"Vince, tama na!" Nagulat siya nang biglang may humila sa braso niya habang hinahanap niya si Anisha sa maraming tao. "Tama na, Vince!" Pigil sa kanya ni Mica na nakahawak sa braso niya. Hindi niya namalayan na sinundan pala siya ni Mica kanina at marahil nakita nito ang paghabol niya kay Anisha. "Please, Vince, enough. Tigilan mo na ito," pakiusap pa sa kanya ni Mica. Nakaramdam siya ng awa sa fiancée niya. Humugot siya ng malalim na paghinga at inikot pa ng isang beses ang kanyang paningin para hanapin si Anisha. Pero wala na talaga sa crowed ang dalaga. Hindi na niya ito mahanap pa. "Pasensya na," paumanhin niya kay Mica. Tumango sa kanya ang dalaga at niyaya n siyang umalis nito. Wala namang kasalanan si Mica sa nangyayari sa kanila ni Anisha, pero alam niyang ito ang labis na