatapos sa tsismisan ni Ms. Aby.
"Susunod ako sa lobby, Sis."
Hindi talaga siya magpapaawat. Nagpaalam na lang ako kay Ms. Aby at muli akong tumingin sa opisina ng lalaking iyon. Hindi pa rin ito lumalabas at natatrabaho pa rin ang sekretarya niya. Well, I hope pinapasahod niya ito nang tama.
Bago pa ako makasakay ng lift, nag-open na ako ng article about the mining sa cellphone ko at binasa ko iyon sa loob pagkatapos kong pindutin ang ground button.
I was so intrigued to read it. Tumigil lang ako sa pagbabasa nang biglang umalog ang elevator. Napahawak ako sa handle na nasa gilid at napatingin sa lalaking hindi ko namalayang kasama ko sa loob. Bumilis ang takbo niyon pababa na lalong nagpakabog sa dibdib ko. Then all of a sudden... bumagsak iyon. Sa sobrang lakas ng impact, bumagsak din ako at halos mahalikan ko ang sahig. Namatay ang ilaw sa loob.
Natataranta kong kinapa ang cellphone ko pero iba ang nakapa ko. It was like... his hand. Nalaman kong tama ako nang tinutukan niya iyon ng flashlight gamit ang cellphone niya.
"S-sorry..." mabilis ko ring binawi at sinubukan kong hanapin ang cellphone ko. I guess sinadya niyang itutok ang liwanag sa paligid para tulungan akong maghanap. Binuksan ko rin agad ang flashlight niyon nang makita ko at tiningnan ko agad ang signal. I saw none.
I groaned. "What happened?"
"Maybe there's a sensor malfunction again."
Wala sa loob na tumingin ako sa direksyon niya. Prente na siyang nakasandal sa kabilang dulo.
"You mean... this always happens?"
"They'll fix it."
Humugot ako ng malalim na hininga at nagbakasali pa ring magka-signal at matawagan ko si Lace. It just seemed impossible.
Naupo ako sa kabilang dulo at hinayaan ko'ng nakabukas lang ang flashlight para mas maging maliwanag sa loob.
Sa sobrang tagal nilang maayos ang lift, nakaramdam na naman ako ng antok. I guess I just had a very quick nap pero paggising ko, nasa loob pa rin ako ng lift pero... nakadantay na ang pisngi ko sa kamay ng lalaking kasama ko.
Marahan kong tinanggal ang ulo ko roon at tiningnan siya. Mas malapit na rin siya sa akin kaysa sa puwesto niya kanina at... na-realize kong... guwapo siya.
"You almost fell down."
"T-thanks..." alanganing sambit ko. "I... just really can't help it. I have hypersomnia."
"I have insomnia."
Hindi ako nakasagot agad at lalo akong napatitig sa sideview niya dahil diretso na siyang nakatingin sa harap ng pinto ng lift.
Fascinating... two different people stuck in an elevator.
"Are you working here?"
"No."
"Are you from another company?"
Hindi ito sumagot. Tiningnan niya ang oras sa suot niyang relo. Napalunok ako dahil pamilyar iyon sa akin at alam ko kung ano ang halaga. Hindi ko maiwasang hagurin pa siya ng tingin. He was wearing blue long sleeves, black trousers, and leather shoes. Alam ko na agad na hindi talaga siya empleyado roon at alam kong hindi rin siya empleyado sa ibang kompanya.
"Do you... personally know President Samel Montealto?"
Bumaling siya sa akin. Nanuyot agad ang lalamunan ko nang makita ko ang magagandang mga matang iyon.
"Are you new here?"
Wala sa loob na tumango ako. "This is my second day."
"Makes sense," mahinang bulong nito.
"Are you a shareholder? Maybe... a board member?"
"I'm Keensly."
Muli akong napalunok, but his answer made me feel comfortable. Alam kong mayaman siya pero hindi ko alam kung bakit regular lift ang gamit niya at hindi ang exclusive.
"Klarise..."
Sandali rin itong tumitig sa akin bago muling magsalita. "You may try to sleep again. It might take more time before they fix this."
"I no longer feel sleepy. I'm curious... What's the feeling of having insomnia?"
"It sucks," diretsong sagot nito.
Bahagyang nabuo sa ngiti ang mga labi ko.
"What do you do when you can't sleep?"
Muli itong bumaling sa pinto ng lift at muli kong nakita ang magandang hugis ng ilong niya.
"I read. I walk. I do different things. How do you fight the urge to sleep?"
"I drink coffee, eat chocolates, exercise... and I always try to limit my alcohol intake; I always fail."
"I wonder what you are hiding from."
Hindi ako nakapagsalita agad dahil inisip iyon ng utak ko. Hindi ko rin alam kung anong lumabas sa bibig ko habang nakatitig sa kaniya.
"I wonder what that is you can't run from."
Kinain kami ng katahimikan at unti-unting nagbabara ang lalamunan ko sa atmosphere. I felt the need to end the awkwardness with a force smile.
"Sometimes it's funny... how we keep chasing for people with the same experiences and wants just to vibe with. Little do we know that we are losing the chance to meet people outside of our comfort zone. We are losing the adventure and the learning."
"Maybe we keep losing people dahil hindi natin nasasabi ang nararamdaman natin habang maaga pa. Kapag gabi kasi tulog na sila."
I thought it would be a wholesome conversation with him, but I found myself laughing softly. Nakita ko rin ang bahagyang pag-angat ng labi nito. That made him look even more handsome. Pakiramdam ko ay nag-iinit ang magkabilang pisngi ko.
Mas naging komportable ako. Mas naging mahaba ang conversation naming dalawa about sleep and our conditions. Nakalimutan kong dapat akong mag-alala na na-stuck kaming dalawa roon.
Parehas kaming napahito nang sumindi na ang ilaw at nagsimulang gumalaw ang lift. He offered his hand to me para alalayan akong tumayo. I willingly gave my hand.
Pakiramdam ko ay lalong nag-init ang mga pisngi ko nang maramdaman ang malambot na kamay niya. It was just quick. After a few seconds, nasa ground floor na rin kami. I was not able to thank him dahil lumabas siya agad at pumasok si Lace para yakapin ako.
"Akala ko hindi ka na humihinga..."
Marami ring maintenance sa labas at staff. Ilang beses akong tumingin sa paligid pero hindi ko na siya nakita. Nakasakay na kami ng bus ni Lace pero pakiramdam ko nasa loob pa rin ako ng lift.
"Alam mo, sa lahat ng nakulong sa elevator ikaw lang ang nakangiti."
"I met someone, Lace..."
"Someone?"
"I was stuck with him inside. He's... handsome."
"I didn't see him."
Naalala ko pa rin ang mukha nito habang nakatingin ako sa labas ng bintana. Hindi ko alam kung paano ko siya ide-describe. He looked unemotional, but he sounded a little bit playful the way he shared his joke. I could also feel that he was a gentleman.
Kahit nang makauwi at matutulog na kami ni Lace ay hindi ko pa rin mapigilang mapangiti. I guess I was smiling from ear to ear.
"Ngayon pa lang kita nakitang kinilig nang ganiyan. Ayusin mo talaga... ibang lalaki ang kailangan mong pakasalan."
"Sana makita ko siya ulit..."
"Sister, ang misyon."
Yeah, I finally remember. Muli kong kinuha ang magazine nito sa drawer. Instantly, nalukot agad ang mukha ko.
Pinitik ko ang ilong niya sa litrato.
"Supladito."