Gaya ng plano niya mag po-propose na siya kay Anisha ngayong gabi. Ito ang unang gabi nila sa Isla at planado na niya ang lahat. May mga staff na si Kian na nag ayos ng maganda at romantic na set up sa mismong tabing dagat para mas romantic at kiligin naman ang asawa niya. Mahalaga pa rin na napapakilig pa rin niya ang asawa, para manatili ang sparks sa kanilang pagsasama. Lalo na't puno sila ng problema at pagsubok sa mga nagdaan na araw. At sa palagay niya tapos na ang unos sa pagsasama nila ni Anisha. Puro saya na lang ang kanilang haharapin ngayon. "Wow, ang ganda," puri ni Anisha nang ibigay niya ang paper bag na may lamang damit na isusuot nito ngayong gabi. "Wear it, sweetheart," he said. "Ngayon? May pupuntahan ba tayo?" Nagtatakang tanong nito habang hinahaplos ang magandang dr