Ewan niya kung bakit sunud-sunod ang naging pagtulo ng kanyang luha habang nakatingin sa asawa niyang nakaluhod sa kanyang harapan at hawak ang isang kumikinang na singsing, habang saksi ang mga bituin at buwan, isama pa ang hangin at alon na nagmumula sa karagatan. Napaka solem ng buong paligid nakadagdag pa ang tugtug ng violin sa kanyang emosyon. "Will you marry me again, Mrs. Anisha Dela Vega?" Muling tanong ni Vince sa kanya. Hindi pa nga pala siya nakasagot sa asawa dahil nauna na ang kanyang pag iyak sa di mapigilang emosyon dala ng sobrang kaligayaan na nararamdaman niya. Tumayo siya mula kinauupuan para lapitan ang asawa nakaluhod pa rin at naghihintay sa isasagot niya. "Yes, Vince, yes!" Sagot niya sa asawa na agad niyang hinawakan sa mukha para mahalikan ito sa labi. Tumayo